Nagkuwento si Olivia Lamasan ang mga naging karanasan nila sa pagsu-shooting ng 21 araw sa Barcelona, Spain kasama sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Dahil nagkasakit siya noong grand presscon ng Star Cinema movie na Barcelona: A Love Untold, nagkaroon ng pocket presscon para kay si Direk Olivia. Ang romance movie na ito ay ipapalabas sa mga sinehan simula September 14.
Masasabi niya bang mas nakabuti na sa ibang bansa nga sila nag-shooting ng Barcelona: A Love Untold?
“Parang hindi ko naisip, sorry talaga, parang hindi ko naisip on that concept,” lahad naman ni Direk Olivia.
Ayon pa rito, “From day one, sinabi ko talaga sa kanila kasi, I’ve done several projects with other country, so alam ko kung gaano kahirap yung requirements na other country.
Princess and I, pero ako, sabi ko sa kanila, iba ako ha. From day one, ito
“Sila naman kasi, nakapag-shoot na sa ibang bansa like ang dapat nating ma-achieve, dapat focused tayo. Kailangan tayong magtulungan.”
Pero naalala rin nito na sa isang eksena raw na ginawa nila, kunsaan, todo ang ginawa niyang pagsigaw o pagsasalita rito niya lang masasabing mabuti na lang at wala sila sa bansa.
Aniya, hinubaran na raw niyang talaga sa eksenang yun si Kathryn.
“May isang eksena kaming ginawa ni Kathryn na, thank God we we’re in a different country. Meron kaming eksenang ginawa, kapag pinanood niyo, makikita niyo.
“Na buti na na lang, walang Filipino run at buti na lang puro foreigners at puro Espanyol ang naroroon. Kasi, hindi nila naiintindihan. Kasi, grabe akong sumisigaw na nagmu-motivate. Talagang hubo’t hubad si Kathryn.
“Grateful ako na walang Pinoy. Walang Pinoy na nakakaintindi. Siguro yun lang ang particular na masasabi kong ah oo, maganda na hindi namin dito ginawa. Kasi kung dito, hindi ko magagawa yun.”
Para mabigyang-linaw, hindi naman literal na hubo’t hubad si Kathryn sa eksena kung hindi parang hinubaran na nga raw niya ito ng pagkatao sa mga sinasabi niya rito.
“Pero ang galing, it’s worth,” masayang lahad ng director.
“Part of the motivation, hubaran siya bilang Kathryn Bernardo and she allowed naman. Kaya naman ang galing ng performance ni Kathryn.”
Sa puntong ito ay naalala namin ang kuwento na may pagkakataong tila masyado raw naapektuhan si Kathryn sa mga narinig na salita mula sa director, umuwi raw ito sa hotel o bahay na pansamantalang tinitirhan nila sa Spain at hanggang sa makabalik muli ng shooting sa kinabukasan ay hindi pa rin umiimik.
Hindi naman ito itinanggi ni Direk Olivia, sabi nga niya, “Yes, noong time na napagalitan ko sila, oo.
“Pero hindi ito yung kinukuwento kong eksena, iba pa ‘yan. It was the scene after. Kasi minsan ‘di ba, kapag director ka, alam mo, tinitimpla mo kung saan mo kukunin.
“Sometimes yung hindi mo pag-imik sa kanila, part na ng motivation yun. Yung ganung situwasyon, napagalitan ko sila, oo, siyempre, kahit naman ikaw yung artista, kapag napagalitan sa atin, dadamdamin mo yun.
“But that really led to great bonds between us.
“Talagang ang laki ng naitalon nun sa bonding namin between artista and director.”
Madalang lang kung gumawa ng pelikula si Direk Olivia. Ang huling movie project niya ay dalawang taon na ang nakararaan, ang Starting Over Again. Kaya kapag sinabi niyang masayang-masaya siya sa resulta ng ginawang pelikula, alam mong kaabang-abang nga ito.
“Sobrang happy,” saad niya.
“At saka si DJ naman, sweet ‘yan. Kapag nakagalitan mo, i-embrace ka. Ganun naman ang batang yun. Si Kathryn naman, siya yung mas shy, siya yung ganun.
“After nun, pinag-usapan namin and that was after the scene na kinukuwento ko sa inyo--na hubo’t-hubad, ganyan. Sabi ko, o, look…tapos dun na kami nagkaroon ng sharing.
“Sabi ko, these are the things that you need to appreciate with yourself kasi, lumabas talaga.”
