PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jiggy Manicad recalls surviving helicopter crash and other dangerous assignments via his book

Jiggy Manicad chronicles 20 years in broadcast through his On The Edge book.
by Arniel C. Serato
Published Sep 16, 2016
Tinatawanan na lamang ng GMA-7 senior correspondent na si Jiggy Manicad ang mga buwis buhay niyang coverage para sa Kapuso Network. Dasal lamang daw ang naging puhunan niya para sa kanilang kaligtasan tuwing meron siyang mapanganib na assignment.


Upang i-celebrate ang kanyang ika-21 taon sa GMA News and Public Affairs, nag-akda ng libro ang senior reporter/anchor ng Kapuso Network na si Jiggy Manicad.

Ang pamagat ng libro ay On The Edge at laman nito ang mga pinakamahirap na coverage at news stories na ginawa niya. Karamihan din dito ay nanalo ng mga awards sa iba’t-ibang award-giving bodies.

To date, meron ng lagpas sa 60 awards si Jiggy.

Kuwento ng veteran news reporter, “Top 20 stories in 20 years. Ito yung mga nanalo ng mga awards before.

“Basically pinakita dito na yung GMA in terms of coverage puwede talaga siyang makipagsabayan sa international media kasi nung pumutok yung giyera sa Afghanistan.

“Yung puputok yung giyera sa Iraq, Iraq. Nung nagkaroon ng giyera sa Israel-Lebanon, yun yung istorya. Mount Everest, Mount Everest.

“So, yun yung mga coverages, na nakapaloob sa book.”

Hindi naman daw lahat ng nasa top 20 niya ay puro tungkol sa giyera na kanyang napuntahan. Partikular na rito ang giyera sa Afghanistan na kanyang pinakaunang malaking coverage noong taong 2001.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Halu-halo. Merong mga war stories, local and international. Tapos merong mga crime, merong ito nga yung Mount Everest, ang tema nito ay triumph nung Pinoy, Yolanda, climate change and environment, and yung meeting with Pope Francis.

“Of course, may ibang stories like nung bumagsak kami sa helicopter, kung paano kami nakaligtas dun.

“Yung crime naman, nung unang na-expose talaga yung mga drug mule sa Pilipinas. GMA ang unang nagputok nun. Rescue ng isang kidnap victim.”

Napapaloob sa On The Edge ang mga hirap na pinagdaanan ni Jiggy kasama ng kanyang news crew sa mga malalaking coverage na kanyang nai-feature.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang entertainment reporters si Jiggy sa pocket presscon na inihanda sa kanya ng GMA Corporate Communications kahapon, September 15.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



ENCOUNTER WITH POPE FRANCIS.
Isa daw sa mga sikreto ni Jiggy sa kanyang pagsabak sa mga mapanganib na coverage ay ang dasal.

Sa bawat assignment daw niya, pinaplano niya ang mga ito at naramdaman na lamang daw niya ang takot pagkatapos ma-ere ang kanyang istorya.

Ano ba ang pinaka-memorable coverage niya?

Kuwento ng 41-year-old broadcast journalist, “Siguro yung kay Pope Francis. Kasi ano yun, e, yung kay Pope Francis kasi, di ba Yolanda, nag-statement si Pope na pupunta siyang Pilipinas.

“Ako ulit yung na-assign sa Tacloban para sa pagdating ni Pope. Ang distance lang namin mga isang dipa, may fence lang. Sabi ko, ‘Sayang naman yung chance kung hindi ako makakalapit.’

“May sniper, may security, may PSG [Presidential Security Group].”

Ang ginawa daw niya umaga pa lang ay may kinaibigan na siyang PSG na pinasilong niya sa kanilang payong at binigyan pa ng breakfast.

Ang hiniling daw niya sa kanilang opisina ay ibabad lamang lahat kay Pope ang mga camera basta bigyan lamang daw siya ng dalawangdaang metro ng audio cable para sa kanyang annotation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong napadaan na daw sa kanyang puwesto ang Pope mobile, pilit daw niyang inabot sa Santo Papa ang sulat, rosary, Saint Michael na Mount Carmel. Hirap na hirap daw siyang maibigay ito kay Pope dahil hawak-hawak siya ng mga security.

Matapos daw nito, feeling blessed si Jiggy dahil nagtagumpay siya sa kanyang plano na maiabot sa Santo Papa ang kanyang mga hinandang regalo.

Anong naramdaman niya matapos niyang maiabot kay Pope Francis ang kanyang mga regalo?

Nakangiting kuwento ni Jiggy, “Parang sobrang saya mo dahil... kasi ano, e, akala ng mga nanunood talagang nakalapit ako, e, yung PSG at mga guwardiya niya nakakapit sa jacket ko.

“Pero, kinuha ni Pope, akala niya pinapa-bless ko, sinabi ko, 'For you, For you.'”

Ang screengrab ng nakuhanang video na ito ng GMA News ang gamit na cover ng On The Edge: On Assignment with Jiggy Manicad na available na sa mga leading bookstores nationwide.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Read Next
Read More Stories About
Jiggy Manicad
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinatawanan na lamang ng GMA-7 senior correspondent na si Jiggy Manicad ang mga buwis buhay niyang coverage para sa Kapuso Network. Dasal lamang daw ang naging puhunan niya para sa kanilang kaligtasan tuwing meron siyang mapanganib na assignment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results