PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patrick and Jennylyn still enjoying each other's company

Patrick is in no hurry to get Jennylyn's approval
by Maricris Valdez-Nicasio
Published Jan 7, 2007
"As of now, we are happy with each other's company," says Patrick Garcia on his relationship with Jennylyn Mercado.


"It makes me feel I made the right move," ito ang nasabi ng young actor na si Patrick Garcia nang usisain ng (PEP) Philippine Entertainment Portal tungkol sa halos sunod-sunod na projects niya sa GMA-7.

Eight months ago nang mag-offer ang Kapuso Network kay Patrick para gampanan ang papel na Levi sa fantaserye na Captain Barbell na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez. Huling regular show ni Patrick sa ABS-CBN 2 ang Kampanerang Kuba with Anne Curtis.

"Very thankful nga ako kasi very timely yung offer nila [GMA-7]. Mabuti na lang at tinanggap ko. After Captain Barbell [which will end this week], kasama ako sa Super Twins nina Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Pero ang ka-partner ko raw dito ay si Camille [Prats]," sabi ng young actor na kagagaling lamang sa tulog habang wala pang take sa taping ng Magpakailanman sa Tanay, Rizal last Friday, January 5.

Bukod sa magtatapos ng Captain Barbell, kabi-kabila rin ang TV guestings ni Patrick. Tulad nga rito sa Magpakailanman kung saan siya ang bida sa episode na "Kamaong Bulaklak." Ginagampanan niya rito ang papel ni Noel Sumingaw, isang closet gay na naging martial arts champion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang bading ang papel ni Patrick sa episode na ito na mapapanood sa Huwebes, January 11. Bagamat hindi ito ang first time na gumanap na bading ni Patrick, ito raw ang first time na gaganap siyang seryosong bading. Ang mga nakaraan daw kasi'y puro comedy.

Samantala, okey lang kay Patrick sakaling hindi pa siya sinasagot ni Jennylyn. Matagal na raw niyang crush ang young actress at hindi naman daw niya liligawan ang dalaga kung wala siyang paghanga rito.

Ani Patrick, naiintindihan niya na career ang priority ni Jennylyn at ayaw naman niyang makasira sa career nito. Okey na raw sa kanya na close friends sila sa kasalukuyan.

"Pero siyempre, mas sasaya ako kung magiging special friends kami, di ba? And more than that, kung sasagutin na niya ako," habol niya.

"Okey din lang sa akin kung may nali-link sa kanyang iba. Ako naman kasi, kapag may mga ganyan, tinatanong ko siya kung ano ang totoo sa mga balita. And she never lied to me naman, in fairness to her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tinatanong ko siya kapag may mga ganyang usapin, tanong na pabiro. And okay lang naman sa akin kung sino man ang gusto niya, siyempre, nasa kanya na ‘yon," paliwanag pa ni Patrick.

Iginiit pa ni Patrick na hindi siya nagmamadali sa kasalukuyang relasyon nila ngayon ni Jen.

Ayon kay Patrick, "Mas maganda kasi na mas makilala pa namin nang mabuti ang isa't isa. Lumalabas-labas naman kami although may kasama rin kaming iba pa. Pero okey na ‘yon.

"Time will decide kung ano talaga nararamdaman namin. As of now, we are happy with each other's company e." Nakangiti si Patrick habang sinasabi ito.

Sa panig naman ni Jennylyn, hindi rin direktang sinabi ng young actress ang totoong estado ng kanilang relasyon ni Patrick. Pero kitang-kita sa kanilang mga salita at kilos na may magandang namamagitan sa kanila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"As of now, we are happy with each other's company," says Patrick Garcia on his relationship with Jennylyn Mercado.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results