PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PBB All In: first Big Brother edition in the world to combine housemates ages 15 to 30 years old

PBB All In isthe first among Big Brother franchises to have housemates with ages ranging from 15 to 30 years old.
by Lhonette Beltran
Published Apr 25, 2014
Pinoy Big Brother All In will offer a mixed set of housemates as adults and teens will be combined in the reality show. Toni Gonzaga is still host of the primetime telecast while Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and Alex Gonzaga will host UBER in the afternoon block.

Muling magbubukas ang Bahay ni Kuya para sa latest season ng Pinoy Big Brother.

Ngayong Linggo, April 27, matutunghayan ang pagsasama-sama ng mga bagong housemates na may edad na 15 hanggang 30 taong gulang sa pinakabagong edition titled PBB All In.

Ayon kay PBB creative manager Marcus Vinuya, ang PBB All In ang kauna-unahan sa lahat ng franchise ng Big Brother dahil pagsasamahin ang mga housemates mula teenagers hanggang adults.

“We are very excited about the concept kasi first in the world na gagawin ito.

“Ang ganda kasing dynamic na makikita mo yung teenagers at adult.

“Kasi, typically naman sa isang bahay ng Pilipino may bata, may matanda, ‘yon yung gusto namin i-highlight sa show,” ani Mark.

Katulad ng mga naunang season ng PBB, parehas rin ang magiging criteria sa bagong edition na PBB All In.

Ayon kay Toni Gonzaga, isa sa mga hosts ng PBB simula pa noong unang edition, ang kanilang hinahanap ay yung Pilipinong may magandang personalidad at nagpapakatotoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, all ages from 15 to 35, ang hinahanap pa din naman is yung Pilipino with great personality that really stand out na nagpapakatotoo at ‘di yung umaarte.

“Teens and adults na may different pack of personalities, na magka-clash sa bahay at may kanya-kanyang ugali at may ugali din tayo na makikita sa kanila,” sabi ni Toni.

Bago ang grand kick-off, may ilang housemates na ipapakilala sa ASAP 19 at Buzz ng Bayan.

Pagdating ng gabi, live na masusubaybayan ang pagsisimula ng Pinoy Big Brother All In.

Kilalanin at abangan ang mga housemates na papasok sa Bahay ni Kuya ngayong Linggo, April 27, sa ABS-CBN.


ALEX GONZAGA AS NEW HOST. Masayang-masaya ang nakababatang kapatid ni Toni, si Alex Gonzaga, na siya ang napili na bagong PBB host lalo pa’t isa siya sa mga masusugid na tagasubaybay simula pa noong unang season.


“Happy ako kasi sa pagbabalik ng PBB, kasama ako. Season one pa lang, fan na ako. Nag-eenjoy akong manood kasi bilang tao, chismosa talaga ako, so nagpapakwento ako kay Ate Toni kung anong nangyari sa confession room, kung ano ang mga nangyaring hindi pinalabas sa TV,” kuwento ni Alex.


Si Toni pa rin ang host ng primetime telecast ng PBB All In. Samantala, sina Bianca, John, at Robi ay makakasama ang bagong host na si Alex sa UBER na mapapanood tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Network. Ipapalabas rin ito ng weekdays sa TFC sa Saudi at mula Martes hanggang Sabado sa Australia, Guam, New Zealand, at Japan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother All In will offer a mixed set of housemates as adults and teens will be combined in the reality show. Toni Gonzaga is still host of the primetime telecast while Bianca Gonzales, Robi Domingo, John Prats and Alex Gonzaga will host UBER in the afternoon block.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results