PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix prepares to portray mentally challenged character in Niño

Miguel Tanfelix says he watched the Hollywood film I Am Sam to prepare for his mentally challenged role.
by Nikko Tuazon
Published Apr 25, 2014
Miguel Tanfelix on being chosen as lead actor in primetime show Niño: “May pressure po talaga kasi eto po yung first lead role ko mga kasama ko po doon ay mga big stars po talaga. Dapat po lagi kang on time sa set [and] aral na aral mo yung script. Director po namin si Maryo J. de los Reyes kaya alam ko po na strikto yun. Kaya dapat focus ka talaga at aral na aral mo yung script.”

Tila nagbunga ang matiyagang pag-aantay ng Kapuso tween star na si Miguel Tanfelix dahil malapit nang ipalabas sa GMA Telebabad ang unang teleseryeng kanyang pagbibidahan, ang Niño.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel kahapon, April 24, sa PEP office sa Mandaluyong City.

Ayon kay Miguel, gaganap siya bilang si Niño, isang batang nagkaroon ng kakaibang kundisyon dahil sa isang aksidente. Ang child star na si David Remo ay gaganap din bilang si Niño, ang Sto. Niño na nagkatawang tao na magiging kaibigan ng karakter ni Miguel.

Ani Miguel, “Parang parehas po kami ng name, Niño rin po pangalan kaya ‘tokayo’ tawag ko sa kanya.

“Kami po gagawa ng solution sa problem ng lugar po namin.”

Bukod kay David, kasama rin sa primetime show sina Tom Rodriguez, Bianca Umali, Katrina Halili, German Moreno, Lotlot de Leon, Gloria Romero at marami pang iba.

Unang nakilala si Miguel bilang child star nang sumali siya sa artista search ng Kapuso network, ang Starstruck Kids. Nakasama niya noon sina Bea Binene, Paul Salas, Sandy Talag, Sam Bumatay, at Ella Guevarra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang proyekto na rin para sa GMA Network ang nagawa ni Miguel kabilang ang Mulawin (2004), Tinik Sa Dibdib (2009), Paroa (2012), Love & Lies (2013), at Mga Basawang Sisiw (2013).

UNDER PRESSURE. Ito ang unang beses na nabigyan ng lead role si Miguel matapos ang halos sampung taon niyang career sa showbiz.

Kaya tanong sa kanya ng PEP, hindi ba siya nainip na magkaroon ng title role?

Sagot ni Miguel, “Siguro po kasi tama lang po, kasi siguro dumaan din po ako sa ‘awkward stage.’

“Yung parang di po ako pwede sa pang-batang role, di rin po pwede sa pang-teen na role kaya medyo nawala po.”

“Siguro tama lang po yung pagbigay sa akin.”

Inamin din ni Miguel na na-pressure siya dahil sa bigat ng role na kanyang gagampanan.

Wika ng young actor, “May pressure po talaga kasi eto po yung first lead role ko mga kasama ko po doon ay mga big stars po talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Dapat po lagi kang on time sa set [and] aral na aral mo yung script.

“Director po namin si Maryo J. de los Reyes kaya alam ko po na strikto yun.

“Kaya dapat focus ka talaga at aral na aral mo yung script.”

PREPARATIONS. Sa ngayon, handang-handa na raw si Miguel para sa kanilang teleserye. Ano ba ang mga preparasyon na ginawa niya upang maayos na magampanan ang kanyang karakter?

Tugon ni Miguel, “Nag-workshop po kami kaya po sa pagkasabi ko kanina may pagka-special po yung role nun kaya pinanood ko yung I Am Sam (2001) ni Sean Penn.

“Kasi halos magkapareho kami [ng character].

“Kumuha po ako ng mga ideas kung paano po ipo-portray yung role na yun.”

Pamilyar na rin daw sa kanyang karakter si Miguel dahil dati na siyang gumanap na mentally challenged boy.

Kuwento ni Niño star, “Dati po kasi sa Tinik Sa Dibdib, nag-special [child] din po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun dati nag-visit po ako ng parang SPED [special education school] tapos nag-observe ako.

“Yung isang bata po parang parehas ng lagay yung role ko inobserbahan ko po siya…

“Paano siya kumilos, paano siya magsalita, kung paano po yung attitude niya.”

Ipinangako rin ni Miguel na ibibigay niya ang lahat ng makakaya upang magampanan ng mahusay ang karakter na ibinigay sa kanya.

Paliwanag ni Miguel, “Kailangan pagbutihin yung bawat role kahit simple lang kailangan mo talaga pagtrabahuhan ng mabuti.

“Kahit madali lang yung role, ‘di mo siya ituturing na madali.

“Kelangan yung maramdaman ng tao kung ano ka talaga, yung role mo dapat magampanan mo talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on being chosen as lead actor in primetime show Niño: “May pressure po talaga kasi eto po yung first lead role ko mga kasama ko po doon ay mga big stars po talaga. Dapat po lagi kang on time sa set [and] aral na aral mo yung script. Director po namin si Maryo J. de los Reyes kaya alam ko po na strikto yun. Kaya dapat focus ka talaga at aral na aral mo yung script.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results