PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano has no interest in politics

Luis says his relationship with Toni Gonzaga is way past the "ligaw part."
by Alex Datu
Published Jan 29, 2007
"Puwede kahit ano namang position, pero it never crossed my mind yet. Pwede sa edad ko, pero not yet. Hindi pa ako handa in terms of time management dahil I'm very, very busy," says Luis Manzano about entering politics.


Nagkaroon ng pagkakataong makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang young TV host-actor na si Luis Manzano kahapon, January 28, sa dressing room ng ABS-CBN during the live presentation of ASAP. Karga-karga that time ni Luis ang isang mamahaling aso na ayon sa kanya ay regalo sa kanya ng young actress na si Anne Curtis.



Ipinasa muna ni Luis ang aso sa kanyang P.A. (personal assistant) nang kumustahin namin siya.

"Okay naman ako. Starting 2007 really well. ‘Andiyan ang movie at saka Rounin," nakangiting sabi ni Luis, habang binabanggit ang kanyang mga nakalinyang proyekto ngayong taon.



At 25, eligible na ang panganay na anak nina Lipa City Mayor Vilma Santos-Recto at Optical Media Board Chairman Edu Manzano na sumabak sa pulitika. Pero di gaya ng kanyang mga magulang, mukhang walang interes ang binata sa pulitika.

"Puwede kahit ano namang position, pero it never crossed my mind yet. Pwede sa edad ko, pero not yet. Hindi pa ako handa in terms of time management dahil I'm very, very busy," paliwanag ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, nandiyan din ang ... my emotions pati ang mind set dahil sa showbiz pa naka-focus ang utak ko. Ayokong pumunta diyan na kalahati lamang ng oras ko, ng puso, na puwede kong ibigay," patuloy niya.

Biniro namin si Luis na noong una sinabi rin ng kanyang inang si Mayor Vi na hindi pa siya handang sumabak sa pulitika. Pero pagkalipas ng tatlong termino bilang alkalde ng Lipa City ay kinikilala na ngayon ang actress-politician bilang one of most outstanding mayors in the country.

Paliwanag ni Luis tungkol sa kaibhan nila ng kanyang ina, "Pero hindi siya gan'un ka-busy. Ako naman, I wanna give my all. Nakita ko naman na after nagsimula siya, it pretty much took my Mom's time. Wala pa akong ganun e. Sa ngayon ay wala akong ideya kung kailan ako papasok, wala pa."

Kung saka-sakaling pasukin nga ni Luis ang pultika, ano ang pipiliin niyang posisyon—senador, congressman, o mayor?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"I have no idea. Completely, I have no idea. Wala sa edad, wala sa kung gaano ako ka-busy. If dumating ang calling na 'yon, e di papasukin ko na. If not, it's not meant for me," rason niya.



Ayon kay Luis, never daw nilang pinag-usapan ng kanyang ina ang possibility nang pagpasok niya sa pulitika.

"No, never namin pinag-usapan ang politics. Kahit mga friends ko, never namin napag-uusapan kasi I never take it for consideration. Kasi kahit anong sabihin nila ay ako 'yong hindi handa—never. I believe my whole family is also undecided," sabi niya.

Hiningi rin ng PEP ang opinyon ni Luis tungkol sa sinasabi ng ilan na kaya pumapasok sa pulitika ang mga artista ay dahil sa lumalamlam nilang mga career.

"Definitely not! Ito [pulitika] ang takbuhan ng mga artistang sa tingin nila ay may maganda silang maidudulot sa kapwa," mabilis niyang tugon.

Samantala, may lumabas na balita na sa birthday ni Toni Gonzaga, who turned 23 recently, ay mas binigyan ng prayoridad si Luis ng young TV host-actress at ng mga magulang nito kaysa sa ibang mga bisita. Totoo ba ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I don't think naman na priority. 'Yong sa parents naman, 'yon ang nabasa ko. Pero sa akin naman, if it's true na gusto nila ako para kay Toni, then it's very, very flattering," sabi ni Luis.



Hanggang ngayon ba ay nanliligaw pa rin siya kay Toni?

"Sa tingin ko, kami ni Toni, lampas na kami doon sa ligaw part. Kumbaga, kilala na niya ako at kilala ko na siya. Things developed, things go that way. That's a good thing," nakakaintrigang pahayag ni Luis bilang pangwakas.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Puwede kahit ano namang position, pero it never crossed my mind yet. Pwede sa edad ko, pero not yet. Hindi pa ako handa in terms of time management dahil I'm very, very busy," says Luis Manzano about entering politics.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results