PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Ballesteros shrugs off gender issue

Paolo admits he has "special feelings" for Ciara Sotto.
by Melba R. Llanera
Published Jan 23, 2007
Paolo Ballesteros reacts to the gender issue: "Kung anuman ang sabihin nila, okay lang kasi natanggap ko na pumasok ako sa ganitong trabaho. Alam kong mapupuna ng lahat kung ano ang gagawin at ginawa ko. Kahit na nga di ko ginawa, magkaka-issue at magkaka-issue pa rin. Basta ako, masaya ako sa sarili ko."


Sa "Forbidden Questions" segment ng programang Good Times With ni DJ Mo Twister, ang pangalan ni Paolo Ballesteros ang isa sa mga paulit-ulit na binabanggit ng mga nagiging guest celebrities bilang sagot sa tanong ng kung sino ang pinaghihinalaan nilang gay sa showbiz.



Katulad nila Piolo Pascual, Sam Milby, at iba pang mga naugnay rin ang mga pangalan tungkol sa gender issue, isa itong intriga na noon pa man ay ipinupukol na kay Paolo. May lumabas pa ngang balita na nagkaroon diumano ng relasyon si Paolo sa ex-Pinoy Big Brother housemate na si Uma Khouny.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Paolo sa backstage ng Eat Bulaga! last Saturday, January 20, ay kinunan namin siya ng pahayag tungkol sa madalas na pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa show ni DJ Mo.

Ani Paolo, "Actually, di ko pa naririnig yung show na ‘yan, pero may nagsabi na sa akin. Ako kasi, tapos na ako sa isyung ‘yan kasi ang tagal-tagal na. Dun lang sa mga nakakarinig, ang hirap lang i-explain paulit-ulit kahit na nga wala lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy niya, "Sa akin kasi, kung anuman ang sabihin nila, okay lang kasi natanggap ko na pumasok ako sa ganitong trabaho. Alam kong mapupuna ng lahat kung ano ang gagawin at ginawa ko. Kahit na nga di ko ginawa, magkaka-issue at magkaka-issue pa rin. Basta ako, masaya ako sa sarili ko."

Sinagot din ni Paolo ang issue sa kanila ni Uma.



"Regarding kay Uma, kaibigan ko yun bago pa man siya nag-Pinoy Big Brother. Sa mga commercials kasi, magkakakilala kayong lahat. Pare-parehas lang naman kasi ang pinupuntahan ninyo, iisang VTR. Magka-age kami kaya yung category namin iisa, so palagi kaming nagkikita, nagkakasama," paliwanag pa ni Paolo.

Sa paulit-ulit na isyung ito kay Paolo, hindi man siya naaapektuhan ay taliwas naman ito sa reaksiyon ng mga mahal niya sa buhay.



"Yung family, yung mga kapatid ko, mga kaklase, tipong nakikipag-away na sila. Ang sabi ko na lang sa kanila, hayaan na lang nila dahil ganun talaga. Nandito ako sa trabahong ito na di mo talaga mapi-please ang lahat ng tao," sabi niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre, masakit sa part nila. Hindi nila maintindihan masyado kasi di naman sila taga-showbiz," aniya pa.

Isang posibleng dahilan kung bakit may ganitong issue kay Paolo ay dahil wala pa rin siyang girlfiend hanggang ngayon. Ito ay sa kabila ng nakikita ng mga taong kakaibang sweetness nila ng itinatambal sa kanya sa Eat Bulaga! na si Ciara Sotto.



"Ayokong maghanap para lang masabi na mayroon kang nililigawan or mayroon kang girlfriend. Hindi ako yung taong ganun. Kung may dumating, di sige. Pero hangga't wala, ang focus ko ay puro trabaho dahil may hinuhulugan akong sasakyan, may pinapagawa akong bahay. Yun na muna, trabaho na muna. Kaya naman ako nandito para magtrabaho," paliwanag niya.



Tungkol naman kay Ciara, sinabi ni Paolo na, "I won't deny na may special feelings ako for Ciara. Kaya lang, para kasing hirap ‘pag mayroong commitment. Kailangan ganito, ganyan. Siyempre ‘pag may relasyon, may expectations. E ang hirap nun lalo na ‘pag kasama mo araw-araw sa trabaho. Sa akin, mas maganda ‘yung ganito muna kami na nagiging mas malalim ang friendship namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Hindi rin maiiwasan na marami ang nagkakagusto at nanliligaw kay Ciara, na maari ring magustuhan ng anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa. Ayon kay Paolo, isang posibilidad daw ito na kanya nang napaghandaan.



"Kung saan sasaya si Ciara, dun ako. For me kasi, timing ang lahat. May mga bagay na hindi dapat minamadali," opinyon niya bilang pangwakas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros reacts to the gender issue: "Kung anuman ang sabihin nila, okay lang kasi natanggap ko na pumasok ako sa ganitong trabaho. Alam kong mapupuna ng lahat kung ano ang gagawin at ginawa ko. Kahit na nga di ko ginawa, magkaka-issue at magkaka-issue pa rin. Basta ako, masaya ako sa sarili ko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results