Paul Salas never thought of courting Mika dela Cruz

by Rose Garcia
Mar 5, 2019
Paul Salas on leading lady Mika dela Cruz: "Simula bata, close na kami niyan... Hindi kami nagligawan or something, naging close lang kami, naging best friend kami."
PHOTO/S: Noel Orsal

Kung ang co-stars nila sa Kara Mia na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ay magkasintahan sa totoong buhay, nananatili namang "for reel" lamang ang love team nina Paul Salas at Mika dela Cruz.

Open naman kasi sa publiko na may real-life boyfriend si Mika, si Nash Aguas.

Habang si Paul naman ay naugnay sa Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Hindi ba nanghinayang si Paul na hindi niya niligawan noon si Mika?

Tugon niya, "Simula bata, close na kami niyan... Hindi kami nagligawan or something, naging close lang kami, naging best friend kami.

“Kahit na may problema ako, sinasabi ko sa kanyang lahat yun, and siya rin. At mas nagustuhan namin yung way na ganun.”

Hindi ba siya na-attract at all kay Mika?

“Maganda siya, oo!” pag-amin ni Paul sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

FIFTH WHEELING

Masaya na raw si Paul na makasama ang mga kaibigan sa mga lakad nila.

Continue reading below ↓

“Nagba-bonding naman kami. Minsan, nagiging fifth wheel pa nga ako, apat sila.

"Sina JakBie at sina Nash at Mika, ako lang ang walang partner, nakikigulo lang ako.

“Pero masaya.”

Masayang maging fifth wheel?

“Masaya, kasi nandito ako para sa kanila, pagiging comedian nila,” sabi ni Paul.

Dahil tila sila rin ni Mika ang pinu-push ng Kapuso network bilang love team, may disadvantage ba na hindi sila?

Marami kasing fans ng love teams na nagnanais mauwi sa totohanan ang chemistry on screen.

Ani Paul, “Nasa amin po ‘yan kung talagang gagalingan namin ang mga reactions namin.

"And kami ni Mika, comfortable naman po kami sa isa’tisa.

“And alam naman namin kapag ‘work is work,’ at ikagaganda ng show, kaya po namin yun. Kaya po naming magpakilig.”

HAPPILY SINGLE

Masaya raw si Paul kahit single single siya.

Wala raw siyang idine-date sa ngayon at naka-focus muna sa trabaho.

Continue reading below ↓

“Happy ako ngayon sa sarili ko,” sabi niya.

Hindi niya nami-miss yung may ka-date, may special someone?

“Siguro nami-miss, yung may ka-date or sino ba ang babaeng para sa akin.

"Pero, work talaga. Yun talaga ang focus ko ngayon.

“And nandiyan din naman ang family ko, friends.”

Naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila noon ni Barbie Imperial, ang huli niyang naging karelasyon.

May natutunan naman daw si Paul sa nagsarang kabanatang iyon ng kanyang buhay.

“Siguro po, nasabi ko sa sarili ko na mas nag-mature ang pagtingin ko.

"Bigla akong napaisip na bigyan mo naman ng importansiya muna ang sarili mo.

“Good karma naman po, masaya naman po and nandiyan naman po ang family ko."

Mas naging mapili na ba siya ngayon sa babaeng liligawan?

“Hindi naman po,” pakli niya.

“May paniniwala po kasi ako na kung sino ang babaeng makakapagpasaya sa akin, yung love, darating naman 'yan, basta huwag pipilitin.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paul Salas on leading lady Mika dela Cruz: "Simula bata, close na kami niyan... Hindi kami nagligawan or something, naging close lang kami, naging best friend kami."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results