Malaki na ang itinaba ng singer-actress na si Zsa Zsa Padilla mula nang huli siyang lumabas sa publiko after niyang maoperahan sa kidney. Nakapagbakasyon na raw kasi si Zsa Zsa sa Australia kasama ang kanyang mga anak na sina Karylle, Zia, at Nicole. (Karylle is Zsa Zsa's daughter with Modesto Tatlonghari, while Zia and Nicole are her daughters with Comedy King Dolphy).
Inasikaso raw ng Divine Diva ang papasukang school sa Australia ni Nicole, na
ga-graduate na ng high school sa March 2007. Sa Australia na raw mag-aaral ng
college si Nicole under the Australian Foundation. Nalulungkot nga raw si Zsa
Zsa dahil mapapalayo ang isa sa mga anak niyang babae.
"Mahirap palang mag-asikaso para sa anak mong sa ibang bansa mag-aaral,"
medyo malungkot na sabi ni Zsa Zsa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine
Entertainment Portal) sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah: Ze Moveeh last
Monday, November 27, sa penthouse ng Imperial Palace Suites.
"Kaya nag-bonding kami nang husto noong nandoon kami," sabi ng singer/actress. "Kasi next year, Nicole will leave us na. But I promise her that I will visit her during her school break or kapag mahaba ang bakasyon ko. I am missing her now kahit na nandito pa siya sa Pilipinas."
Ayon kay Zsa Zsa, kahit ganun daw ang mangyayari ay masaya naman siya para kay Nicole dahil para rin daw sa future ng anak niya ang lahat ng ito.
"I want my kids to have a secure future, and even if we as parents can provide them with that, it's better that they be independent as well. Nandito naman kami ni Dolphy to support them with whatever they might need," sabi ng magaling na aktres.
Samantala, hindi raw raw nag-e-expect na manalo ulit ng best actress award si Zsa Zsa sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa pelikula niyang Zsa Zsa Zaturnnah. Last year kasi ay siya ang nag-uwi ng tropeyo as best actress for her performance in Ako Legal Wife.
Mas gusto raw ni Zsa Zsa na kumita ang Zsa Zsa Zaturnnah, kung saan kasama niya sina Pops Fernandez at Rustom Padilla, dahil malalaking pelikula ang makakasabay nila sa December 25 opening ng MMFF.
"I want our movie to be a big box-office hit. Para masundan ng bago, di
ba?" sabi ni Zsa Zsa. "It's going to be a tough fight kasi magaganda
lahat ng mga entries sa Metro Manila Film Festival.
Dagdag pa niya: "Kung biyayaan ulit ako ng award, who am I to reject it,
di ba? Hindi naman ako nag-e-expect na manalo. Kaya I'm not pressured at all.
Mas gusto kong kumita ang movie more than anything else kasi malaki ang naging
hirap namin sa pagbuo nito."
