Magkahalong lungkot at saya ang ipinadama ni Sharon Cuneta sa mga miyembro ng media sa kanyang September 28 press conference na ginanap sa Solaire para ng kanyang nalalapit na concert.
Titled Sharon, ang concert niya ay gaganapin sa October 15 and 22 sa The Theatre at Solaire.
When was the last time that you did a concert? Saka bakit natagalan po bago kayo uli gumawa ng solo concert?
Sharon: "I guess it was 2012 when I did a concert with Martin Nievera in Araneta Coliseum. When I made my move from my home station ABS-CBN to another station, I did a concert with Martin Nievera. It was a painful experience for me, very painful. I have to admit, it's taken me awhile to accept and recover from that.
"Then, of course, having smart people around me not to mention loving people who explain to me that a lot of people didn't know that we have a concert and I believed it. Because the year before, and the year before that, I had done a solo Valentine Concert in the same venue, all very successful and all of the sudden, I do a show with the Concert King and not too many people know about it, very few people come and we're both wondering what happened, and I realized that I lost the support of my mother station.
"Now that I'm in ABS-CBN again, malakas na uli yung loob ko to do a concert even when I do shows in America, and in Europe, kasi they just kept on really assuring that the people know my shows.
"That rebuilt my confidence to do a concert again kasi there's support from my mother station."
Please tell us something about this concert?
Sharon: "Solaire has a beautiful theater, nakakanta na ako dito before. It's a beautiful theater, it holds about almost 2000 people. I'm really happy, when I'm happy I'm funny. I like that, I like having that rapport with that audience na ganyan, so, yan yung mga hindi ko magawa pag malaki ang venue. I'm very parang 200% more than the 100% pa happy that I'm going back to do a concert again dito sa Pilipinas and here pa sa The Theatre at Solaire. The title is Sharon, this coming October 15 & 22 at 8:00pm."
"I'm very excited to do this concert. It's going to be a good mix of songs na pang masa and not very pang masa, of very well known songs and not very well known songs and maybe not heard for a long time but sorely missed."
"One of my special guests is my daughter Frankie, surprise nga sana yun but I announced it na rito sa presscon. But we make sure na wala siyang exam before the concert, para no need to study muna, so, she's gonna sing at my concert.
"Aside from Frankie, I will guest also the Team Sharon from The Voice Kids Season 3."
Sa mga anak mo, aside from KC, si Frankie ba ang medyo nakamana ng talent mo sa pagkanta?
Sharon: "She is the one, not just in singing pati sa ugali, actually lahat ng anak ko, meron akong ugali na meron sila, pero si Frankie yung pinakamaraming nakuha. Nakakatuwa kasi, di ba, baligtad, kasi siya yung kamukha ng Daddy niya [Kiko Pangilinan] pero sa akin namana ang ugali."
Matatandaan na ang kanyang anak na si Frankie ay kinanta ang "Mr. DJ" na unang hit song noon ng Megastar noong 1978.
(View: Sharon Cuneta's daughter Frankie performs 'Mr. DJ' on Eat Bulaga)
Nabanggit niyo na gagawa na uli kayo ng pelikula sa Star Cinema. Gaano ka ka-excited to do a movie again at ano ang pwede nyong i-share tungkol sa bago ninyong pelikula?
Sharon: "Yung thought lang na babalik ako sa set, na iba ang pangalan ko at karakter ko, may role ako at iba akong tao, tapos I didirek ako ng isang kaibigan ko na matagal nang hindi ko nakakatrabaho, tapos may mga kasama akong bago at may makakasama akong artista na matagal ko nang hindi makakasama at maganda ang istorya, tapos Star Cinema pa ang magha-handle.
"Iniisip ko palang parang hindi na ako makatulog parang gusto ko nang bukas ay mag shooting na ako. Mag mi-meeting na kami ni Direk Cathy Garcia-Molina soon na magiging direktor ko sa comeback movie ko. Basta isa lang ang ibubuko ko inyo na may makakama ako isang sikat na loveteam."
May gagawin din po kayo na indie film? Pwede niyo po ba i-share ano yung magiging karakter niyo sa first indie film niyo?
Sharon: "Ang Pamilyang Hindi Lumuluha ang title ng first indie film ko directed by Direk Mes De Guzman, yung gumawa ng indie film ni Ate Guy [Nora Aunor].
"I'm gonna make one with him, actually two years in the making na yun, e. Sabi ko kay Direk Mes, na pa comeback mo lang ako ng isang mainstream sa Star Cinema, tapos saka natin ipalabas ito. You know naman yung movie ni Direk Mes na medyo may pagka fantasy element.
"Ang istorya nito, isa akong magsisibuyas, yun ang negosyo ko. Di ba pag naghihiwa ka ng sibuyas ay medyo naiiyak ka. Parang ang yaman yaman ko, ang yaman yaman ng role ko pero lahat ng anak niya nawala, parang nawala na yung buong pamilya. Tapos may isang napapabalita na mayroon daw isang pamilya na hindi sila lumuluha, yun nalang muna, ayaw ko munang ikwento yung buo, basta abangan nyo na lang."
Bakit niyo po naisipang pasukin ang mundo ng indie films?
Sharon:"Matagal ko nang gustong gumawa ng indie film, naghihintay lang ako ng magandang istorya, I want to say nga to the indie filmmakers, if you really have a good story, if you want to consider me to do a movie with you, if you really have good story please tell me, the talent fee and all of that will never be a problem."