PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin on Zanjoe and Sam Milby playing a gay couple: "May mga moments na awkward ang dalawang boys."

Angel Locsin acts opposite Zanjoe Marudo and Sam Milby who play a gay couple in The Third Party.
by Melba R. Llanera
Published Sep 22, 2016
Angel Locsin acts opposite Zanjoe Marudo (left) and Sam Milby who play a gay couple in The Third Party. The actress admits that she sometimes feels left out: "Parang masyado silang interesado sa isa't-isa."


Tinatapos ngayon ni Angel Locsin ang romantic comedy na The Third Party kung saan kasama niya sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Nagkasama na rin sila nina Sam at Zanjoe sa ilang proyekto ng Star Cinema at ABS-CBN.

Kuwento ni Angel sa pictorial na ginanap last September 18 sa Commonwealth, magaan at laging masaya sila sa set dahil magkakaibigan silang lahat.

“Since day one, wala kaming naging problema.

“Si Z napaka-professional, napakagaling na artista, napakabait.

“Si Sam, una kong nakatrabaho sa MMK [Maalaala Mo Kaya].

“Masaya sa set namin… nagkakaayaan kami, lumalabas kami, nagha-hang out kami.

“Nakakatuwa yung mga behind the scenes, tawang-tawa ako dun sa eksena nitong dalawa.

“‘Di ko puwedeng ikuwento, nakakatawa kasi may mga moments na awkward ang dalawang boys.

“Pero ginagawa nila yung mga scenes, nasa script.

“Minsan, nao-op [out of place] na lang ako sa kanila, ‘Guys, nandito ako, pansinin ninyo ako.’

“Parang masyado silang interesado sa isa’t-isa.”

(To view photos from their pictorial, click: Will Sam Milby and Zanjoe shoot kissing scene as a gay couple in The Third Party?)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MODERN LOVE STORY. Ayon pa kay Angel, kakaiba ang tema ng pelikula at isa nga sa tatalakayin ng The Third Party ay ang gay relationship.

“Ang Star Cinema, ‘di naman magse-settle sa isang istorya na walang masyadong conflict, na sangay-sangay yung kuwento.

“Ang interesting dito sa kuwentong ito, ‘di lang niya tina-tackle yung first love mo.

“Ano ba ang feeling pag nagkaroon ka ng first love, pag naghiwalay kayo?

“At ano ang feeling pag nagkita kayo na masaya na, na iba na ang kapiling ng first love mo?

“Ang tapang ng Star Cinema sa story na ito kasi modern take sa isang love story.

“Hindi siya typical love story na nakikita natin.”




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin acts opposite Zanjoe Marudo (left) and Sam Milby who play a gay couple in The Third Party. The actress admits that she sometimes feels left out: "Parang masyado silang interesado sa isa't-isa."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results