PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tom Rodriguez glad for experience working with Channels 2, 5 and 7

Tom Rodriguez denies professional rivalry issue with Dennis Trillo.
by Rommel R. Llanes
Published Sep 4, 2016
Tom Rodriguez sees no professional rivalry with Luminary Talent Management colleague Dennis Trillo: "Si Dennis hindi madamot at yung ginagawa ko lang, natututo ako sa mga nakakatrabaho ko, so tina-try kong i-embody yung nakikita kong kalidad na gusto ko ring magkaroon sa sarili ko."  

Alam ni Tom Rodriguez na ang papel niya bilang si TJ Chavez sa Someone To Watch Over Me ng GMA-7 ang susubok sa kanyang kakayahan bilang isang aktor.

"Lahat naman ng ano, e.

"Kasi admittedly, I've been in this industry for six years, and every time talaga, ang dami kong natututunan, e.

"Ayokong maliitin din yung mga ginawa ko dati, kasi totoong nahirapan ako, kasi mas konti yung kaalaman ko dati.

"Hindi ko sinasabing anlayo ng kaalaman ko ngayon, kasi ganun pa rin, e.

"Konti pa rin yung kaalaman ko ngayon. Ang dami ko pang kailangang matutunan.

"Pero masaya ako na sa bawat role, mas lalo pa akong napu-push at natsa-challenge at mas lalo akong napupuwersang matuto."

Bida sa Someone To Watch Over Me si Tom bilang si TJ Chavez kasama sina Max Collins bilang si Irene Montenegro at Lovi Poe bilang si Joanna Mercado.

MOST CHALLENGING ROLE. Ito raw ang maituturing na pinaka-challenging role niya so far.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Definitely," bulalas ni Tom.

"Kasi ito yung tina-tackle ko ngayon, so for me, it's the most challenging.

"Kasi ramdam ko yung panibagong pakiramdam ng challenge, e.

"Hindi yung, kunwari MHL [My Husband's Lover], nung nandun ako, iyon yung pinaka-challenging sa akin.

"Pero pag nalampasan mo na, may relief na, 'Nalampasan ko na yun!'

"So ngayon andito ako sa Someone To Watch Over Me, ramdam ko yung lahat ng challenge.'

Kasama rin sa Someone To Watch Over Me si Edu Manzano bilang si Buddy Chavez, Jackie Lou Blanco bilang Cielo Chavez, Isay Alvarez at Ronnie Lazaro bilang Carmen at Ruben Mercado, Boy 2 Quizon bilang Paolo, Ralph Noriega bilang Jepoy Mercado, at Frances Makil bilang best friend ni Joanna.

Ang Someone To Watch Over Me ay sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes.

Magsisimula na ito sa September 5 sa GMA Telebabad.

NO PROFESSIONAL RIVALRY WITH DENNIS. Iisa ang manager nina Tom at Dennis Trillo—si Popoy Caritativo ng Luminary Talent Management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala si Dennis bilang isang mahusay na aktor.

Kaya may extra effort ba si Tom o may pressure ba na husayan at galingan para hindi siya mapahiya kapag ikinukumpara kay Dennis?

"No, no!

"The thing is, ang gusto ko sa Luminary, and the way Popoy handles all of us, magkakapatid kami.

"Ang sarap ng pakiramdam na ganun. Wala akong kuya, e!

"Anim kaming magkakapatid, ako ang pinakamatandang lalaki, pero dito may kuya ako.

"Kung ako yung tagapayo sa mga kapatid ko, dito may mga nagpapayo sa akin—may mga kasama ka, may barkada ka, na really wishes the best for you!

"And I wish the best for them, yung mga naa-achieve nila, nai-inspire ako.

"Lalo na kay Dennis, who I really look up to, as an actor. Grabe!

"And kung paano sila magbigay, I take cues from them, e.

"Si Dennis hindi madamot at yung ginagawa ko lang, natututo ako sa mga nakakatrabaho ko, so tina-try kong i-embody yung nakikita kong kalidad na gusto ko ring magkaroon sa sarili ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So pag nakita kong napakagaling niya, napaka-mapagbigay, sabi ko, iyan yung gusto kong maging.

"I'll follow that path and I'm happy to say na, well, sila JC [Tiuseco], sila Raf [Rafael Rosell], sila Dennis, sila kuya AJ [Dee], andun e, ramdam mo yung ganung klase na samahan," banggit pa ni Tom sa mga male talents ng Luminary.

Kahit konti ay wala raw professional rivalry sa pagitan nila ni Dennis.

"I don't look at it that way, e.

"Because ang liit ng industriya nating ito, there's enough space for everyone and I'm proof of that.

"Nakaikot na ako sa tatlong network [2, 5 and 7] at sobrang suwerte ako dahil dun, mas lumawak yung pag-iintindi ko sa industry na ito dahil ang dami kong nakatrabaho, na-expose ako.

"Ever since noon pa team player ako, I've never been na, 'Kailangan ako ang the best, kailangan ganito.'

"Hindi ganun, e. Ang pangit na outlook sa buhay nun, ang pangit na way of doing things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang saya ng trabaho namin, may mga nagagawa kaming hindi namin magagawa sa buhay namin.

"Nakakasilip kami sa mga buhay na hindi namin magagawa, sa mga behind the scenes nakikipaghalubilo kami sa mga tao na puwedeng hindi namin nakilala kung wala itong trabahong ito.

"For example yung relationship namin ng Luminary boys hindi mangyayari yun kung hindi ako napunta dito, e.

"And I'm very lucky, I'm very blessed where I am and I'm just been so happy, sobra.

"Kaya I'm so thankful."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tom Rodriguez sees no professional rivalry with Luminary Talent Management colleague Dennis Trillo: "Si Dennis hindi madamot at yung ginagawa ko lang, natututo ako sa mga nakakatrabaho ko, so tina-try kong i-embody yung nakikita kong kalidad na gusto ko ring magkaroon sa sarili ko."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results