PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaclyn Jose urges support for Oscar nomination of Ma'Rosa

Ma'Rosa, starring Jaclyn Jose, has been chosen as the Philippine submission to the Best Foreign Language Film category of the 89th Academy Awards.
by Melba R. Llanera
Published Sep 22, 2016
Now that her movie Ma'Rosa has been chosen to represent the Philippines at the Oscars, Jaclyn Jose is not resting easy. In this photo, the Ma'Rosa lead star holds up the gold-and-crystal trophy that she received as Best Actress in the 2016 Cannes Film Festival.


Malaking bagay kay Jaclyn Jose ang special recognition na iginawad sa kanya sa 34th Luna Award ng Film Academy of the Philippines kamakailan.

Ang award ay bilang pagkilala kay Jaclyn sa pagkapanalo niya bilang Best Actress sa Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma Rosa.

“Siyempre honored kasi FAP ‘yan, e,” lahad ng aktres sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News noong award's night na ginanap sa Quezon City Sports Club.

Paliwanag niya, “Ito ang academy natin… ang academy lang ang tanging daan para makalabas tayo sa Oscars.

“Nagpapasalamat kami ng marami sa kanila dahil kailangang-kailangan naming mapili ng academy para ma-submit [sa Oscars].”

Nakakaramdam ba si Jaclyn ng kaba o pressure na ang panlaban ng Pilipinas para ma-nominate sa Oscars ay ang pelikulang pinagbibidahan niya?

Aniya, “Pag nakapasok na tayo diyan siguro papasok ang kaba.

“Ang kaba namin ngayon kung sino ang tutulong sa amin.

“Sa tulong ninyo at dahil nabigyan naman tayo ng Kongreso ng recognition, baka sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Marami naman puwedeng tumulong.”

Directed by Brillante Mendoza, ang Ma'Rosa ang napili bilang submission ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng 89th Academy Awards.


YES TO DRUG BUST. Sabay naming na-interview sina Jaclyn Jose at Lipa Representative Vilma Santos.

Bukas raw ang Star For All Seasons na makasama uli sa isang pelikula si Jaclyn.

Reaksiyon ni Jaclyn, “Makabilang lang kahit cameo kay Ms. Vilma Santos, malaking karangalan na.”

Samantala, ang tema ng Ma Rosa ay tumatalakay sa droga.

Nagkataon naman na may pinanghahawang listahan ang gobyerno na nagsasangkot sa ilang artista sa paggamit at pagkalat ng pinagbabawal na gamot.

Ayaw mang magbigay ng opinyon ni Jaclyn tungkol dito ay suportado naman raw niya ang anti-drug war ng gobyerno.

Kumento niya, “Very timely, pero wala tayo sa posisyon katulad ni Ms. Congresswoman na magsalita tungkol sa bagay na ‘yan.

“But definitely we are anti-drugs, we support this campaign.

“We have children, we have apos, and we want this country to be clean in the near future.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Speaking of children, siniguro rin ni Jaclyn na masaya at nasa maayos na kalagayan sa ngayon ang anak na si Andi Eigenmann kaugnay sa away nito sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

“Ganun din, every nanay masaya pag masaya ang anak, malungkot pag malungkot.

“Malungkot ba? Di naman siguro. Mukhang di naman.

“Maganda naman yung soap niya,” sabi niya na ang tinutukoy ay ang afternoon teleserye ni Andi na The Greatest Love ng ABS CBN.


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Now that her movie Ma'Rosa has been chosen to represent the Philippines at the Oscars, Jaclyn Jose is not resting easy. In this photo, the Ma'Rosa lead star holds up the gold-and-crystal trophy that she received as Best Actress in the 2016 Cannes Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results