Nahihiya ang award-winning actor na si Epy Quizon tuwing may nagsasabi sa kanya na siya ang susunod sa yapak ng kanyang yumaong ama, ang Comedy King na si Dolphy.
Tuwing may nagsasabi raw sa kanya, natatawa na lang daw ito at mabilis na sinasabing hindi raw niya inaambisyon na mapantayan ang mga achievements ng kanyang ama.
“Never ko naman kine-claim that I would replace my dad.
“I don’t want to given any such title lalo na kung pag-aari iyon ng dad namin.
“My dad has held on to the title King of Comedy for so many decades. Sa kanya lang iyon.
“I always says this sa mga nagsasabi na ako ang susunod na Dolphy…
“I am flattered that they see me that way, pero sa totoo lang, mahirap sundan at ma-achieve ang maging isang Dolphy.
“It’s such a big shoe to fill. Kahit na sino ay mahihirapan na mapalitan siya.
“Nag-iisa lang si Dolphy. And my dad is the only one who deserves the title King of Comedy,” pahayag pa ni Epy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA teleserye na Oh, My Mama sa GMA Network Center.
FOLLOWING THE INDIE PATH. Dagdag pa ni Epy, ayaw daw niyang mag-expect masyado ang mga tao sa kanya, lalo na sa kanyang pagiging aktor at sa mga projects na tinatanggap niya.
Hindi nga raw siya tulad ng kanyang ama na nakilalang box-office king dahil sa mga blockbuster comedies na ginawa nito.
Paliwanag niya, “Hindi kasi ako yung tinatawag na commercial actor, e.
“I did a lot of mainstream movies noong nagsisimula ako. Most of it, kasama ko si Dad.
“Noong mauso ang mga indie films, isa ako sa mga nagkainteres na pasukin ang genre na ‘yan, kasi diyan tayo nagkaroon ng chance na gumawa ng mga pelikula na kakaiba—yung hindi de-kahon.
“I just want to be known a good actor. Big or small role, I do my best.
“I want people to know that I am a reliable actor.”
Napatunayan naman ni Epy ang kanyang husay bilang aktor sa mga pelikulang Markova: Comfort Gay, Lasponggols, Utang Ni Tatang, Rotonda, Pinoy Sunday, Mga Rebeldeng May Kaso at Unlucky Plaza.
HAPPY TO BE BACK ON TV. Matagal ding hindi lumabas sa isang teleserye si Epy kaya masaya siyang mapasama sa cast ng bagong GMA teleserye na Oh, My Mama.
Saad niya, “Naging busy tayo doing one indie film after another kaya hindi tayo makatanggap ng teleserye.
“The last one I did was Juan dela Cruz for ABS-CBN noong 2013 pa.
“Kaya almost three years din akong hindi nagkaroon ng teleserye, but I have guestings naman for Magpakailanman, Maalaala Mo Kaya, Dear Uge, Ipaglaban Mo and Wansapanataym.”
IMPRESSED BY INAH'S ACTING. Pinuri ni Epy ang bida ng Oh, My Mama na si Inah de Belen dahil sa husay nitong umarte sa mga eksenang magkasama sila.
“GMA-7 has a new star in Inah de Belen, ang anak ni John Estrada at Janice de Belen.
“Marami akong eksena with Inah at talagang nagulat ako sa husay ng batang ito. May pinagmanahan talaga.
“Sa workshops pa lang namin, todo bigay na siya agad, e. Kaya sobra akong na-impress.
“I could see Inah doing more teleseryes. GMA is so lucky to have her.
“And I know for a fact that she will be a big star because of Oh, My Mama,” pagmamalaki ni Epy.
