Mahigit isang taon na nang huling mag-launch ng stars ang ABS-CBN. First called Star Circle, dito nanggaling ang pinakamalalaking artista ng ABS-CBN—kasama na sina Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Heart Evangelista, Kristine Hermosa, the late Rico Yan, Diether Ocampo, Marvin Agustin, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, at marami pang iba.
Nagkaroon ng break ang launching after Star Circle Batch 11.
In between, nai-launch naman ang reality show ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest, na pinanggalingan nina Hero Angeles, Sandara Park, atbp. Tila ito ang kinilalang Batch 12 dahil nang nagbalik ang Star Circle na renamed as Star Magic, Batch 13 na agad ito. Batch 13 was composed of most of the stars from the Saturday teen show Star Magic Presents: Abt Ur Luv.
Nagkaroon na naman ng break ang Star Magic, but this year a new batch will definitely be launched and will be called Star Magic Batch 15.
Maraming dahilan kung bakit tumalon na naman ang pinakabagong batch ng stars ng ABS-CBN.
Una, malamang na kinikilala na lang ng ABS-CBN ang mga na-discover nitong stars after the 13th batch, including those from Star Circle National Quest, Pinoy Big Brother Season 1, at Pinoy Big Brother Teen Edition.
Ikalawa—at ito ang ibinigay na official reason ng ABS-CBN—this year daw Star Magic also celebrates its 15th year of operation. Kung kaya't very appropriate na Star Magic Batch 15 ang itawag sa pinakabagong mga artista ng Kapamilya Network.