PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina and Bebong spent their Holy Week in a retreat house

Jolina says she has discovered more things about Bebong during their retreat.
by Kate Borbon
Published Apr 9, 2007
"Ginawa namin ito to recharge at maging ready sa mga darating na pagsubok sa amin, hindi lamang sa aming personal na buhay kundi sa aming mga trabaho. Inaamin namin na may pressure sa amin ang mga nangyayari. At ang maganda, para na rin itong isang marriage encounter dahil sa ilang araw na nasa retreat house kami, marami kaming natutunan sa mga spiritual exercises and reflections na ibinigay nila," says Jolina Magdangal.


Sa S-Files last Easter Sunday, April 8, may issue na nagtampo raw ang father ni Jolina Magdangal na si Jun Magdangal sa young actress-singer dahil for the first time, hindi nila nakasama si Jolina na nagpalipas ng Holy Week— tulad ng taon-taon na nilang kaugalian—sa resthouse nila sa Tagaytay City. Sa halip ay sumama si Jolina sa boyfriend niyang si Bebong Muñoz.

Itinanggi ni Jolina na nagtatampo ang kanyang pamilya dahil mas pinili niyang makasama ang kanyang boyfriend. Ayon kay Jolina, sila raw naman ng kanyang pamilya ay lagi nang magkasama, hindi na raw kailangan na dumating ang Holy Week para lang magkasama-sama sila.

Minabuti ng PEP (Philipppine Entertainment Portal) na kausapin sina Jolina at Bebong para malinawan ang lahat, at alamin na rin kung saan ba sila talaga nagpalipas ng Holy Week. Napakarami kasing balita kung saan-saan nag-Holy Week ang mga artista, pero walang nasulat kung saan nag-Holy Week ang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nga namin nakasama ang mga pamilya namin noong Holy Week kasi ‘yon lang ang time namin na magkasamang mag-retreat," kuwento ni Jolina.
"Noon pa namin ‘yon pinagkasunduang gawin, pero hindi nga namin sinabi kahit may mga nagtatanong sa amin kung saan ba kami magho-Holy Week, na first time in six years na naging kami namin nagawa. Sa isang retreat house sa Antipolo kami pumasok.

Dagdag pa niya, "Ginawa namin ito to recharge at maging ready sa mga darating na pagsubok sa amin, hindi lamang sa aming personal na buhay kundi sa aming mga trabaho. Inaamin namin na may pressure sa amin ang mga nangyayari. At ang maganda, para na rin itong isang marriage encounter dahil sa ilang araw na nasa retreat house kami, marami kaming natutunan sa mga spiritual exercises and reflections na ibinigay nila.

"Tulad po ng sinabi ko, six years na kami ni Bebong. Akala namin, kilalang-kilala na namin ang isa't isa, pero during the retreat, marami pa rin pala kaming madi-discover sa isa't isa. Ngayon, mas matatag na ang pagsasamahan namin ni Bebong," pahayag pa ni Jolina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya we're very thankful to God at sa mga nag-sponsor sa amin sa retreat," sabi naman ni Bebong. "At lalo kong na-appreciate ang mga ginagawa sa akin ni Jolina, at nalaman ko na talaga palang mas masarap yung may nakakausap at may napagsasabihan ka kung may problema ka.

"Tini-treasure ko po lalo ngayon ang pagdamay sa akin ni Jolina, na mas maganda talaga kapag sama-sama at hindi kani-kaniya. Hindi ko man po laging nakakasama si Jolina sa kampanya dahil sa kanyang busy schedule, alam ko pong nariyan lang siya at laging nakasuporta sa akin. Saka hindi ko man siya makasama, thankful po ako sa kanyang mga loyal fans dahil sila ang nakakasama ko sa paglilibot sa 2nd district ng Caloocan City," sabi pa ni Bebong na tumatakbong congressman sa naturang lungsod.

Ngayong tapos na ang Holy Week, balik-trabaho na ulit si Jolina sa kanyang paghu-host ng SOP at Unang Hirit sa GMA-7 at sa post-production ng movie nila ni Judy Ann Santos, ang Ouija ng GMA Films and Viva Films under Topel Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jolina Magdangal
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ginawa namin ito to recharge at maging ready sa mga darating na pagsubok sa amin, hindi lamang sa aming personal na buhay kundi sa aming mga trabaho. Inaamin namin na may pressure sa amin ang mga nangyayari. At ang maganda, para na rin itong isang marriage encounter dahil sa ilang araw na nasa retreat house kami, marami kaming natutunan sa mga spiritual exercises and reflections na ibinigay nila," says Jolina Magdangal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results