PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janelle Jamer denies being suspended from "Wowowee"

However, Janelle reveals that she may take a long leave from the noontime show in August to go to the United States for a series of shows.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 30, 2007
"Na sana pagbalik ko, makabalik pa rin ako sa show. Although, let's face it, kung hindi na talaga, okay lang din. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko pa ring bumalik," says Janelle Jamer about taking a short leave from Wowowee.


Ayaw tigilan ng intriga ang isa sa female co-hosts ng Wowowee na si Janelle Jamer. Ito ay sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtanggi na may relasyon sila ng main host ng show na si Willie Revillame. Hindi rin alam ni Janelle kung bakit hindi natatapos ang tsismis sa kanila ni Willie.

"Wala naman silang nakikitang sweet kami ni Kuya [Willie]. Even sa show, wala namang special treatment," panimula ni Janelle.

"Hindi ko rin alam kung bakit hindi mamatay-matay [yung isyu]. Lumalabas man kami sa beach, marami naman kami, pati staff. Hindi naman kami lumabas na dalawa lang kami. Wala akong makita para may masabi sila. Feeling ko, merong ibang naninira sa akin, lalo na yung iba diyan, parang naging ano mo na, tinulungan mo na..." patutsada pa niya.



Naging isyu ang ilang araw na pagkawala ni Janelle sa Wowowee. May isyu na sinuspinde diumano siya sa show. Meron din namang lumabas na nagkatampuhan sila ni Willie. Ano ba ang totoo rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Nagkasakit ako," diin niya. "Hindi ba nagkaroon ako ng laryngitis noon? Bumalik siya. E, tag-init tapos nag-swimming pa kami. Tapos sabi ko nga, Monday pa lang, masama na yung pakiramdam ko. Nung pumasok ako, ‘Parang hindi ko na kayang pumasok tomorrow,' sabi ko kay Mama Bear [Cynthia Jordan, Wowowee's business unit head].' Tsaka, kasi may period din ako that time.



"Tuesday, hindi ako pumasok. Sabi ko kay Mama Bear, magpapa-check-up muna ako. Tapos babalitaan ko agad siya. Tinext ko nga siya. Sabi ko, hindi muna ako papasok. Dapat, two days lang. Magpapahinga muna ako. Tapos yung road manager ko, si Mameng, nag-text sa akin. ‘Neng, confirmed na yung pictorial mo ng Thursday.' E, sabi ko, ‘Wala bang ibang pwedeng araw, like Sunday?'



"Wala raw office si Dominique James [photographer] ng Sunday. Sabi ko, hindi ba pwedeng ipa-move para makapasok ako. Hindi raw pwede. So nag-pictorial ako. Like ngayong Monday, absent ako ulit. Kasi meron akong Palawan."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Sa bagong kontrata na pinirmahan ni Janelle sa ABS-CBN, allowed siya na mag-absent twice a month.



Kuwento ni Janelle, "Kinausap ko ang manager ko na baka puwedeng i-allow ako na magkaroon ng absent. E, wala naman na akong Punchline, Metro Bar... Kasi kailangan ko rin namang kumita.



"Hindi na nila ako pinalabas doon kasi mamaya daw, may pangit ako na masabi sa stage, dala ko yung Wowowee. Naiintindihan ko naman ang management. Pero kailangan din nilang isipin yung nawalang kita. So ia-allow nila ako na pwedeng mag-absent twice a month, kung puwede."



Hindi ba siya nag-aalala na baka any moment ay siya naman ang mawala sa Wowowee?



"Hindi," kampante niyang sagot. "Kasi every now and then, nag-uusap naman kami ni Mama Bear. Tsaka hindi ko alam na may isyu na nasuspinde ako. Kasi naman, lahat ng intriga, wala namang basehan, masulat lang.



"Kung mangyari man yun, handa ako. Alam mo kasi, sinabi ko na nga 'to, e. Sanay ako sa simpleng buhay. Puwede akong tumira sa farm lang. Magtatanim na lang kami ng gulay doon. At alam ko sa sarili ko, kahit mawala ako sa showbiz, kaya kong mabuhay. Kasi masipag naman ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Mataas lang talaga ang pride ko kaya hindi ako takot na mawala ang lahat. Ganun kataas ang pride ko na kesehodang magdildil ako ng asin, hindi ako hihingi ng pera sa ibang tao, pero magsisikap ako. Kaya yung kasikatan, hindi ko talaga siya nilagay sa ulo. Unang-una, iniisip ko trabaho lang lahat ‘to. Trabaho lang ang nagbabago sa akin. Kung feeling ng iba na sobra akong kumportable, siguro naano na yung confidence ko. Kasi noon, mahiyain ako, e. Ngayon, makapal na ang mukla ko. Baka nami-misinterpret nila ‘yon."



Ni-reveal din ni Janelle ang plano niyang pagpunta sa Amerika bandang August. In a way, makakatulong din ito para tigilan na siya ng mga intriga. May series of shows na inaalok sa kanya, at malamang magtagal siya roon ng six months.



"Maganda yung opportunity na ino-offer sa akin doon. Siyempre US yun, e. ‘Tsaka bakit ba tayo nagtratrabaho?" rason niya.



"Pero siyempre, ina-ano ko pa rin yung Wowowee. Na sana pagbalik ko, makabalik pa rin ako sa show. Although, let's face it, kung hindi na talaga, okay lang din. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko pa ring bumalik. Wala naman sigurong hindi nag-try sa mas magandang opportunity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Alam ko naman na napakagandang show ang Wowowee, number one show ‘to. Pero gusto ko lang ma-experience na talagang singer ka, magpe-perform ka. Kasi yun talaga ano gusto mo, e.



"Bata pa lang ako, kumakanta na ako. Yun talaga ang pangarap ko, e— kumanta sa harap ng maraming tao. Gusto kong i-try. Pero nag-usap kami ni Mama Bear, ‘Okay, you make a decision before August. Madesisyon tayo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo. Susuportahan ka naman ng Wowowee, e.' Makakapag-promote pa rin naman daw ako ng mga shows kung halimbawang nandun ako."



Kapag natuloy ang plano ni Janelle na pagpunta sa US, walang kaduda-duda na iintrigahin naman siya na nagdadalang-tao siya kaya mag-a-aborad.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Na sana pagbalik ko, makabalik pa rin ako sa show. Although, let's face it, kung hindi na talaga, okay lang din. Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko pa ring bumalik," says Janelle Jamer about taking a short leave from Wowowee.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results