PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Lazaro directs his first movie Edna with Irma Adlawan in topbilling

Edna, starring Irma Adlawan, is about an OFW who returns to the Philippines and discovers her family is not the same as the one sh
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 21, 2014

Pinasok na ng award-winning actor na si Ronnie Lazaro ang pagdi-direk ng pelikula.

Ang kauna-unahang pelikula na idinirek niya ay ang indie film na Edna produced by Artiste Entertainment Works Inc.

“This is another destiny for me,” nakangiting bungad ni Ronnie noong makausap namin siya sa presscon ng Edna kasabay ng birthday celebration ng producer na si Anthony V. Gedang, ang businessman at art collector na nagmamayari ng Artiste.

Ito ang logline ng Edna: "A mother leaves home, wishing for a better life for everyone. She returns to find a new family... How much does your family know about you? How much do you really know about your family?"

Pinagbibidahan ito ng veteran thespian na si Irma Adlawan. Si Ronnie naman ang gaganap bilang asawa ng karakter ni Irma.

Na-imagine ba ni Ronnie na makakapag-direk din siya ng pelikula?

“Hindi,” mabilis niyang sagot.

“In fact, kapag tinatanong nga ako lagi ko’ng sinasabi artista na lang ako kasi marami nang direktor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



THE PRODUCER. Ipinahayag ni Ronnie na matagal na silang magkaibigan ni Anthony.

Kuwento niya, "Si Tonet [nickname ni Anthony], he’s weird... Kapitbahay namin sila dito sa may Pasong Tirad.

"When I go to Manila from Bacolod, bakasyon ako, during summer breaks ng high school days, we see each other.

"Naggi-gitara pa ako, mga Neil Young-Neil Young, bilyar-bilyar. Actually, ka-contemporary yung older brother niya si Ogie.

"We see each other, maliit na komunidad, in fact, yun yung kalyeng walang-lagusan.

"'Yun yung Ataul for Rent ni Tonet.

"‘Yun yung dead-end, e.

"Doon kami, e, we grew up there. I mean, we both experienced a lot of things.

“Hindi ko sukat akalain, one day nagkita kami ni Tonet d’yan sa Glorietta. Binigay ko calling card ko and the next thing he was calling me.

"He’s going to do a film. Wow! How is this? The guy studied, nag-aral. Naging masipag sa pag-aaral.

"Nabigyan ng disiplina ang sarili niya and he earned his investment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lumaki ang kanyang kompanya. Marami siyang natulungan.

“Pero may angking ano, yun nga, may art sa loob niya, e.

"So, itong paggawa ng pelikula sa umpisa tinawag niya ako, gagawin ‘yung Ataul for Rent.

"‘Ah, masasama ako rito,’ sabi ko. ‘Kailangan isama natin dito ang mga katropa para lalong gumanda yung pelikula.’"

“So, sinama sina Pen Medina, Nonie Buencamino, si Irma Adlawan, Coco Martin was even there, ang dami.

"So, lumaki, gumanda yung pelikula.

"Bumiyahe kami because of that film, nakarating ako ng Cairo sa Egypt because of that film. First time ko’ng nakita ang pyramid.

“We seldom text each other. The next thing, kita-kita na naman.

"Gusto na niyang gumawa ng pelikulan, sabi ko, 'Sige, itong mga direktor.' Pinakilala ko sa kanya. Pinasubmit ko sila ng mga trabaho nila. Hindi pa rin niya napag-isipan.

“Sabi niya sa akin, ‘Ikaw, ano’ng ideya mo?’

"Meron ako’ng ideya, it’s like this and that. ‘Maganda ‘yan, a. Gawin natin,’ sabi niya. ‘O, sige, hanap tayo ng director.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ideya yung kwento ng OFW. Basta in the end, sabi niya, ‘Ikaw na lang mag-direk.’

“'O, sige,’ sabi ko, tinanggap ko agad. Sabi niya, 'Tapos, ikaw na rin ang artista.'

"‘O, sige.’ Kasi ako naman, every detail of the story is mine. So, ibig sabihin, there’s a screenplay but the whole concept of the story is mine. So, I know it by heart.”



TECHNICAL. Paano ang technical aspects ng pelikula?

“That’s where my good friends like Larry Manda and Arvin Viola, best cinematographers, friends, come in.

"And what do friends do for each other? They help each other, you know.

"Naging maganda ang bonding namin. The group is happy, which I want always.

