Friends lang daw talaga sila ni Biboy Ramirez and they have no relationship just yet, paglilinaw ni Jackie Rice.
Napakatagal namahinga ni Jackie after that infamous suspension nila ni Iwa Moto na ipinataw ng GMA Artists Center due to "conduct unbecoming." Nakabalik na si Iwa sa istasyon at nagkasunud-sunod na nga ang trabaho niya, pero ngayon pa lang nagbabalik si Jackie.
Sa Princess Charming, si Jackie ang gaganap na Bernardine, ang kaibigan and later, ka-partner, ni Mark Herras.
During the press con of Princess Charming kahapon sa Dulcinea, maraming sinagot si Jackie, mostly about the real status between her and Biboy.
Panguna ni Jackie, ni hindi nga raw nanliligaw si Biboy sa kanya. Hindi niya alam kung ang pagiging close nila ni Biboy is the young actor's way of courting her. But definitely, kung ito man daw yun, hindi niya nararamdaman.
Naging close sila ni Biboy to the point na minsan ay pinagda-drive pa siya ng binata kapag wala ang kanyang driver. Pero act of friendship lang daw ito sa parte ng binata.
The reason kaya ngayon niya lang ito sinagot ay dahil nga hindi siya nakita lately by the press. So ngayon lang narinig ang side niya about this.
We got Biboy's side in this story and this is his text message: "Walang official na kasunduan na boyfriend niya ako at girlfriend ko siya, pero palagi kaming nag-uusap. Kapag free kami pareho, nagkikita kami. Never kong sinabing liligawan ko siya pero naging close kami. Never naming pinag-uusapan ang ligawan pero nagkakaintindihan kami."
Unang nagkasama sina Biboy and Jackie sa SOP April of last year, ayon na rin sa binata.