Judy Ann Santos recounts hubby Ryan's recovery from bike mishap

by Rommel Gonzales
Mar 10, 2019
Judy Ann Santos recounts how husband Ryan Agoncillo recovered from his motorcycle accident last year.
PHOTO/S: @ryan_agoncillo on Instagram

Napagkuwentuhan namin ni Judy Ann Santos ang tungkol sa mister niyang si Ryan Agoncillo na regular nang napapanood bilang host ng Eat Bulaga! matapos niyang mawala ng ilang buwan last year.

Lahad niya, “Siyempre nakakatuwa na yung Eat Bulaga! has always been there for him.

Naiintindihan niya yung ginawa niyang pagli-leave.

They've always been there to support him because they’re family.

Hindi ako… ni hindi ko kinutuban na hindi siya makakabalik, e.

Kasi professional namang katrabaho si Ryan ever since.

Ginagawa naman niya yung trabaho niya bilang maayos na host, so yung pag-leave niya, hindi ako naalarma na wala siyang babalikan.

Alam kong may babalikan at babalikan siya kasi alam ko kung anong klaseng trabaho ang ibinibigay ng asawa ko.

Pag binigay niya yung sarili niya sa isang show, binibigay niya nang buong puso.

Buung-buo.”

Continue reading below ↓

RECUPERATION PERIOD

Nag-leave si Ryan sa Eat Bulaga! nang halos anim na buwan dahil sa kinasangkutan nitong motorcycle accident.

Paliwanag ni Juday, “Kasi kailangan niyang bigyan ng focus yung therapy niya kasi yung healing ng tuhod niya, it’s not as...

Parang hindi siya naghi-heal as scheduled from the time na inoperahan siya.

Up to the time na nagpapa-check up siya, since nakaka-miss siya ng therapy sessions dahil nag-Bulaga siya agad.

Parang after a month nag-Bulaga na siya, may nami-miss siyang therapy.

May nami-miss siyang mga check-ups, tsaka mga injection sa tuhod niya.

Basta marami siyang nami-miss.

So iyon yung sinabi ng doctor niya sa kanya, na kung hindi mo bibigyan ng pansin ito, matatagalan yung pag-heal or baka hindi na siya mag-heal at all.

Kasi medyo pa-forty na rin si Rye, so yung development ng collagen production niya—ng bones niya and everything—hindi na siya kasing bilis ng mga bata.

Continue reading below ↓

Kaya nag-leave na siya, kasi nga kung hindi niya bibigyang-pansin yun, mas marami siyang trabahong hindi magagawa.”

Sa aksidenteng kinasangkutan ni Ryan, nag-slide ang motor nito noong nagwa-warmup pa lang siya, dahil dry yung lupa.

Detalye niyang paliwanag, “So nag-split siyang ganyan, na-stretch nang bonggang-bongga yung ACL [anterior cruciate ligament] niya. Kaya iyon yung nangyari sa kanya.”

October 2017 naganap ang aksidente ni Ryan sa Taytay, Rizal.

November 5, 2018 naman siya bumalik for good sa Eat Bulaga!

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shoot ng Judy Ann’s Kitchen sa San Juan, Batangas noong February 11.

Magsisimula na ang season 11 mg Judy Ann's Kitchen sa March 16, 10:30 a.m. sa YouTube at sa Facebook channel nito.

TOTAL RECUPERATION

Ngayon ay fully healed na si Ryan.

Dagdag ni Juday, “Ngayon strengthening na siya ng tuhod niya, nakakatalon na siya, nakakatakbo na siya, mas maingat na siyang mag-motor ngayon.

Continue reading below ↓

In fairness naman kay Rye, pag nagmo-motor yan, hindi yan yung barubal at walang disiplina sa pagmo-motor.”

Pero paalala namin kay Juday, kahit gaano kaingat ang isang tao, nangyayari't nangyayari pa rin ang aksidente.

Nagpapasalamat si Juday na dito sa Pilipinas nangyari ang aksidente ng kanyang asawa.

Kung sa ibang bansa iyon nangyari ay mas mahirap dahil magkalayo sila.

Matatandaang winter noong nasa Himalayas si Ryan, kasama ang ilang mga Pinoy riders para sa isang motorcycle event.

Pagbabalik-tanaw ni Juday, “Ako I’m thankful na nung nangyari yun, andito siya.

Kasi kagagaling lang niya nun sa Himalayas, e. 'Tapos nag-Jolo pa siya for Eat Bulaga!

Mabuti nung nangyari yun hindi sa daan at nandito siya, malapit sa akin.

At saka hindi major, hindi siya major operation.

May surgery na ganap, pero hindi siya yung talagang buwis-buhay.

Thank God!”

Continue reading below ↓

RIDING WITH MORE CAUTION

Ngayon ba kapag nagmo-motor si Ryan ay ano ang sinasabi ni Judy Ann sa mister niya bilang paalala?

Wala. Ingat.

Ano ang sasabihin ko? E, mas marami naman siyang alam kesa sa akin,” sabay tawa ni Juday.

Hindi naman ako puwedeng magmarunong na, ‘O, huwag kang gaganito, huwag kang gaganyan.’

Never naman akong naging ganun.

At saka hindi ko naman siya babawalan sa mga bagay na makapagpapasaya sa kanya.

If riding will make him whole again and will give him more confidence again, go!

Basta ingat lang. Hindi mo naman masasabi yung aksidente, e.”

Maraming naghanap at nagtanong tungkol kay Ryan noong mga panahong wala siya sa Eat Bulaga!

Siyempre nakakatuwa na napansin pala yung absence niya, and that yung presence niya sa Eat Bulaga! nagma-matter pala.

So nakakatuwa na nakasanayan nilang nakikita si Ryan sa Eat Bulaga!

Continue reading below ↓

Bukod sa Judy Ann’s Kitchen ay abala rin si Judy Ann sa taping ng Starla na malapit nang mapanood sa ABS-CBN.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos recounts how husband Ryan Agoncillo recovered from his motorcycle accident last year.
PHOTO/S: @ryan_agoncillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results