"Para sa akin ang production parang pagluluto ‘yan, may ingredients tapos masaya ka.

"Ang sarap ng kalalabasan. We try not to complicate... so, maganda.”

Okay ba sa kanya na tinatawag na siya sa set bilang si Direk Ronnie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, wala,” naiilang na pahayag ni Ronnie.

“Sabi ko, huwag ninyo ako’ng tawaging director, nangingiluhan ako, e. But then, after a while, okay lang sa akin.

"I don’t put any crown on my head regarding this but it’s all part of what I am to do in this lifetime.

"If this is the way I’ll do it because we have a mission.

“We are going to help, it will tell people that people who are working abroad can have the tendency to have their minds falter.

"Magkakaroon ng ano, kasi mahirap ang buhay sa abroad na mag-isa ka lang.’



THE OFW EXPERIENCE. Na-experience ba ni Ronnie na maging isang OFW?

“Hindi pa nga trabaho, e. Pero dahil dayuhan ang asawa ko, nagpunta ako sa kanila, walang nagsasalita ng English. E, sino ang kausap mo?

“Tapos iba pa ang kultura, ibang tao? Biro mo ‘yun?

“E, yung mga kababayan natin nagtatrabaho pa ‘yan, kulang pa ‘yan sa tulog. Pag-uwi niyan, iba ‘yan, magiiba na ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos yung kwento kung paano nilustay ng mga taong pinapadalhan ng pera rito, yun ang misyon ng pelikula.”

DIRECTORIAL STYLE. Kumusta naman ang experience niya sa pagdi-direk ng kanyang kauna-unahang pelikula?

“Artista rin ako so how do I do it for a first time director at the same time acting.

So, I don’t know. I don’t know how to describe it but there was a moment na parang lahat ng creative juices mo talagang matutuyuan ka kasi you are, at the same time, you have to be aware that you have certain number of sequences you have to finish. It’s an expense of the producer if you don’t later on. But at the same time you have to come out with a quality. You cannot just throw it away.”

Malaking pressure ba sa kanya ang pagdi-direk?

“It’s not, huh! We had fun,” natatawa niyang sabi.

“It is possible to have fun and pressured, yeah. But we manage to have fun because we have support. Your producer is supporting you. Your technical people are supporting you.

“Ngayon, dini-direk ko na yung mga kaibigan nating artista. These are rare friends, Irma is a friend. May konting mga, it’s a natural, ano for human beings. But nothing that last very long. We solve it and then we continue to move on. I think everybody is happy. That’s all, that’s important.”

Paano niya ide-describe ang sarili bilang director?

“Ah, I don’t know. I will not define myself,” nailing-iling niyang tugon. “Matutuwa si Tonet kapag narinig niya ang salitang define because my philosophy is no definition. To me to develop a no definition mas lalawak ang pag-iisip mo, lalalim ang pagtingin mo sa buhay. So, hindi mo ide-define ang sarili mo, hindi mo ide-define ang kapwa mo tao, mas ano ka, mas relax ka, ‘di ba? Hindi naman natin alam ang buong katotohanan bakit mo ide-define? Hahaha!”


LOOKING BACK ON HIS CAREER. Respetadong actor sa movie industry si Ronnie. Unang pasok pa lang niya sa showbusiness ay lumikha agad siya ng malaking impresyon bilan baguhang actor.

“I’m 56 years old. I have to go back when I was studying in La Salle Bacolod. I was third year college and when I entered college I’m really a shy person,” pagsisimula niya sa kanyang pagbabalik-tanaw.

“In fact, I don’t want to disturb the class kahit ihing-ihi na ako. Tapos meron pa ako’ng sinusitis noon na I have three handkerchiefs. It was really difficult. Saka pagpasok sa school gumigilid lang ako, diretso lang sa classroom. So, nu’ng mga third year na sabi ko, hindi ata ‘to normal, a. So, nag-audition ako sa Glee Club kasi I can carry a tune.

“I can sing naman mga folk songs, like Neil Young, Bob Dylan and I sing their songs. I can sing. So, natanggap ako. From there, doon nagsimula yung connection ko sa mga people who are artists, nag-theater. Minsan merong inter-collegiate competition ng theater. So, nu’ng third year college may pumili sa akin to play a role of an old man.”

Sumabak na raw agad siya sa aktingan sa teatro.

