PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alora Sasam impressed by Daniel Padilla's gentlemanly ways

Alora Sasam quips, "Ang sarap maging Kathryn Bernardo!"
by Rommel R. Llanes
Published Sep 20, 2016
Alora Sasam recalls an incident where she personally witnessed Daniel Padilla's gentlemanly demeanor: "Kasi ang gentleman niya. Medyo maputik yung sahig, yung parang damuhan, siya talaga ang humingi ng paper para upuan ko. Tapos, higaan ko raw yung kamay niya. Kaya sabi ko, 'Ang sarap maging Kathryn Bernardo!'"


Sina Arjo Atayde, Coco Martin at Daniel Padilla ang mga pangalang ibinigay ng komedyanang si Alora Sasam sa tanong namin kung sino ang mga showbiz crushes niya.

“Si Arjo, ang galing kasi niya!

“Dati ko pa siya naririnig sa workshop, kasi nag-start din siya sa workshop.

“Nakapag-workshop siya sa Star Magic and then galing din ako dun.

“So may one time na gusto ko siya talagang makaeksena, kaso nagka-project na ata, siya so hindi na natuloy yung ano.”

Nagkakasama naman daw sila ni Arjo

“Ano lang kasi, common friends. Bonding-bonding lang.”

Pero sa isang project ay hindi pa.

“Hindi pa talaga.

“Si Kuya Coco, kasi magaling din, ang galing talagang aktor.

“Naa-amaze ako sa mga ganun.

“Tsaka ang passionate niya, nakatrabaho ko siya sa Ikaw Lamang, tinuturuan ka niya, kunyari sablay ka, mga ganyan-ganyan.

“So binibigyan ka niya ng advise. Financial advice binigyan nga niya ako, e.”

Biro namin kay Alora, binigyan ba siya ng pera ni Coco?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman. Advice lang.

“Hinintay ko nga yun e,” ang tumatawang bulalas ni Alora.

“Kala ko nga, ‘Uy may pa-ano yata ito!’

“Tapos, si Daniel Padilla bilang kaka-Barcelona niya lang. Ang guwapo niya dun!

“Tsaka na-try ko siya… may spoof kaming ginawa sa music video, parang Star Magic anniversary sa ASAP, tapos napa-text talaga ako kay Kathryn, sabi ko sa kanya, ‘Kathryn, ang sarap maging ikaw!’

“Kasi ang gentleman niya.

“Medyo maputik yung sahig, yung parang damuhan, siya talaga ang humingi ng paper para upuan ko.

“Tapos, higaan ko raw yung kamay niya.

“Kaya sabi ko, ‘Ang sarap maging Kathryn Bernardo!’

“Tsaka ang galing niya sa Barcelona.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alora sa presscon ng My Rebound Girl ng Regal Entertainment Inc. sa 38 Events Place sa Quezon City.

Sa direksyon ni Emmanuel dela Cruz, ipapalabas ang pelikula sa September 28.

During the presscon ay napag-usapan na sa isang shooting day nila ay nangati nang todo ang mga para ng female lead na si Alex Gonzaga dahil sa mga coffee beans na ginamit sa shoot.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang nag-asikaso raw kay Alex para mawala ang pangangati nito ay ang leading man ng pelikula na si Joseph Marco.

Kaya birong-tanong namin kay Alora; kung siya ang nangati ay kanino niya ipapakamot ang mga paa niya, kung pagpipilian pa niya sina Arjo, Coco at Daniel?

“Daniel Padilla,” ang kinikilig na bulalas ni Alora.

“Sobrang ano pa ako sa Barcelona kasi kagabi, oo!

“Tsaka puwede din talaga si Arjo Atayde.”

Sabi namin sa kanya, kailangan isa lang talaga ang piliin niya.

“Isa lang ba? O si Arjo Atayde.

“Crush ko talaga siya. Gusto ko siya talagang makaeksena.

“Tsaka may dimples!

“Maririnig ba niya ito,” sabay turo ni Alora sa voice recorder na hawak namin habang kausap siya.

Sabi namin ay mababasa ni Arjo ang mga sinabi niya at tumawa ang komedyana na tila nahihiya.

Weakness niya pala sa isang lalaki ang dimples.

“Tsaka mata.”

Biniro muli namin si Alora, na may galit ba siya kay Kiray Celis na nakapareha na ni Arjo in a project at may kissing scene pa ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napag-usapan namin yan ni Kiray! Actually, hindi alam ni Kiray na crush ko na si Arjo nun.

“Sabi ko, ‘Kiray, ang suwerte mo, first kiss mo siya!’

“Pinagkukuwentuhan lang namin sa text, ganyan-ganyan.

“Sabi niya, ‘Oo nga e, ibinigay ko na,’ sabi niya.

“Sabi ko, ‘Suwerte mo, ‘teh!’”



Read Next
Read More Stories About
Alora Sasam
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alora Sasam recalls an incident where she personally witnessed Daniel Padilla's gentlemanly demeanor: "Kasi ang gentleman niya. Medyo maputik yung sahig, yung parang damuhan, siya talaga ang humingi ng paper para upuan ko. Tapos, higaan ko raw yung kamay niya. Kaya sabi ko, 'Ang sarap maging Kathryn Bernardo!'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results