Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Judy Ann says nothing happened between her and Ryan in Tubbataha

by Julie E. Bonifacio
May 28, 2007
"Nagbakasyon kami together na wala namang nangyayari. For the record, katatapos ko lang [menstruation]. Ang dami naman naming trips na kaming dalawa lang. Basta masaya kami doon kasi nakapag-relax kami nang sobra," says Judy Ann Santos about her Tubbataha trip with boyfriend Ryan Agoncillo.
Idinetalye ni Judy Ann Santos sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang naganap sa pinakahuling biyahe nila ng boyfriend niya na si Ryan Agoncilllo sa five-day live-aboard diving trip sa Tubbataha kamakailan.

Naikuwento ni Juday sa PEP na nagawa rin niyang mamalengke sa bayan kapag may gusto siyang lutuin para kay Ryan. Although may chef naman daw doon na gumagawa ng pagkain ng kanilang grupo.

Nabanggit din ang posibilidad na baka may kumalat na tsismis tungkol sa pagdadalang-tao niya, courtesy of Ryan.

"Nagbakasyon kami together na wala namang nangyayari," diin ni Judy Ann sa press con ng Tuseran. "For the record, katatapos ko lang [menstruation]. Ang dami naman naming trips na kaming dalawa lang. Basta masaya kami doon kasi nakapag-relax kami nang sobra. Mas ikinatutuwa ko is the trust that Tito Alfie [Lorenzo, her manager] and my Mom [Carol Santos] gave to us na parang kung saan kami magpunta kahit kaming dalawa lang hindi sila nag-iisip ng kung anuman."

Continue reading below ↓

Walang nakikitang dahilan si Juday para mag-deny kung sakaling mabuntis siya after the trip.

"Kung sakali mang dumating ako sa puntong ‘yon, I guess, nasa tamang edad na ako, di ba? Financially, emotionally, physically, handa na ako. Pero ‘yong baka ikagulat ko rin, ‘Ah, buntis ako!'" sabay tawa ni Juday.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag pa niya, "Mas magtataka ako sa sarili ko kung 35 na ako, wala pa akong anak, di ba? Next year 34 na pala ako."

Proud na proud naman na ikinuwento sa PEP ni Judy Ann kung paano siya pinasasaya to the max ng kanyang adopted daughter na si Yohan. Wala raw kaide-ideya si Yohan na superstar ang kanyang Mommy Juday. Pero napapanood ni Yohan si Mommy Juday sa TV at pinagtatakhan niya ang maraming taong lumalapit sa kanila kapag namamasyal sila sa mall.



Mommy ang tawag ni Yohan kay Juday at Daddy naman sa boyfriend niya na si Ryan. Nang tinanong namin si Juday kung sakali at hindi sila magkatuluyan ni Ryan, mananatiling Daddy pa rin daw ni Yohan ang TV host-actor. Papayagan pa rin daw ni Juday na dalawin ni Ryan si Yohan and vice versa.

Continue reading below ↓



Walang plano si Juday na ilihim kay Yohan ang tunay niyang pagkatao. Ayon kay Juday, kapag walo o siyam na taon na si Yohan saka niya sasabihin dito ang katotohanan. Sa ngayon, hinihintay na lang ni Juday na maibaba ang desisyon ng adoption papers ni Yohan sa mga susunod na buwan.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagbakasyon kami together na wala namang nangyayari. For the record, katatapos ko lang [menstruation]. Ang dami naman naming trips na kaming dalawa lang. Basta masaya kami doon kasi nakapag-relax kami nang sobra," says Judy Ann Santos about her Tubbataha trip with boyfriend Ryan Agoncillo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results