Claudine Barretto surprises sister Gretchen on her 49th birthday

by Arniel C. Serato
Mar 7, 2019
Gretchen Barretto gives sister Claudine Barretto a tight embrace after the latter surprised the former on her 49th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram

Back to normal na nga ang relasyon ng magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto pagkatapos ng halos anim na taong pagkakaroon ng lamat nito.

Miyerkules ng gabi, March 6, sa selebrasyon ng ika-49 kaarawan ni Gretchen, na ginanap sa Forbes Pask mansion nila ng partner na si Tonyboy Cojuangco, masayang-masaya ang aktres sa pagdating ng kapatid na si Claudine.

May dalang dalawang bouquet of balloons ang bunso sa Barretto siblings.

Galing daw ang mga regalo ni Claudine sa mga anak niyang sina Sabina at Santino Santiago.

Continue reading below ↓

Ipinakita ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories ang tatlong magkakasunod na videos kung saan nasorpresa siya sa pagdalo ng kapatid.

Isang mahigpit na yakap naman ang naging pagbati ni Gretchen sa kapatid.

Continue reading below ↓

Sabi ni Gretchen, “I thought you won’t be coming?”

Tugon ni Claudine, “Not for anything.”

Makikita rin sa videos na pawang close friends ni Gretchen ang nakisaya sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Tinawag ni Gretchen na "Road to 50" ang kanyang selebrasyon dahil may pamahiin ang mga Pinoy na hindi magandang ipagdiwang ang birthday na tatawid ang edad sa 9, 19, 29, 39, 49, and so on.

SURPRISE FROM CLAUDINE

Ngayong araw, March 7, nagbahagi naman si Claudine sa Instagram ng video ng kanyang pagsorpresa sa kapatid.

Sabi niya sa caption, “She thought i was not going to see her on her birthday. i ended up not going home.

"i missed u @gretchenbarretto i missed u @mimiyque had a blast with @priaskitchen @pattympineda thanks @oegtoysandpartysupplies for the biglaang orders ko. luv u @gretchenbarretto.”

Continue reading below ↓

Samantala, inaabangan ngayon ng publiko kung kailan naman magkakaayos si Gretchen at ang isa pa nitong kapatid na si Marjorie Barretto.

Nagkaroon sila ng “silent war” mula pa noong taong 2015.

May alitan din sa pagitan ni Gretchen at ng kanyang mga magulang na sia nMiguel at Inday Barretto dahil sa pagkampi ng mga ito noon kay Claudine.

Ngayong nagkaayos na sila ni Claudine, sina Mommy Inday at Daddy Miguel na kaya ang sunod na makakabati ni Gretchen?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto gives sister Claudine Barretto a tight embrace after the latter surprised the former on her 49th birthday.
PHOTO/S: Courtesy: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results