PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado defends her son against Rosanna Roces

Lani reacts to Osang's accusation that Jolo beats up Grace
by Wells Avante
Published Jan 13, 2007
"Pinalalabas nilang nananakit ang anak ko. Hindi ko siya ganyang pinalaki," says Lani Mercado on the accusation of Rosanna Roces against Lani's son, Jolo Revilla.


Bukod sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa suspension ni Cavite Governor Ayong Maliksi, isa pang intriga ang hinaharap ngayon ng maybahay ni Senator Bong Revilla na si Lani Mercado.

Ito ay may kinalaman sa paratang ng "balae" niya na si Rosanna Roces. Ayon kay Osang ay sinasaktan diumano ang anak niyang si Grace Adriano ng anak ni Lani na si Jolo Revilla. Ito raw ang dahilan kaya naghiwalay ang dalawa. Sina Jolo at Grace ang mga magulang ng two-year-old na si Jose Gabriel "Gab" Bautista.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Lani sa birthday party ng GMA-7 program manager na si Redgie Magno last January 10 sa Imperial Palace Suites. Kinunan namin siya ng pahayag tungkol sa mga paratang ni Osang sa kanyang anak.

"Pinalalabas nilang nananakit ang anak ko. Hindi ko siya ganyang pinalaki," panimula ng naluluhang ina.

"Tinataas ko na ‘yan sa Panginoon. Basta ang akin na lang, matapos na ‘yan. Gusto ko na lang magkaroon ng peace. What pains me is that he [Jolo] is sad because he doesn't see his son. Minsan, ‘pag may lumabas na pangit, hindi na siya makapunta [kay Gab]," dagdag pa ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi rin nasasaayos yung privileges niya as a parent or as father of Gab. Yun ang malungkot. Since I think Grace is already here in Manila... pero aalis din siya after her birthday, after January 16. Sana magkausap nga sila ni Jolo nung set-up nga ng paghiram [kay Gab], ganun," malungkot pang sabi ng aktres.

Sa kabila nito, nilinaw ni Lani na, "Ayokong panghimasukan dahil wala akong lugar dun. Ang mahalaga kay Jolo, mabisita ang anak niya. Kausapin niya si Grace."

Buong pagpapakumbaba ding humingi ng dispensa si Lani kung mayroon man daw siyang nasaktan.

"Feeling ko, wala akong ginagawang masama. Walang kalaban-laban ang anak ko. Naaawa ako. Pero kung may nagawa akong ikinagalit nila, sana patawarin nila ako. Pero wala akong ginagawa," diin niya.

"Itinaas ko na sa Panginoon. Beyond my control na. I don't know where I stand. I'm sorry. I'll just pray for them," pangwakas na pahayag ni Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pinalalabas nilang nananakit ang anak ko. Hindi ko siya ganyang pinalaki," says Lani Mercado on the accusation of Rosanna Roces against Lani's son, Jolo Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results