Muling naglunsad si Solenn Heussaff ng bagong album, ang self-titled album niya na Solenn under Universal Records. Ikatlong album na ito ng sexy Filipino-French TV host-actress.
Kumpara sa nakaraan niyang dalawang albums, ngayon daw ay mas chill at easy going, mellow and may acoustic vibe ang seven-track album.
Ayon kay Solenn sa album launch niya sa Brentwood Suites sa Quezon City noong September 26, “I wanted it to be easy listening. Relaxing for the listeners and I hope, they can also connect to the lyrics.”
Ang carrier single ni Solenn ay ang “A Pocketful of Promises” by Edmund Macam Perlas and Gabriela Wilson. Kakatapos lang din niyang gawin ang music video para sa naturang kanta na sexy raw ng tema.
Bukod dito, mapapakinggan din sa kanyang Solenn album ang mga kantang, “Always” by Elvin Reyes and Sheryl Ann Padre, “It’s Never Rained Here,” by Jimmy Borda and Deanna Loveland, “It’s Alright” by Jimmy Borja, Rae Hering at Jonathan Morse.
May tatlong Tagalog songs ang album niya: “Lalapit of Lalayo” by Kulas Basilonia, “Kilig” na mula sa soundtrack ng indie movie niyang Lakbay2Love at “Pangako” mula kay Ito Rapadas at Jimmy Antiporda.
Kung sa nakaraang albums niya ay may mga French songs siya, ngayon naman, mas ginusto raw talaga ni Solenn na maglagay ng mga Tagalog songs.
“I’ve been in the industry for almost six years na, I don’t know, I prefer Tagalog songs kesa sa English song talaga. Parang kasi kapag kumakanta ako ng Tagalog, mas fluent ang Tagalog ko kesa sa nagsasalita.
“And it’s nice to have Tagalog songs.”
Platinum recording artist na si Solenn sa dalawang nauna niyang album, pero sa pagkakataong ito lang niya ginamit ang pangalan niya bilang title ng kanyang album.
Bakit nga ba ngayon lang?
“Kasi, I’m 31 now and I’m content as a person. Parang I feel like it’s about time to use the title, parang it’s me, just a piece of me.”
Sabi nga namin kay Solenn, parang ang sarap pakinggan, lalo na sa isang celebrity na katulad niya na masabing sa edad na 31 ay may contentment na ito.
“Hayun, I’m very contented with my life right now, with myself and I'm doing different things also. Like acting, career and music. I had my first taping this year, got married this year and restaurant business, parang I’m just enjoying myself right now.
“Actually, I’m doing these things right now and also a little bit of the time to do the things that I enjoy doing. I’m just pleased with everything’s going at sana, magtuloy-tuloy lahat.”
Multihyphenated artist ang tag kay Solenn bilang halos lahat yata ay kaya niyang gawin. Bukod sa pag-arte, pagkanta, mahusay rin siyang painter.
Ano pa nga ba ang mga gusto niyang gawin?
“I wanna shoot more indie films, that’s part of something I wanna do. Sana magawa ko na ang exhibit next year, so far yun lang. I’m not dreaming super big, I just want reality.”
Dahil bagong kasal pa lang siya sa kanyang Argentinian businessman husband na si Nico Bolzico, wala ba sa plano nila ang magkaroon na rin ng baby?
“Not this year,” mabilis niyang sagot.
“Pero siyempre naman, gusto kong mag-pamilya in the future. Maybe next year of two years from now. Nothing too soon, kakakasal ko lang kaya mag-enjoy muna.”
Ang bagong album ni Solenn ay puro mga love songs ang laman.
Ayon dito, “All the songs are about love. Different stages, different stages of love. There’s heartbreak, falling in love, discovering one’s self and love is the international language.
“Kahit sa mga movies, at the end of the movie, there’s always love. It never fails when it comes to love.”
“Actually most of the songs are the act of falling in-love and there are a few break-up songs. Kasi, I’m super in love,” natawa niyang sabi.
Ang kantang “Pangako” ang nagre-represent ng buhay niya ngayon and ang favorite song ng GMA-7 actress.
Sa ngayon, bukod sa kanyang bagong album, busy rin si Solenn sa mga Kapuso TV shows niya sa tulad ng A1 Ko Sa ‘Yo, Taste Buddies, Tripinas at Encantadia.
Bukod dito, may reality show na rin sila ng mga "It Girls" sa E!
(Read: Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Isabelle Daza and Liz Uy to be featured on reality show It Girls!)
Solenn Tracklist:
1. Always
2. Never Be The Same
3. Lalapit O Lalayo
4. Pangako
5. Pocketful Of Promises
6. It’s Never Rained Here
7. It’s Alright
8. Kilig
*Plus Minus One Of The Full Album
