Pokwang reveals dreaming about Chokoleit after his death

by Jerry Olea
Mar 12, 2019
Pokwang on Chokoleit's death: "Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa. Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa."
PHOTO/S: Jerry Olea / Chokoleit Instagram

Nagparamdam si Chokoleit sa kumare niyang si Pokwang.

“Napanaginipan ko siya kagabi,” lumuluhang pahayag ni Pokwang nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Marso 11, Lunes, sa first night ng burol ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo City.

“Kasi, usually ‘yan, pumupunta sa bahay ko, magkakalkal lang sa kusina. Mag-uuwi ng kung anong mababalot niya run.

“So, napanaginipan ko ‘yan na nagagalit, kasi wala raw siyang makitang pambalot.

“Kasi, usually, ang ginagamit niya, yung microwaveable na plastik. Nagagalit siya, ‘Bakit walang ano?! Mag-uuwi ako ng...’

“The usual! Nung buhay pa siya, na tinatalakan yung mga kasambahay ko.

“Iyon ang nakaka-miss sa kanya. Saka yung nagse-share siya ng advice... na ganito dapat, ganyan.

“'Mag-ano ka na. May ganito ka. May maliit kang anak. Isipin mo, hindi yung puro ganyan, dapat yung anak mo naman.'

“Iyon ang nami-miss ko sa kanya.”

Continue reading below ↓

Napakaraming magagandang alaala na iniwan si Chokoleit kay Pokwang. Hindi niya kayang isa-isahin.

“Si Chokoleit kasi, tumayo pa lang diyan, tawang-tawa na kami, e,” pakli ni Pokwang.

“Wala pa siyang sinasabi, wala pa siyang ginagawa... tawang-tawa na kami.

“Ang hindi ko malilimutan, siguro yung mga kuwento niya lagi sa akin na nase-second interview lagi siya sa Amerika, kasi may kapangalan siyang kriminal.

Continue reading below ↓

“'Tapos, yung... sa hotel! Sa Amerika na naman, sa hotel!

“Iyong nailagay na pangalan sa check in, Chokoleit. Sabi, ‘Sorry, the dog is not allowed inside the room!’

“Parang ganun. So, akala, aso yung Chokoleit!”

THEIR LAST CONVERSATION

Three weeks ago nang huli silang mag-usap.

Gusto nina Pokwang, Chokoleit, K Brosas, at Pooh na itanghal ang show nilang 4 Da Laffs sa Araneta Coliseum.

Sinabihan ni Pokwang si Chokoleit na ibenta na nito ang tinitirahan at lumipat malapit sa bahay niya.

“Iyong lugar kasi niya ngayon, medyo bahain,” lahad ni Pokwang.

“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Umakyat ka na dito! Ibenta mo na yung bahay mo dyan!’ Iyong mga ganun-ganun.

“Inaano ko na umakyat na siya ng Antipolo.

“Aba! Hindi lang Antipolo ang inakyat! Mas mataas pa!

“Ang bongga talaga ng kaibigan kong ‘yan! Ang usapan lang, Antipolo. Di ba?!

Continue reading below ↓

"Ang usapan lang, Antipolo... binonggahan pa!"

Paniwala ni Pokwang, masyado pang maaga ang pagpanaw ni Chokoleit sa edad na 48.

“Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa,” lahad ni Pokwang.

“Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa.

“Pero ... siguro... kailangan na ng magpapasaya Sa Itaas.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Chokoleit, Pokwang
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on Chokoleit's death: "Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa. Ang dami pa niyang pwedeng ibigay, e. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa."
PHOTO/S: Jerry Olea / Chokoleit Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results