PBB evictee Zeke Dimaguila on the hot seat

by Nora Calderon
Apr 13, 2007
"Ayoko muna, I like it here. Sometimes it's boring in Australia. Sa Calamba ako umuuwi at kung minsan, nagpupunta ako sa mall doon at nagugulat ako, nakikilala na nila ako. Minsan, may isa lang magpa-picture, nag-snowball na later, lahat na nagpapa-picture," says PBB 2 evictee Ezekiel "Zeke" Dimaguila.


On time dumating ang tinaguriang "Aussie Hottie" at latest Pinoy Big Brother (PBB) 2 evictee na si Ezekiel "Zeke" Dimaguila sa solo press con na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN sa 9501 restaurant kahapon, April 12.

Zeke, who stands 6'1," was born on November 2, 1985, in Quezon City. Two years old pa lamang siya nang mag-migrate sila ng kanyang Mommy Aileen sa Sydney, Australia para makasama na nila ang kanyang ama na si Carmelito. Both his parents are from Calamba, Laguna, kung saan naninirahan ngayon si Zeke.

Totoo bang descendant si Zeke ng national hero nating si Dr. Jose Rizal?

"Parang di naman nila nire-recognize ‘yon dahil sabi ay half-brother of Dr. Jose Rizal ang mga ancestors ko," sabi ni Zeke na mas gustong magsalita, hangga't maaari, sa Tagalog.

Paano siya natutong magsalita ng Tagalog?

"By just listening, hindi ako nag-aral. Noong bata pa ako, my first yaya speaks French, then my next yaya was a Visayan at ang parents ko, they talk in Tagalog at home. Pero ‘pag ako ang kausap nila, English. ‘Pag nanood ako ng TV, English din, so my parents decided na I speak English na lang. Pero ‘yon, I listen to them when they are talking in Tagalog. May mga words na I ask them the meaning," kuwento ni Zeke.

Continue reading below ↓

How is life after lumabas siya sa Bahay ni Kuya? Wala ba siyang balak na bumalik na sa Australia?

"Ayoko muna, I like it here. Sometimes it's boring in Australia. Sa Calamba ako umuuwi at kung minsan, nagpupunta ako sa mall doon at nagugulat ako, nakikilala na nila ako. Minsan, may isa lang magpa-picture, nag-snowball na later, lahat na nagpapa-picture. I miss my parents but I know they miss me because I'm their only child," salaysay pa ni Zeke.

Ipinahayag din ni Zeke ang kanyang observation sa ginawang press con para sa kanya.

"I thought ang press con, I will stay at the middle and the press will surround me and interrogate me," natatawang sabi ni Zeke.

"But I like this, very intimate," pahabol niya.

Ano sa palagay niya ang reasons kung bakit agad siyang na-evict sa Bahay ni Kuya?

"There are lots of speculations," sabi ni Zeke. "May nagsabi na ang ABS-CBN daw ang nagpatanggal sa akin, but I don't believe it. If it's true, masisira ang credibitlity nila, si Kuya, and even ang Endemol."

Continue reading below ↓

Hindi kaya na-evict siya dahil sa ipinakita sa kanya ni Dionne noong magkasama pa sila sa Bahay ni Kuya na hindi nagustuhan ng mga televiewers? Niligawan ba niya si Dionne kaya ganoon ang dalaga sa kanya?

"I don't know, pero I understand now kung bakit siya ganun. Sobra pala ang ginawa ng father niya sa kanila, pero hindi lang naman siya ang iniwan ng father nila—even Saicy and Wendy. Saka she [Dionne] told us that her father left them when she's only one year old. Dionne is openly affectionate, she's very intelligent but she uses her heart not her mind. I like her as a friend but I'm not attracted to her," prangkang pahayag ni Zeke.

Ayon pa kay Zeke, wala raw siyang nagawa noong nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kundi maki-ride on kay Dionne dahil kahit daw umiiwas siya, ang dalaga pa rin ang lumalapit sa kanya.

Continue reading below ↓

Naging issue rin ang sinabi raw niyang hindi siya nagagandahan sa PBB Season 1 ex-housemate na si Say Alonzo. Nilinaw ni Zeke na hindi niya kilala si Say. May ipinakita lang daw sa kanyang picture ni Say at ang sinabi raw niya ay "Di ko siya type." Next time daw ay magiging sensitive na siya sa mga sasabihin niya.

After niyang lumabas sa Bahay ni Kuya, nakapag-guest na si Zeke sa The Buzz, Magandang Umaga Pilipinas, Wazzup Wazzup (na paborito raw niyang panoorin noong nasa Australia pa siya at tinanong niya kung bakit nawala na ang "Reklamador" segment ni Archie Alemania sa show), Homeboy, at Up Late at Studio 23 with Mariel Rodriguez.

How is Mariel?

"She's very bubbly. Does she have a battery, parang hindi siya napapagod?" natatawa niyang sabi.

Sino ang gusto niyang makatambal if ever na mag-artista siya?

"Precious Lara Quigaman. She's gorgeous, nag-search pa ako sa Google ng kanyang website para makilala ko siya," sabi ni Zeke.

Continue reading below ↓

Ano ang naging feeling niya nang ma-evict siya?

"Okay lang kasi it's more painful for me seeing the housemate leaving—like noong ma-evict sina Jeremy and Mikah—than when I'm the one leaving. But when I saw the housemates crying when I was leaving, I also cried," pag-amin ni Zeke.

Among the housemates, naging close daw si Zewke kina Nel and Kian.

Sino para sa kanya ang Top 4 na puwedeng maging finalists?

"I think sina Nel, Mickey, Saicy—actually, I think she's the dark horse—and Gie-Ann," sabi niya.

May isa pang intriga, kukumpetensiyahin daw niya raw ba si Sam Milby na naging housemate din dati sa PBB?

"No, how can that be? Sam is one year ahead of me," sagot ni Zeke bilang pangwakas.

Read Next
Read More Stories About
Say Alonzo
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ayoko muna, I like it here. Sometimes it's boring in Australia. Sa Calamba ako umuuwi at kung minsan, nagpupunta ako sa mall doon at nagugulat ako, nakikilala na nila ako. Minsan, may isa lang magpa-picture, nag-snowball na later, lahat na nagpapa-picture," says PBB 2 evictee Ezekiel "Zeke" Dimaguila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results