“Acting na agad, oo. So, parang, ‘Huh? Oh, okay.’ Sabi ko, gusto ko ‘to [acting]. Kasi may mga workshop, may mga exercises bago yung ano, parang nandoon yung mga kasagutan sa mga katanungan ko sa buhay. At bakit ang mga tao yung, kasi yung mga away-away, yung emosyon.

“So, na-ano ako, ang dami ko’ng tanong. Parang doon ko natagpuanna parang may kasagutan sa mga tanong ko, ano pa lang ‘yun, sa ehersisyo ng teatro. Nadiskubre ko ang sarili ko.

“I don’t even call it a talent. Parang ito ang aking magiging direksyon. Commerce ako, accounting major. Nabura ang ibang letters naging acting, hehe. Hindi, ganoon lang ang naging ano ko.

“Uhm, ngayon pabalikin ko ang aking naging buhay, ang nakagisnan ko’ng lugar, may dalawang theater [sinehan] na minsan may mga dumarating pa’ng Darigold. You bring your own chair. Tapos nagbebenta sila ng produkto nila sa pabrika, sa may Sagay, Negros Occidental. Hindi pa ‘yan sa city. It is where the largest lumber mill in the world was before during that time, from late ‘40s to ‘50s, then, ‘60s. Ah, Insular Lumber Company.

“Ah, maganda ang kinagisnan ko’ng ano, iba, ibang gandang scenario. Knakikita ko yung logs and logs of one kilometer of logs of tress cut down, hanep, o! Tsug-tsug! Tapos pag lingon mo’ng ganoon sa hill na pare-pareho ang disenyo ng bahay ng mga obrero, nung mga employer. Tapos nagsisiga sila, ang ganda kasi yung mga bark kasing trees binabagsak lang yun

“Anyway, that’s a long ano, tapos yung sa movie house minsan tatay ko ang, one of his odd jobs ay bilang projectionist. Doon nakita ko, may experience ako yung mga Aetas 'pag Linggo manonood sila ng pelikula, hindi na sila lumalabas doon. Tapos minsan sa isang movie house na dinadaanan ko papuntang school, may mga pinuputol na mga film, papanoorin ko yun sa ilalim ng bahay namin, flashlight-flashlight lang. So, parang ganoon pero mahiyain ako. Hindi ko naman sukat akalain na mapunta ako sa ganitong field.”

Tingin niya feeling inferior siya kaya napakamahiyain niya.

“Nakapasok ako ng La Salle [Bacolod], kumbaga, scholar ako nu’ng nag-graduate. Ang income ng father ko umaabot lang sa ganoon pero pwede ako’ng makapasok. Kailangan ko lang i-maintain certain grades. Natapos ko naman.

“Pero hindi na ako kumuha ng board, e. Wala na ako’ng interes. Nakain na ako theater. After that, hindi na ako nakapag-board. Tapos nagtrabaho ako, kasi doon sa school sa La Salle, doon si Joel Torre. Doon kami nag-meet. Hindi siya member ng Glee Club na sinalihan ko. Ano siya, e, Maskara Theater Ensemble, oo. Ayun, Joel kasi is an inspiration. Sabi ko, wow! Paano niya nagawa ‘yun. Bata pa siya noon.

“That time, mga 15, 16 lang si Joel, ganoon. High school pa lang siya naga-ano na siya sa teatro. Meron na talaga siyang angking-talino. Naa-ano ako, nai-inspired ako. Tapos nagkatrabaho kami.

“Nagkakilala kami because of theater. Tapos ang main person d’yan si Peque Gallaga. Nagtuturo siya sa La Salle at gumagawa siya ng mga teatro. Doon na kami nagkasama-sama. Simula noon napunta kami rito. Nagkasama kami sa theather sa Bacolod mga ’74 to ’78.

“Pero bago yung sa Experimental Cinema, nag-production muna kami. Naging propsman ako. Sabay-sabay kaming dumating ng Manila. Naging propsman ako sa mga pelikula ni Direk Ishmael Bernal: Pabling, Girlfriends, Bilibid Boys.

“Pumunta kami ng Manila kasi gusto naming makapasok sa industrya, kami nina Peque, Kokoy Jimenez, ‘yan tatlo kami. Ang una naming proyekto yung Up From the Depths na parang B movie na dito ginawa sa Maya-Maya, Batangas.

