Yeng and Sarah pit acting and singing talents in "Sana'y Wala Nang Wakas"

by Dinno Erece
Feb 24, 2007
Yeng Constantino (right) is very excited to work with her idol, Sarah Geronimo, in Sana'y Wala Nang Wakas.

Excited na si Yeng Constantino sa kanyang first acting job and the chance na makasama niya ang kaniyang idol na si Sarah Geronimo.

Tuloy na nga ang remake ng Sana'y Wala Nang Wakas ng Viva Films sa ABS-CBN. Originally starring Sharon Cuneta, Dina Bonnevie and Cherie Gil, it will now star Sarah na gaganap sa character na ginampanan ni Sharon, si Yeng for the Dina character, and Rica Peralejo for the Cherie character.

Dapat sana'y si Rachelle Ann Go ang gaganap sa Cherie character ngunit hindi nga siya pinayagan ng Viva Artist Agency (VAA) kung saan siya talent kahit, ironically, galing din sa Viva ang kuwento. Ayaw nga kasing paganapin si Rachel ng kontrabida role as this would also have been her first regular acting job, baka raw ma-typecast agad na kontrabida.

For this, Yeng, together with three other Pinoy Dream Academy (PDA) scholars Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, and Irish Fullerton are undergoing acting workshop ngayon. Kasali rin kasi ang tatlo sa said show.

Continue reading below ↓

Bagama't naku-compare lately sina Sarah and Yeng at ini-intriga sila sa sale ng kanilang albums nang pareho itong mag-gold in its first week of release—although naka-platinum na agad ang Salamat: Yeng Constantino from Dream Records after its second week-hindi pinapansin ni Yeng ang intriga sa kanila ni Sarah at bagkus ay excited pa nga siya.

Idol niya kasi si Sarah and the thought of working with her idol titillates her. Doubly excited pa si Yeng dahil napaka-challenging agad ng kaniyang first role. Sa original movie kasi, naging lasenggera ang character ni Dina, na gagampanan ngayon ni Yeng, out of frustration nang pansumandaling nagkahiwa-hiwalay ang grupo nila nina Sharon and Cherie.

Malamang na masimulan ang Sana'y Wala Nang Wakas around May or June. Papuntang Japan next month ang anim na PDA scholars kasama sina Panky Trinidad and Chad Peralta and by April, sa United States naman. Naka schedule ding umalis si Sarah kasama ng iba pang Champions na sina Mark Bautista, Rachelle, and Christian Bautista, also for US tour.

Continue reading below ↓

Busy naman si Rica these days taping for her new soap Palimos ng Pag-ibig, another remake from Viva Films and also starring Dina then.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino (right) is very excited to work with her idol, Sarah Geronimo, in Sana'y Wala Nang Wakas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results