Darren Espanto reacts to JK Labajo cursing during a concert

by Bernie V. Franco
Mar 11, 2019
How will Darren Espanto react if someone in the audience shouts "I love you, JK!" while he's performing onstage?

Hindi nakaiwas si Darren Espanto, 17, nang matanong hinggil sa viral video ni JK Labajo, 18.

Sa nasabing video, mapapanood na ilang beses nagmura at nag-dirty finger pa si JK sa Rakrakan 2019, na ginanap sa Makati City noong March 1.

Nag-react si JK dahil ikinais niya ang paulit-ulit na pagsigaw ng isang fan ng “I love you, Darren” habang nagpe-perform siya sa stage.

Sa press conference ng The Aces, ang upcoming concert ni Darren kasama sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Fearless Diva Jona, natanong siya tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni JK.

Ginanap ang presscon sa Dolcelatte Restaurant sa Quezon City ngayong Lunes ng hapon, March 11.

Sa simula, halatang paiwas ang sagot ni Darren nang matanong tungkol kay JK.

“Para po sa akin, I’d say I’m not the right person na sumagot po dito right now,” tugon niya.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng sagutan sina Darren at JK sa social media.

Continue reading below ↓

Diumano'y tinawag na "bakla" ni JK si Darren, subalit itinanggi ito ni JK at nanindigang na-hack ang kanyang account.

Hindi naman ito pinalampas ni Darren at sumagot din sa Twitter.

Binatikos din ng fans ni Darren si JK sa social media dahil sa insidente.

Sina Darren at JK ay parehong grand finalists ng reality-based singing contest sa ABS-CBN na The Voice Kids noong 2014.

STORIES WE ARE TRACKING

Tinanong si Darren kung gusto na niyang matapos ang isyu sa pagitan nila ni JK.

Aniya, “Para po sa akin, as much as possible naman… opo, I think everyone wants that naman, e.”

Wala na ba siyang galit na nararamdaman kay JK?

Makahulugang sagot ni Darren, “Basta, I’d rather not talk about it here in this type of event.”

CURSING ONSTAGE

Inusisa rin si Darren kung ano ang opinyon niya sa pagmumura ng isang performer sa manonood sa kalagitnaan ng performance nito sa stage.

Continue reading below ↓

“For me, the show just goes on and it’s just something na, para po sa akin, it’s just funny, kasi nag-effort pa silang pumunta sa show mo para lang gawin yun sa ‘yo.

“Gusto ko rin siyang pasalamatan for going there,” sagot niya.

Ano ang magiging reaksiyon niya kung may sumigaw ng “I love you, JK” habang kumakanta siya sa entablado?

“'I love you, too.' Kasi andun siya.

"Ako yung nagpe-perform sa stage. Sinigawan mo ako ng 'I love you,' babalikan kita ng 'I love you.'"

Kahit ibang pangalan ang itawag sa kanya?

“Oo,” sagot ng Kapamilya singer.

Samantala, gaganapin ang The Aces concert nina Darren, Jona, at Lani sa Araneta Coliseum sa March 30.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How will Darren Espanto react if someone in the audience shouts "I love you, JK!" while he's performing onstage?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results