“Ang ano noon, ang local [coordinator] rito si Cirio Santiago ang connection. So, ‘yun ang ano, production-production. Paunti-unti. Tapos Champoy, sali-sali na rin ako d’yan. Napasok na rin ako doon. Kasi si Gallaga ang naging dirketor tapos kami yung sa production pero manaka-naka pinapasok kami ni Peque sa harap ng kamera. Naka-four years din siguro ako sa Champoy. 79, '80.

“Hindi ako komedyante noon. Pero ngayon pwede na ako’ng komedyante,” biro niya.

“Pero noon, ano lang naman ‘yun timing lang naman ‘yun. Although, there are times nasabi ko na hindi ko pa gamay ang craft ko during that time.

“So, si Peque nagkaroon ng funding from ECP, yung Oro, Plata, Mata, pumasok na kami [industry].

“After ng ECP, nagkaroon kami ng falling-out. So, I honed my, ako, nag-diretro ako sa teatro.

“Nagpapasalamat ako sa Bulwagan [Gantimpala] at nakapasok ako. Maraming ano roon theater actors at si Joel Lamangan. We’re working together before. Siya ang nagdidirek ng mga play. Ang dami ko’ng natutunan during those times habang walang connection sa showbiz. Tumira ako sa entablado ng mga tropa. Doon ako nahasa.”

Nagkahiwalay sila ni Peque pagkatapos ng Oro, Plata, Mata.

“Nag-iba-iba na ang concept. Mahaba yun. Mga limang taon ding nagsama-sama kami. Pero we developed ano mga, you have to move on, e. Kanya-kanyang direction, iba-ibang ano, so, merong mga ano ‘yan, e, syempre hindi maiiwasan sa mga magkakaibigan ang magkagulo. Pero para sa akin isang destiny ‘yan ng mga bagay-bagay kaya napunta naman ako sa Boatman. So, I moved on and moved on and and those are others, iba naman ‘yung mga pangyayari during those times.”

Mas lalo raw siyang naging involved sa teatro pagkatapos niyang gawin ang Boatman.

“Nakita ako ni Tikoy sa Oro, Plata, Mata. Hinanap niya ako. Hindi ako pinag-audition. Ang sabi niya, ‘O, ikaw ang gusto for the role.’”


RONNIE RECALLS STARRING IN HIS FIRST MOVIE. Ano ang naging reaksyon niya nu’ng magbida na siya sa pelikula for the first time?

“Ah, wala akong ano doon [title role], ang malaking lesson learning ko doon is, kaming mga artista kadalasan nauuwi namin ang aming mga role. So, dapat kailangan maging aware ka na hindi ka, yung role na ginaganap mo huwag mo iuwi. Kailangan matanggal mo ‘yan.

“Pero ako, hindi ko nahiwalay. Tumira ako talaga doon sa Pagsanjan para matutong maging bangkero. Tapos dalawang buwan tapos na yung pelikula hindi ko pa rin matanggal yung karakter.

“Nandito pa sa akin yung katauhan, yung karakter kahit nandito na ako sa Manila. Yung kabuuan ng katauhan, marami, e. Maraming hindi ako, e.”

Anong ginawa niya para tuluyang ma-detach niya ang sarili niya mula sa character niya?

“Maraming proseso but after a while may nga natutunan akong meditation na nakatulong sakin pang-tanggal nito. Uhm, in fact, sabi ko siguro kaya ganoon ang ano dahil maraming magulo ang pamilya sa mga artista dahil minsan tingin ko natatangay, e. Nadadala ang katauhan sa bahay.

“Kaya hindi madali ang buhay ng artista. Nakikita lang natin ang glamorous part ng pagiging celebrity pero yung psychological effects sa mga artista hindi mo maa-ano, e, minsan hindi mo naman ma-ano na nalulong sa droga, sa alcohol...kasi may mga nangyayari sa loob ng mga artista kapag, biro mo naman gaganap ka sa isang bagay na hindi naman ikaw.”

Pinag-usapan ang pelikulang Boatman noong panahon nito. Pero sa kasamaang palad, hindi nito na-push nang todo ang career ni Ronnie.

“Masyado nga sigurong napakabilis ng mga pangyayari sa akin. Hindi nag-sink in sa isip ko na sikat ako kasi nga mahiyain ako, e. Wala sa akin yun [success], hindi kasi ako ano, e. Ang sa akin, wala. Bahagi lang itong mga ‘to, e. Ewan ko.

“Bagaman, hindi dumami ng ganoon ang offer sa akin, hindi naman ako nasundan ng another bold film. Wala, walang nag-offer.

