PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales explains why Arci Muñoz is better than Maja Salvador for him

Jericho Rosales says Arci Munoz is "one of the best leading ladies I've worked with, I promise."
by Rose Garcia
Published Sep 17, 2016
Jericho Rosales says, "Sorry, Maja [Salvador], I love you but si Mona [Arci Munoz] is the best,"  In Magpahanggang Wakas, Arci is also paired with John Estrada (right).


Inamin ni Jericho Rosales na bagama’t may pagka-sensual ang ilang eksena nila ni Arci Munoz sa Magpahanggang Wakas, hindi pa rin daw talaga siya kumportable.

Dinadaan na nga lang niya ito sa mga biro noong grand presscon sa Dolphy Theater.

Habang nag-taping sila para sa kanilang bagong primetime series sa Kapamilya network, napansin ni Jericho na mas “sexy” at wala raw kiyeme ang kanyang leading lady.

“Kasi ano, medyo mas sexy siya sa akin. At saka mas may abs siya kesa sa akin. Wala, naiilang lang ako,” saad ni Jericho na sa unang pagkakataon ay makakapareha si Arci.

Dugtong din ni Jericho, “Dati kasi, dito sa Pilipinas may perception na dapat perfect ang katawan mo. Since The Hunks, nagkaroon ako ng insecurity dati dahil parang hindi ko masyadong trip yung lifestyle na—well, I have nothing against, of course, yung magagandang katawan diyan ng mga leading man natin.

“Pero parang hindi ako maka-cope-up because of my lifestyle. At noong Hunks, para hindi ako maghubad, kakain ako ng kakain,” pag-alaala pa niya.

Pero pinuri naman si Jericho at sinabing parang ngayon nga raw pinaka-okay ang katawan niya, ngayong may asawa na siya.

“Parang wine lang, habang tumatagal,” natawang biro niya.

Saka niya seryosong sinagot na talagang kailangan daw sa karakter at kuwento ng bago nilang primetime series.

Ayon kay Jericho, “Ang kuwento, sa isla, lumaki sa isla, e, ano naman kung palaging nakatanggal ang t-shirt. Medyo challenging sa akin lalo na ngayong panahong ito, hindi lang naman isa ang ginagawa mo, maraming bagay.

“With the support of production, pinapakain nila kami ng tama sa set at binibigyan nila kami ng time na maka-buwelo, nagagawa naman.

“But you know, more than yung pagtanggal ng t-shirt, yung character namin ni Mona [Arci], mas malalim pa rin ang dapat na makita ninyo. Hindi siya yung basta lang, o, magpa-init tayo ng gabi.

“Mainit talaga sa isla, e.

“Pero mas marami kayong dapat na makita dun sa layer ng characters namin.”

Bilang isang aktres at unang beses niyang makapareha, ano naman ang masasabi niya kay Arci?

“Kami ni Direk Erik, palagi namin siyang niloloko. Super sports ‘to, e. Kahit i-bully namin the whole day, nakangiti lang siya. So, dahil dun, parang nagkaroon kami ng kumportable sa isa’t-isa.

“Dun lumalabas yung talent, yung skill, parang for me, yung dumaraan na mga Linggo, parang chameleon sa akin. Kapag naglalakad siya, nawawala siya.”

Napa- “Huh?” si Arci sa huling sinabi ni Echo na biro rito. Kaya hirit pa ng aktor sa leading lady, “Ganun siya kabagal, ka-slow.”

Pero totoong chameleon daw ang tingin ni Echo kay Arci.

Aniya, “Chameleon siya. Sa Camp Sawi iba siya. Dito sa show namin, iba siya. Dun sa ibang movies na ginawa niya, kay Gerald [Anderson] iba siya. Actually, pati makeup niya. Ang galing ng makeup artist niya. Basta ang galing, nagta-transcend. Yung character niya nasasapol niya, may effort talaga.

“She can play with her voice and minsan boses Sto. Nino siya,” biro pa rin niya.

“But the only difficult part, kapag nag-iisa siya and she talks to herself. That’s the time na ume-exit kaming lahat. Pine-pray-over namin siya,” natawang biro pa rin ni Jericho sa leading lady.

Sa trailer pa lang, puwede ng sabihin na may sexual chemistry talaga sila.

Sabi naman ni Jericho, “Sexual chemistry, sa character naming dalawa, yun ang dapat naming gawin.

“First day namin sa island, sa Caramoan, hindi na siya masyadong mahirap for us. Nandiyan na ang set, si Direk, ang galing ng story, lahat. Ang pinakamahirap lang is, we had to show na uy, tayo lang dalawa. Yung hindi kami puwedeng maghiwalay. Parang ako yung hermit sa kabibe. Kailangang lumabas yung love namin sa isa’t-isa.

