PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

McCoy De Leon on Elisse Joson: "Isa si Elisse sa magandang blessing na dumating sa buhay ko."

Elisse Joson apologized to Maris Racal: "Nag-sorry din po ako sa kanya, on behalf sa side ng fans ko na naba-bash siya."
by Allan Sancon
Published Sep 29, 2016


Sa Hashtags Roadtrip concert na ginanap kamakailan, isang special gift ang binigay ni McCoy de Leon sa love team partner niya na si Elisse Joson.

Ito ay isang puppy na pinangalanan ni Elisse bilang MacMac dahil si McCoy raw kasi ang nagbigay nito.

Nagkakilala at naging malapit ang dalawa sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 kunsaan binansagan ang kanilang love team bilang McLisse.

Sa exclusive interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) na ginanap sa KIA Theater noong September 26, may pinaplano na raw na project para kina McCoy at Elisse, pero ayaw pa muna daw nila i-reveal hangga't hindi pa finalized.

Na-surprise si Elisse sa ibinigay mong puppy sa kanya during the concert. Bakit mo siya binigyan ng puppy?

McCoy: “Isa lang yun sa mga way ko para magpasalamat sa kanya, dahil naging part siya ng pagdating ng mga blessings sa career ko simula nang lumabas kami ng Pinoy Big Brother house. Yung puppy ang naging thanksgiving gift ko para sa kanya.”

Bakit sa dami ng pwede iregalo kay Elisse, puppy ang ibinigay mo sa kanya?

McCoy: "Kasi meron din siyang puppy na 'Teddy' ang pangalan, parang gusto ko lang kasi na may makasama yung puppy niya, kaya ko siya binigyan ng puppy. Saka kung wala ako sa tabi niya at least maalaala niya ako sa pamamagitan ng puppy na yun.”

Very meaningful yung sinabi mo kay Elisse on stage bago mo binigay yung puppy sa kanya. Sinabi mo na isa si Elisse sa pinakamagandang blessing na dumating sa career mo? Bakit mo nasabi yun?

McCoy: "Aminado naman po ako na simula nang dumating siya sa buhay ko mas maraming dumating na blessing sa career ko, sinabi ko yung bagay na yun sa kanya, kasi gusto ko rin siyang ipagmalaki sa mga tao na hindi niya naranasan sa mga dating nakasalamuha niya noon. Ayaw ko nang maranasan niya uli yun, ako personally, gusto ko siyang ipagmalaki, gusto ko siyang mapasaya sa pamamagitan nung ginagawa kong yun.”

Kamusta kayo ni Maris ngayon? Nagkakausap pa ba kayo? Nanghihinayang ka ba sa naudlot nyong loveteam?

McCoy: “Nagkakasama kami minsan sa It’s Showtime. We’re good friends naman ngayon. Kahit naman nung dati pa wala namang awkward on our part. Natutuwa din ako sa kanya, kasi pare-pareho kaming tatlo nina Elisse na nabibigyan ng blessings sa mga career namin, tulad ngayon marami ring siya project na iba, like movies at iba pa, nagpapasalamat ako para sa kanya.”

Isa sa mga pasabog mo sa Hashtags concert ay ang makasama mo si Elisse sa break dancing number mo. Did you invite her personally na makasama sa concert niyo?

McCoy: “Actually, biglaan lang po talaga yun, e, nag-try lang po ako na tanungin siya kung pwede siya mag-guest, pumayag naman po siya."


Pati si Elisse ay nakausap ng PEP nang gabing iyon.

Anong reaction mo sa sinabi ni McCoy na blessing ka daw sa buhay niya ngayon?

Elisse: “Knowing McCoy po kasi, totoo naman po ang lahat ng sinasabi niya, galing talaga po sa puso niya yun, very touched po ako sa sinabi niyang yun na ganun yung nararamdaman niya. I’m very thankful din naman for him.”

Bago kayo pumasok sa PBB house ni McCoy ay magka-love team sila ni Maris Racal. Marami tuloy ang nagbabash sa 'yo na bakit daw bigla ka pumasok sa eksena? Anong masasabi mo sa mga nagba-bash sa 'yo?

Elisse: “Hindi naman po namin ini-expect na magkakaroon kami ng love team sa loob ng PBB house, kumbaga, nangyari lang po yun at sumusunod lang rin po kami sa management, kung ano po yung ibigay na trabaho sa amin. Ngayon po na ito yung binibigay na trabaho sa 'min, sumusunod lang po kami.”

Nagkita na ba kayo ni Maris in person?

Elisse: “Opo, nagkita po kaming tatlo sa isang show. When she saw me, she hugged me naman. Nag-sorry din po ako sa kanya, on behalf sa side ng fans ko na naba-bash siya. Sabi niya naman sa akin, okay lang naman po kasi, okay naman po kaming dalawa.”


(To view photos from the Roadtrip concert, CLICK HERE)


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results