“Wala akong manager that time. Hindi ko ano ang industrya noon, e. Talagang neophyte ako. Pero ang ano ko noon puro aral. Aral, aral lahat nang nangyari sa akin.”

Hindi naman siya nai-involved sa drugs?

“No, no,” tanggi niya. “Sa aral ng buhay doon ako lalong na-engganyo. So, nagkaroon ng puwang na mga ganoon, nasa gallery naman ako, visual artist naman. Nagpe-performance art ako sa galleries.

“May ginawa ako na ano, meron akong dating suot-suot na mercury bag sa ulo noon na naka-barong ako. May kakatayin akong manok, ganoon. Basta, nagpe-performance ako sa kalye. Kung anu-ano nga.”

Naka-grupo niya raw rito ang isa pang stage actor na si Soliman Cruz.

“Naging kaibigan ko si Soliman at paglakbay sa mga diwa kasi parang ang mga artist napag-alaman ko boredom is number one enemy ng artist, e. Kailangan may ginagawa ka, e. Kapag ang utak mo hindi gumagana, ma-ano ka, you feel, nakakabaliw. Kailangan hanapan mo ng, mailabas mo ang nasa isip mo.”

Dahil ba rito kaya ang ilang mahuhusay na artista at naluluong sa drugs?

“Maaari siguro dahil hindi nila maintindihan ang kanilang utak na may pagka, na iba. Ibang-iba kasi ang pagtingin naming sa mga bagay-bagay.

“Sumubok ako sa photography. Nagpipinta rin ako, mga experimental. Mga photo me noon ginagawa kong mga ano, so yun.”

Bilang photographer nagakroon siya ng photo exhibit sa Museo de la Cárcel Real in Cáceres, Spain titled Manila en las palmas de la luz (Manila in the Palms of Light) noong January 2005 na tumagal ng dalawang buwan. Kasunod nito ang kaparehong exhibit niya na ginanap naman sa Museo Perez Commendador-Leroux noong October 2006 coinciding with the 20th anniversary of the said museum.

“Nakagawa rin ako ng pelikula noong nagti-theater ako. Hindi rin nila ako maiwasan na kunin kagaya ng mga pelikula namin ni Rudy Fernandez noon gaya ng Waway. Maganda ang aming samahan doon.

“At pagkatapos ng Boatman meron pa ako’ng ginawa isa pang ECP, yung Misteryo sa Tuwa ni Abbo dela Cruz. Kasama rin ako doon.”


ON ACCEPTING AWARDS. Sa rami ng napakahusay na pagganap niya sa marami niyang pelikula, dalawang beses pa lamang nanalo ng acting award si Ronnie. Una siyang nanalo ng Best Supporting Actor sa 2001 Metro Manila Film Festival sa pelikulang Bagong Buwan na dinirek ni Marilou Diaz Abaya. At ang ikalawa niyang award ay ang Best Actor sa Urian sa pelikulang Yanggaw noong 2009.

“Puro lang ako nominado sa mga award-giving bodies.

“If I’m disappointed? Hindi, wala. Wala ako’ng ano, wala sa isip ko yun. Kumbaga, ang dami ko’ng sinalihan na ma exepriemental film kaya malapit sa akin ang independent cinema kasi experimental ang mga ano, e. In fact, during those times kami nina Raymond Red nakikita na naming na magiiba na ang takbo ng cinema, e.

“Kaya ako nag-invest ng talent ko sa mga gawa nina Raymond Red, John Red, at marami pang filmmakers. Maski sa mga thesis ng school noon, ina-ano ko, sige, ‘Kapag lumaki na kayo sana hindi ninyo ako makalimutan.’ I do it for free. Ginagawa ko yun para lang matuto at para yumabong ang independent cinema. Mga Mowelfund na mga director, lumaki sila. Yun ang maganda. Kaya bahagi ako ng independent cinema.

“Yeah, we pioneered the movement to independent cinema.”

No comment naman si Ronnie kung bakit sa tingin niya hindi siya nananalo sa ibang award-giving bodies.

“Of course, I would want another award-giving body that is really…. no, no,” biglang balikwas niya sa pagsagot.

“No comment na lang ako d’yan,” ngiti niya.

“We can improve, kasi there’s so many award giving bodies. Tapos kanya-kanyang, it’s not naman a secret that these companies have their own awards. Alam mo ‘yan, e. So, kung saan ka payrolled, no comment, haha!”

