PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lovi Poe inspired to write a song for her new teleserye

Lovi Poe says she has been writing songs since she was in grade school.
by Rose Garcia
Published Sep 3, 2016
Lovi Poe has come out with her hidden talent for writing songs, is it an emotional outlet in light of her recent breakup with Rocco Nacino? "Well, it helps if you're going through something," she admits.


Songwriter rin pala si Lovi Poe at posible pang maging theme song ang composition niya para sa GMA-7 teleserye na Someone to Watch Over Me.

Na-inspire raw siyang isulat ang kantang "Sana’y Maalala" pagkatapos ng grand presscon ng teleserye.

Ayon kay Lovi, “I wrote it after the presscon, so when I watched it, na-inspire ako lalo sa character ko at sa story.

“The lyrics, parang, ‘Sa pagtulog mong kay himbing, tinitingnan kita at gustong yakapin.

“‘Ngunit mahal ko, ikaw ay nakangiti, ayaw naman kitang gisingin.

“‘Sino bang natatanaw mo, siya ba o baka naman ako?

“‘Yung mahal mo noon o yung mahal mo ngayon?’

“Parang ganun...”

Ang isa sa mga contestants ng Superstar Duets at kaibigan ni Lovi na si Nar Cabico ang pinakiusapan daw niyang mag-arrange ng kanta.

Ang titulo ng kanilang serye ay titulo rin ng isang sikat na kanta, pero ayon kay Lovi, hindi raw ito ang theme song na gagamitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya rin daw naisipan niyang magsulat.

Sabi pa niya, “Sinabi ko rin sa E.P. [executive producer] namin, we’ll wait and see kung paano na.

“Mahaba raw kasi ang process, apparently, meron na pala silang kinuha na theme song.”

“Pero yun nga, hindi ko rin alam na may nakausap na sila.

“So they will see kung ano ang gagawin nila.

“Parang pinag-uusapan din nila kung puwedeng dalawang theme song,” nakangiti niyang sabi.

HIDDEN TALENT. Kagagaling lang ni Lovi sa breakup nila ni Rocco Nacino, may hugot ba ang kinahinatnan ng relasyon nila sa paggagawa niya ng kanta?

“Well, it helps if you’re going through something,” nakangiting pag-amin niya.

Bida rin sina Tom Rodriguez at Max Collins sa Someone To Watch Over Me na magsisimula nang mapanood sa Lunes, September 5, sa GMA-7.

Ano ang reaksiyon ng bago niyang leading man sa ginawa niyang kanta para sa teleserye nila?

“Natuwa si Tom, tuwang-tuwa siya, na-excite rin siya,” masayang pahayag ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inspirado raw siyang talaga sa bago niyang karakter, bukod pa sa hilig naman daw niyang talaga ang magsulat ng kanta.

Ani Lovi, “Inspirado ako sa soap and I love to write.

“Mahilig akong magsulat and medyo marami-rami na rin.

“I don’t know anymore kung gaano karami na, kasi I’ve been writing since I was in grade school.

“So, parang ngayon, I just get inspired.

“Sometimes sa car, kapag traffic, nagsusulat lang ako.”



Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lovi Poe has come out with her hidden talent for writing songs, is it an emotional outlet in light of her recent breakup with Rocco Nacino? "Well, it helps if you're going through something," she admits.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results