Hindi na nakatanggi ang aktres na si Maritoni Fernandez nang
tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa mga kapwa artistang tatakbo sa darating
na eleksyon. Noong una ay umiiwas pa sa tanong ang aktres nang makausap siya
ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine sa press con ng McDonald's para sa Open Doors Program noong Pebrero
20.
Bandang huli ay hindi na rin naiwasan ni Maritoni na sabihing, "I'm not so much for it because I think it takes a certain amount of background, a certain kind of education, and a certain kind of upbringing to become a good public servant, you know. And you have to have the heart for the people talaga."
Sa kabila ng pahayag na ito, hindi naman nilalahat ni Maritoni ang mga artistang tatakbo sa darating na eleksyon. Pagpapatuloy pa ng aktres, "I don't know, it's just that most of the people in town turned artistas in public office haven't exactly done, you know, an amazing job so it's very discouraging.
"I mean, sana naman magkaroon tayo ng mga artista... I mean, of course, I'm sure hindi lahat ng artista ganoon, di ba? So, who am I to judge? Kung sino man diyan na artista na gustong tumakbo for office might do a better job. We never know."
Bukod dito, naisip din ng aktres na marahil konektado ang pagtamlay ng local films sa pagtakbo ng ilang artista para sa posisyon sa gobyerno.
"You know, I hate to say this, but I can't help but think maybe it's also because show business is doing so badly now. You know, the local film industry is doing so badly so they're trying to look for a second career. And maybe politics," paliwanag ni Maritoni.
Gayunpaman umaasa pa rin ang aktres na sana ay maging maayos ang paghawak nila sa mga posisyon kung sakaling manalo man ang mga artista sa botohan sa darating na eleksyon.
At ang panghuling mensaheng naibigay ni Maritoni para sa mga kapwa artistang nagnanais pumasok sa pulitika: "All I can say is I wish them well. I hope that they know where their heart is and that it is in the right place. And that they don't turn. I really hope that they do well, and their heart is for the people. And that they mean to make the country a better place."