Ilan lamang ang tulad ni Ronnie sa industrya na hindi na kailangang manalo ng acting award para patunayan ang kahusayan niya sa pag-arte.

“I’m glad…. I’m glad I have invested. That’s the only thing I know. I gave up on my own career as an accountant, you know. And my parents who passed away, both of them, they never questioned my choice of work, you know. We are not a rich family but they allowed my art to flourish. I love them for that. My parents never asked for anything, I love them.

“Yeah, my parents are proud for me but I was embarrassed that time doing Boatman. I realized, but my parents are proud of it. So, I said, ‘Ah, okay.’

Pero meron naman daw siyang ginawa na makabaluhang pelikula na may bayad.

“Oo, yung nanalo sa Cannes Film Fest nu’ng year 2000 na art film kasama ko si Eddie Garcia, libre yun. Pero, kanya lang, minsan nagiging anon a, e, puro libre na. After a while, you know, I’m a family man. I work because I have to earn to live.

“Si Raymond Red ang nag-direk, Anino ang title na nanalo sa Cannes Film Festival as Best Short Film. First time yun for our country. Si Raymond Red ang nanalo. Walang cash, award lang. Pero malaking bagay yun kasi first Filipino na nanalo ng award sa Cannes. Nandoon sina Lino Brocka. Nagpadala sila ng mga pelikula nila. Pero ang nanalo talaga si Raymond Red. Wala pa sina Brillante [Mendoza] at si Lav Diaz noon.”

Nabigyan ng Palme d’Or award sa Cannes Film Festival ang pelikula ni Raymond Red sa Cannes Film Festival noong 2000.

Needless to say, para kay Ronnie ang mga pinakapaborito at most memorable films na nagawa niya ay ang Oro, Plata, Mata at Boatman.

“Lahat sila, actually. But of course, nothing’s like the first ones, yung Oro at Boatman.

Umabot din daw si Ronnie sa pag-arte sa ilang international films na kinunan dito sa Pilipinas.

“Yeah,” tango niya. “Isa rin sa nagpa-survive sa amin during those times, nandito maraming foreign films, e, like Chuck Norris, ‘di ba?

“Oo, nag-audition ako. Wala sa aking problema ang audition. Kung may audition, sige, okay ‘yan.”

Bakit siya na-embarass?

“No, it’s my own ano, ‘di ba mahiyain ako? I did wild scenes. But really, I love ano, I mean, I have reconciled with everybody and that includes, of course, my friend, Tikoy Aguiluz. So, wala na yun. Ah, it’s a beautiful film. In fact, I saw it recently and I like it. But I have to give that to myself that I have that reaction but people don’t understand.”

Meron namang panawagan si Ronnie sa mga taga-industrya na nasa posisyon ngayon pati na kay Senator Grace Poe.

“Magawa sana na gusto kong makausap si [Senator] Grace Poe o sinumang mga stakeholders ng ating industrya, na sana masabi natin na sana sa isang buwan, may isang lingo o kaya sa dalawang buwan may isang lingo o kaya sa tatlong buwan may isang linggo na kagaya ng MMFF [Metro Manila Film Festival] na merong all-Filipino films ang ipinapalabas sa buong Pilipinas. Kung pwede lang natin mahingi ‘yan para magkaroon ng trabaho at magkaroon ng excitement pa para gumawa ng magandang pelikula.”

Meron na raw siyang naiisp na konsepto kung paano ito gagawin pero unahin na raw ang magkausap muna sila ni Sen. Grace.

“Well, first things first. The concept is there. The next thing is what do you do we do kung mabigay yung ano, yeah. Not necesaarily a festival but it is just, kasi officer din ako, isa ako sa Board of Directors ng OPM nu’ng unang itinayo ito. Yun ang isa sa aming programa, noon kasi ano puro foreign music. E, ang ano namin kahit isang musika lang sa airport na mga Pilipino [songs] naman. Ang nakakatuwa sa atin, bayan na natin to tayo pa ang nakikipaglaban sa mga dayuhan. Parang sinasakop pa rin tayo ng mga dayuhan.”

Kung nagawa nga raw nila yun sa OPM, possible rin daw sa local films.

“Correct,” madiin niyang sabi.

Sa huli, may wish din si Ronnie after his first directorial job.

“I just hope and pray for more jobs for everybody and for myself,” pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ronnie Lazaro
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results