Bini-build up bilang future leading lady ng GMA-7 ang dating child actress na si Lindt Johnston na kilala na ngayon bilang si Lindsay de Vera.
Kasama sa malaking cast ng Kapuso primetime teleserye na Alyas Robin Hood ang 16-year-old Fil-British teen star bilang si Lizzy, ang pamangkin ni Pepe de Jesus (played by Dingdong Dantes).
Ito ang second time na makatrabaho ni Lindsay ang Kapuso Primetime King.
Nagkasama na sila in 2015 sa teleserye na Pari 'Koy.
Balang-araw daw, kung mapagbibigyan siya, gusto ni Lindsay na maging leading man si Dingdong sa isang teleserye.
"Siguro mga four years from now, I would love to be Kuya Dong's leading lady.
"Nothing is impossible naman po, di ba? Saka libre naman po ang mangarap.
"Feeling ko naman po, hindi lang ako ang may dream na maging leading man si Kuya Dong.
"Every actress my age dreams of being paired with him.
"I'm just lucky na twice na po kaming nagkasama sa teleserye," pahayag pa ni Lindsay nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Alyas Robin Hood sa Le Reve Pool and Events Venue sa Sgt. Esguerra St., Quezon City.
CHILD ACTRESS. Nagsimula si Lindsay bilang child actress sa edad na 8 years ols at una siyang lumabas sa Krismas-serye na Jillian: Namamasko Po na pinagbidahan noon ni Jillian Ward.
Sunod siyang napanood sa ibang shows ng GMA-7 tulad ng Jollitown, Cielo de Angelina at Second Chances.
Nakagawa rin siya ng maraming TV commercials tulad ng Jollibee, Baby Flo, Rebisco, Selecta, Lipps Candy at Milo.
Hinirang din bilang Miss Teen Pangasinan 2015 si Lindsay.
BENT ON FINISHING HER STUDIES. Kaka-graduate lang niya ng high school sa Manaog, Pangasinan, at nasa plano niya ang magtapos ng college.
"I come from a family of doctors, kaya gusto ko pong maging pediatrician.
"Pero dahil sa nangyayari ngayon sa showbiz career ko, I want to grab this opportunity.
"Baka po kasi hindi na dumating ang mga offers na ganito.
"I can always go back to school anytime.
"Siguro po, kapag mas maayos na ang schedule ko, I would love to devote an ample amount of time sa pag-aaral.
"Isa po sa dreams ko ang maka-graduate sa college with honors," panalangin niya.
TRAVEL PLANS. Nasa bucket list din ni Lindsay ang makapag-travel siya sa buong mundo.
Kung may pagkakataon na siyang bumiyahe, uunahin daw niya ang pumunta sa Europe, particularly sa United Kingdom kunsaan nanggaling ang kanyang ama.
Lahad niya, "My dad is in Japan working as a computer analyst.
"But I really would love to see the country where his roots are. I want to connect with his homeland."
Bilang aktres naman, gusto ni Lindsay na mabigyan siya ng iba't ibang klaseng roles.
ASPIRING FOR ACTING AWARDS. Gusto niyang maging katulad ng mga veteran co-stars niya sa Alyas Robin Hood na sina Jaclyn Jose and Cherie Gil.
"I wish to leave a mark in showbiz.
"Yung habang bata pa ako, makikilala ako as this actress na kayang gawin ang kahit na anong role.
"Just like sina Tita Jane [Jaclyn] and Tita Cherie, ang gagaling nila. Kahit na anong role ay kaya nilang gampanan.
"I want to be like them balang araw. Yung mananalo rin ako ng mga acting awards," diin pa niya.
LOVE CAN WAIT. Kaya hindi raw priority ni Lindsay ang magkaroon ng boyfriend sa ngayon.
Pag-amin niya, "Wala naman pong nanliligaw sa akin ngayon.
"Okay lang kasi wala pa po sa plans ko ang magkaroon ng boyfriend.
"I want to focus on my career and be the best actress I can be."
Mabuti na lang daw na ang ipinareha sa kanya sa Alyas Robin Hood na si Dave Bornea ay tinuturing niyang best friend.
"Before kami pinagpareha sa teleserye, kilala na namin ang isa't isa, because we attended the same workshops sa GMA.
"We're close friends at si Dave ang best friend kong lalaki.
"Dave knows a lot about me and my dreams, kaya alam niyang hindi siya puwedeng manligaw pa," pagtapos pa ni Lindsay.
