Bayani Agbayani recalls sleeping in the office while showbiz newbie

by Rose Garcia
Mar 15, 2019
Bayani Agbayani fondly recalls days when he slept in the office to make ends meet: “Malayo kasi ang bahay ko, Malabon. E, ang matitipid ko kung hindi ako uuwi sa Malabon, PHP500 a week, so may PHP2,000 ako sa isang buwan. E, di bibigay ko na sa Nanay ko yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagbalik-tanaw ang komedyanteng si Bayani Agbayani kung paano siya naging artista mula sa pagiging dating writer ng isang TV show ng GMA-7 noon.

Ni sa hinagap ay di raw naisip ni Bayani na magiging artista pala siya.

“Sino ba mag-aakala na magiging artista ko? Wala naman sa pamilya namin ang kahit isang artista,” sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Writer ako sa Channel 7, SST muna, then nagsusulat ako ng script, e." balik-tanaw ni Bayani sa pinasukang Kapuso noontime show na Salo-Salo Together.

Sinabihan daw siya nina Randy Santiago—isa sa hosts ng SST—na hindi nakakatawa ang sinusulat niya.

Patuloy ni Bayani, "Sabi ko, 'Hindi, nakakatawa po 'yan.'

"Sabi, 'Ikaw ang gumawa.' So, ako ang gumawa.

"Yun na, pinanindigan ko na. Natawa sila."

BAYANI SLEEPING IN THE OFFICE

Kuwento pa ng komedyante, "Binayaran ako ng singkuweta pesos kada araw.

"E, nabilang ko, may PHP250 ako kada linggo.

Continue reading below ↓

"E, ang baba rin naman ng suweldo ng P.A. noong araw. P.A. muna ko bago ko naging writer.”

Ang P.A. ay isang production assistant.

Early '90s daw yun, ayon kay Bayani, at para mas makatipid pa raw siya noon ay sa opisina siya natutulog.

“Natutulog ako sa office! Pag-alis nila, maglalatag na ako, doon ako matutulog.”

Natawa naman si Bayani nang ikuwento ng PEP Troika columnist na si Gorgy Rula na naaabutan daw noon ng editing department si Bayani na naka-brief lang.

Paliwanag niya, “Malayo kasi ang bahay ko, Malabon.

"E, ang matitipid ko kung hindi ako uuwi sa Malabon, PHP500 a week, so may PHP2,000 ako sa isang buwan.

“E, di bibigay ko na sa nanay ko yun.”

Hindi raw sa mismong GMA Network siya natutulog kung hindi sa opisina ng SST na isang town house.

Alam naman daw iyon ng kinauukulan, at pinayagan siya ng direktor na si Rommel Gacho.

Continue reading below ↓

Doon daw siya sa attic namalagi.

Natatandaan pa raw niya na umiigib siya ng tubig dati sa compound ng komedyante at stage actor na si Jon Santos.

“Kasi, naputulan kami ng tubig sa office!” natawang pag-alaala niya.

“Kaya yung nagpapa-igib sa akin na matanda dun, noong okay-okay na ang buhay ko, pinupuntahan ko yun kada-Pasko, binibigyan ko ng regalo. Kaso, namatay rin.”

LIFTING EVERYTHING UP TO GOD

Naniniwala rin si Bayani na ipaubaya lang talaga sa Panginoon ang buhay, at ang Diyos talaga ang bahala.

“Huwag mo lang planuhin ang future mo, Diyos ang magpaplano sa 'yo.

"Basta gumawa ka lang ng mabuti sa present, yung future mo, Diyos na ang bahala."

Bilang isang komedyante, ang pinaka-peg daw ni Bayani sa Hollywood stars ay sina Adam Sandler at Ben Stiller.

“Magagaling yung mga yun,” pakli niya.

Nais pa ba niyang gampanan ang sexy-comedy roles?

Continue reading below ↓

“Hindi na ako puwede,” mabilis niyang sagot.

“Eto nga, parang naging sexy pa ako, ang laki-laki ng tiyan ko!"

Nabanggit din ni Bayani ang medyo pa-sexy na eksena sa isa pa niyang pelikula, ang Feelinials, kasama si Ai-Ai delas Alas.

"Doon sa movie namin ni Ai-Ai din, pinaghuhubad ako, takbo ako nang takbo.

"Pero ako naman, hindi ako nahihiya kung ano ang katawan ko.

“Kung kailangan na walang tiyan, tatrabahuhin ko yun.”

STILL UP TO DATE WITH COMEDY STYLE

Tinanong din si Bayani kung sa palagay niya, pasok pa rin ang istilo niya sa pagpapatawa sa panahon ngayon na ang namamayagpag ay mga katulad ni Vice Ganda.

Sabi niya, “Actually, napatunayan ko yun sa I Can See Your Voice. Akala ko, hindi ako makakasabay sa millennial na.

“Sabi ko, iba na sila, kasi dapat aralin mo rin kung sino ang tinatanggap ng tao na comedy.

Continue reading below ↓

"So, tiningnan ko sila Vice kung paano sila bumato ng jokes, kung ano pa rin ang available na jokes, yun ang kinukuha nila.

“So, kapag pumapasok ako sa I Can See, hindi na ako nagbabaon.

"Kailangan lang, attentive ka. Mabilis ang pick-up mo.”

Ang I Can See Your Voice ay ang mystery music game show ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Bayani, “At saka, nakita ko sa YouTube, ang dami ko pa rin views, ang daming nanoood.

"At kahit nga itong Pansamantagal, million views.”

Ang Pansamantagal ng Horse Shoe Productions ay bagong pelikula ni Bayani. Ipalalabas na ito sa March 20.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bayani Agbayani fondly recalls days when he slept in the office to make ends meet: “Malayo kasi ang bahay ko, Malabon. E, ang matitipid ko kung hindi ako uuwi sa Malabon, PHP500 a week, so may PHP2,000 ako sa isang buwan. E, di bibigay ko na sa Nanay ko yun.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results