PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pilita Corrales intentionally avoided Lotlot de Leon?

Lotlot still mum about her feud with her estranged mother-in-law.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 21, 2007
Pilita Corrales and Lotlot de Leon nearly came face-to-face at the high schoool graduation of Lotlot's first child with estranged husband Ramon Christopher.

Hindi nangyari ang paghaharap muli nina Lotlot de Leon at ng kanyang biyenan na si Pilita Corrales. Hindi kasi nakadalo si Pilita sa graduation ni Janine, ang anak na babae nina Lotlot at estranged husband nitong si Ramon Christopher.

Last Sunday ay nagtapos ng high school si Janine sa St. Paul's Pasig. Gaya ng nakaugalian ng kahit na sinong magulang kapag may guma-graduate na anak, kahit separated na at may ongoing na annulment case, parehong pumunta sina Lotlot at Monching (nickname ni Ramon Christopher) sa pagtatapos na ito ng kanilang panganay na anak.

At dahil may gap sa pagitan nina Lotlot at Pilita, magandang pagkakataon na sana ito para magkita silang dalawa. Marami nga ang nag-abang kung ano sana ang posibleng maging resulta ng kanilang pagkikita after a long time.

Ang inakala ng iba na pagtatagpo nina Lotlot at Pilita ay hindi naganap dahil no-show nga ang ina ni Monching. Kaya ang tanong ng marami ay hindi kaya sinadya ni Pilita na huwag um-attend ng graduation ng kanyang apo para hindi sila magtagpo ni Lotlot?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anyway, dahil magkaibigan pa rin kahit hiwalay na, parehong in attendance sina Lotlot at Monching sa espesyal na araw na ito para sa kanilang mag-anak.

Tinanong namin si Lotlot kung umiyak ba siya habang tinatanggap ni Janine ang diploma nito sa entablado.

Aniya, "Pigil na pigil, pero talagang naiiyak ako sa sobrang kaligayahan. Kaya lang, pinigil ko. Although sobrang happy talaga ako that day habang pinapanood ko ang anak ko na umaakyat sa stage to receive her high school diploma.

"Isa sa pinakamasarap na pakiramdam para sa kahit na sinong magulang ay ang makitang nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak," pahayag pa ni Lotlot nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday sa taping ng Princess-Charming.

Masayang-masaya si Lotlot dahil sa wakas ay may anak na siyang nakatapos ng high school. Dahil matalino raw si Janine, masayang ibinalita ni Lotlot na malaki ang tsansang maging scholar ito sa kolehiyo. Halos lahat daw ng eskuwelahan na kinunan ni Janine ng entrance exams ay nakapasa ito. Nakakagulat din na ang kursong gustong kunin ni Janine sa college ay panlalaki, ang Aeronautics.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"'Pag nag-UP siya, yun ang kukunin niya, pero may isa pa siyang choice— European Studies sa Ateneo. Pinag-iisipan pa niya kung alin dun. Pumasa siya sa apat na schools: Ateneo, La Salle, UP, at University of Asia Pacific," very proud na pahayag ni Lotlot.

Nang hingan naman ng pahayag si Lotlot tungkol sa kanyang dating biyenan, ngumiti lamang ito sabay sabing wala siyang kahit na anong comment.

Read Next
Read More Stories About
Lotlot de Leon, Pilita Corrales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pilita Corrales and Lotlot de Leon nearly came face-to-face at the high schoool graduation of Lotlot's first child with estranged husband Ramon Christopher.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results