PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hermano Puli biopic producer inspired by success of Heneral Luna

Rex Tiri of T-Rex Productions says social media plays a big role in promoting successful films.
by Nikko Tuazon
Published Sep 27, 2016
T-rex Productions Head Rex Tiri (left) on taking inspiration from Jerrold Tarrog's Heneral Luna to promote the Aljur Abrenica-starrer Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli: "I think there's nothing wrong with that na kailangan kung sino o ano yung mga projects na nag-succeed in the past na gagayahin mo and probably 'pag meron ka pang kayang i-contribute para madagdagan iyon, mas okay siguro yun."


Inamin ng baguhang independent film producer na si Rex Tiri, head ng T-Rex Productions, na hindi biro ang mag-produce ng isang historical biopic tulad ng Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli.

Ang GMA-7 actor na si Aljur Abrenica ang bida sa historical drama na dinirek ni Gil Portes.

Ayon sa businessman, "Ako kasi ay isang sales and marketing person, yun ang background ko. And I must admit, medyo na-challenge yung aking knowledge sa marketing dito sa film na ito. Ibang-iba pala yung pag-market ng isang pelikula kumpara sa ibang produkto."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Rex kabilang rin sina Direk Gil, Aljur, at ang iba pang cast members ng Hermano Puli sa grand press conference nito na ginanap sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City.

Ang pelikula ni Jerrold Tarrog na Heneral Luna ang isa sa naging inspirasyon nina Rex sa pagbuo ng kanilang pelikula. Ang Heneral Luna na pinagbidahan ni John Arcilla ay kumita ng mahigit P256 million sa takilya. Kaya naman, nais din tahakin ng kanilang pelikula ang daang tinungo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Rex, "I was inspired by Heneral Luna so when I agreed to produce the film, sabi ko, 'Ano ba 'to? May indie pala? May mainstream pala?' So sabi ko, 'Sa independent film producers sino yung nag-succeed?' And I was informed, based on my research, na si Heneral Luna yun at inaral ko ang ginawa ni Heneral Luna.

"I think there's nothing wrong with that na kailangan kung sino o ano yung mga projects na nag-succeed in the past na gagayahin mo and probably 'pag meron ka pang kayang i-contribute para madagdagan iyon, mas okay siguro yun.

"So inaral ko yun hanggang sa ano yung tinahak nila, ano yung ginawa nila, sino yung mga taong kinausap nila, papaano yung process na ginawa nila para i-market yung film.

"Inaral ko lahat yun and I am so happy na yung ibang tumulong sa Heneral Luna na grupo, tumulong din sila sa Hermano Puli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki rin daw ang papel ng social media para maging successful ang isang pelikula. Ayon kay Rex, isang social media team ang kanilang binuo upang maikalat sa mga netizens ang tungkol sa kanilang pelikula. Bagay na ginawa rin noon ng pelikulang Heneral Luna.

Aniya, "Ako ang paniniwala ko talaga is 50% ng success ng marketing ng film is through social media. So sinabi ko sa team ng social media, if the social media activities will fail, magfe-fail talaga yung pelikula.

"Sila man [Heneral Luna producers], hindi ko alam kung ginawa nila. Kung sila, ginawa nila yung social media nila after, ang ginawa namin sa Hermano Puli meron na kaming social media, umpisa pa lang. Meron na kaming group of millennials, iba't ibang klaseng millenials na nagko-compose ng social media team namin."

Bukod sa social media, nag-iikot rin sa mga eskuwelahan ang T-Rex Productions upang hikayatin ang ilang mga estudyante na panoorin ang Hermano Puli at tunghayan paano ito nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga bayani gaya ni Jose Rizal.

Nais din sanang mag-offer ng kanilang produksyon ng discount sa mga estudyanteng manonood ng pelikula gaya ng Heneral Luna.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aniya, "Ang proseso pala ng 50% discount, hindi puwedeng sasabihin lang ng produer na '50% discount tayo.' Ang tamang process pala is kailangan kumuha kami ng approval sa DTI. Ang DTI naman, nire-require nila na there should be an agreement between the producer or the distributor and the cinemas.

"So we tried to work with the three major malls and isa sa mga requirements nila, kailangan may DepEd [Department of Education] endorsement. Apparently, ang DepEd tumigil nang magbigay ng endorsement so medyo nagkaroon kami ng problema doon. Hindi kami makagawa ng agreement with the cinemas kasi ayaw magbigay ng endorsement ng DepEd hence, hindi kami makapunta sa DTI."

Hindi naman tumitigil sang kanilang grupo na maisakatuparan ang bagay na ito lalo't isa ito sa mga hiling ng mga estudyanteng nagbabalak manood ng kanilang pelikula.

Gayunpaman, hindi daw sila titigil hanggang hindi ito nareresolba. Kung hindi man ito matuloy ay mag-iisip daw sila ng ibang paraang upang may maisukli sa mga manonood ng kanilang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Rex, "Isa ito sa mga challenges namin ngayon kasi ang daming nagre-request ng 50% discount at alam naman natin na yung purchasing power ng mga bata, hindi ganun kalaki so sabi namin, baka magkaroon ng epekto ito sa panonood ng mga bata.

"Pero we're still working on it, sabi namin sa mga cinemas na baka naman puwedeng wala na kasi ayaw na talaga ng DepEd. Merong memorandum ang DepEd, pinakita namin sa Ayala, sa SM, at sa Robinsons. Pag-uusapan daw nila so hopefully magkaroon pa rin ng linaw.

"Nevertheless, kung di man mangyayari, nag-iisip kami ng isa pang pupuwedeng paraan, some form of reimbursement, some form of a contest para yung mga bata may maibalik kami sa kanila. Again, hindi lang kita yung iniisip namin. Gusto namin marami ring makapanood."


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
T-rex Productions Head Rex Tiri (left) on taking inspiration from Jerrold Tarrog's Heneral Luna to promote the Aljur Abrenica-starrer Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli: "I think there's nothing wrong with that na kailangan kung sino o ano yung mga projects na nag-succeed in the past na gagayahin mo and probably 'pag meron ka pang kayang i-contribute para madagdagan iyon, mas okay siguro yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results