“Paano mo ipapakita yun kung nasa ano ka ‘di ba?—Kaya yun, sa trailer yung hubad, talagang hinubad namin ang mga hiya namin and Mona was trusting enough to let me do my thing and ako rin naman, nagtiwala ako sa kanya para haplusin niya ang aking katawan,” natawang sabi pa niya.

Naalala naman ni Jericho ang first day taping daw nila na love scene na agad ang kinuhanan sa kanila.

“First day namin, yun yung nagme-make-love kami.”

Marami ba silang love scenes?

“Marami, maraming mga love scenes. E, dalawa lang kayo sa isla, ano ang gagawin niyo, ‘di ba?”

Wala namang arte si Arci?

“Ay walang kaarte-arte! Kahit yung mga tira-tira naming buto-buto, inuuwi niya para sa aso niya,” biro pa rin ni Jericho.

Sa love scenes, wala siyang kiyeme?

“Wala, wala,” sabi naman ni Jericho.

“Ako nga ang maraming kiyeme. Takot ako run sa flesh colored na underwear. Kapag nilalabas, may love scene na naman. Tinapon ko talaga sa ilog, ayoko niyan!” natawang sabi niya.

“Actually, hindi naman siya masusubukan sa mga love scene, kahit sa ibang mga eksena. One time, walang tent, nandun lang siya sa labas ng kalsada, dun siya nagme-makeup. Okay lang siya run. Cowboy talaga siya run.”



"BEST LEADING LADY." Yung pagtatrabaho raw nila ni Arci ang isa sa ikina-e-excite niya sa teleserye nila.

“Yung pakikipag-trabaho kay Arci is one of the reasons why I’m excited. Kami ni Mona sa mga eksena naming dalawa, tumatalab, e. Yung believability niya, malakas. And Mona is one of the best leading ladies I’ve worked with, I promise.

“One of the most beautiful, isa sa pinaka-sexy. Sorry, Maja [Salvador], I love you but si Mona is the best,” ani Jericho.

Halatang overwhelmed naman si Arci sa mga narinig sa kanyang leading man kaya tanong niya kay Jericho, saan daw nito magpapalibre pagkatapos ng press con.


ASIAN DRAMA KING. Sa huli, ang mismong Business Unit Head na si Direk Ruel S. Bayani ng Magpahanggang Wakas ay tila binigyan ng little tribute ang leading actor niya sa pagsasabing ayaw raw nito ng may mga title-title, pero kung tutuusin daw, si Jericho ay puwedeng i-label na Asian Drama King.

Si Jericho raw ang isa sa napanood sa buong Asya at ang Pangako Sa ‘Yo rin ang naging daan para makapasok ang mga teleserye sa ibang Asian countries.

Bukod pa rito, palagi rin daw ino-order ang mga teleserye na nagagawa ni Jericho at ang Bridges of Love rin daw ang pinaka-bestselling soap mula sa Pilipinas.

“Marami akong bagay na dapat ipagpasalamat pero, uunahin ko na ang hiya. Nahihiya ako kina Direk Erik at kay Direk Ruel sa love na ibinibigay nila sa akin. Itong love na ibinibigay nila sa akin, appreciation.

“Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano. In my head, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko and with the guidance na palagi nilang ibinibigay sa akin, thank you. I love you Direk Erik, Direk Ruel. Sa production team, thank you.

“Sometimes, nanliliit ako kung paano niyo ko tratuhin sa set, hindi ako sanay. But thank you, thank you. Gusto kong ibalik sa ABS-CBN yung honor.

“I have been offered many times sa different stations, but my relationship with ABS is so strong and it’s because they believe in me. For someone na nagtitinda ng isda, to Mr. Pogi, they believed in me. They believed that I have something na meron ako. Nag-invest sila sa akin. Once in a while, I questioned myself, tsine-check ko ang sarili ko, mayabang ka na ba, lumalaki na ang ulo mo, marami ka ng pagka-rebelde, pero kapag naaalala ko yung mga napupuntahan ng shows namin, umabot sa pinakamaliit na tao sa New Zealand, sa Spain, kapag may lumalapit sa akin minsan.

“Minsan, Lord, hanggang kailan ako magsu-soap-opera, biglang may lalapit sa akin, salamat sa inspiration.”

Naikuwento rin ni Jericho na minsan daw sa airport, may tumatawag sa kanya ng “Angelo” at tinatawag siya ng mga Africans.

“Sabi ko, what’s happening? Being able to connect with different colors, it means so much to me. Thank you ABS-CBN for the opportunity. To all the writers, to all the directors who gave me my character.”

At sa huli, biro na rin ni Jericho, “Thank you for this lifetime achievement award.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales says, "Sorry, Maja [Salvador], I love you but si Mona [Arci Munoz] is the best,"  In Magpahanggang Wakas, Arci is also paired with John Estrada (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results