PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Balang happy to be part of GMA-7's newest reality show, #LIKE

Balang: "Salamat po sa inyo at sana hindi po kayo magsawa sa akin."
by Arniel C. Serato
Published Sep 3, 2016
Masaya si Balang na unti-unti na siyang nakilala sa telebisyon ngayon dahil sa kanyang mga viral videos. Nagpapasalamat din siya sa GMA na nabigyan siya ng pagkakataong makapag-host ng sariling TV show.


Masayang-masaya ang pitong taong gulang na si John Philip Bughaw o mas kilala ngayon bilang si Balang dahil may sarili na itong TV show.

Ngayong Sabado, September 3, pagkatapos ng Eat Bulaga!, nagsimula na ang #LIKE, ang bagong talent reality show ng GMA kung saan co-host si Balang ni Tom Rodriguez.

Kuwento ni Balang, “Unang-una po nagpapasalamat ako sa GMA, sa pagbigay nila ng show, at sana po pagbigyan pa nila ako ng ibang show.

“Salamat po sa inyo at sana hindi po kayo magsawa sa akin. Thank you.”

Nakilala si Balang sa kanyang mga viral dance videos sa Facebook at dahil dito, tatlong beses na siyang naimbitahan sa The Ellen DeGeneres Show.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang internet sensation kung kamusta ang pagkikita nila ni Ellen? Mabait ba ito?

Saad ni Balang, “Opo mabait po, pero bawal magpapicture. Kasi daw po ano daw po lagi pong may take, dire-diretso daw po yung take niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya naman daw nanghihinayang siya na wala silang litrato ng sikat na TV host.

Kay Tom naman, na-starstruck daw siya noong una pero ngayon close na daw sila. Lagi daw hinahawakan at hinimas-himas ng aktor ang kanyang tiyan.



Nakausap ng PEP si Balang sa pocket interview ng #LIKE noong September 1 sa GMA Network Center, Quezon City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SUCCESSFUL BALANG. Sa ngayon, sinabi ni Balang na, “Ang saya ko po, ramdam ko po yung saya,” na mula sa paggawa ng mga videos sa Facebook ay napansin siya at nabigyan na ng show sa telebisyon.

Katuwang si Balang sa mga segments ng #LIKE kung saan ipapakita rin niya tuwing Sabado ang kanyang galing sa pagsasayaw.

Iikot ang show sa mga bara-barangay bawat episode upang i-discover ang mga online sensations sa kanilang lugar, mapa-grupo man o individual.

Sa kabilang banda, tuluy-tuloy pa rin daw ang kanyang pag-aaral kahit abala na sa ilang showbiz commitments.



Read Next
Read More Stories About
Tom Rodriguez
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Balang na unti-unti na siyang nakilala sa telebisyon ngayon dahil sa kanyang mga viral videos. Nagpapasalamat din siya sa GMA na nabigyan siya ng pagkakataong makapag-host ng sariling TV show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results