Maja Salvador, Rambo Nuñez get kilig vote from celebs

by Rachelle Siazon
Mar 15, 2019
"YAN TAYO, E, TODO NA TO!" Maja Salvador and Rambo Nuñez's sexy photos in Amanpulo, Palawan draw kilig reactions from their celebrity friends including Kim Chiu, Kakai Bautista, and Rufa Mae Quinto.
PHOTO/S: @iammajasalvador / @rambonunez Instagram

Pasabog ang kilig photos ng magkasintahang Maja Salvador at Rambo Nuñez sa kanilang pagbabakasyon sa Amanpulo, isang high-end exclusive resort sa Palawan.

Sunud-sunod ang posts nila na magkayakap at magka-holding hands, habang makikita sa background ang pristine beach ng Amanpulo.

"My man in Aman," proud na pagtukoy ni Maja kay Rambo.

Continue reading below ↓

"Beautiful," ang simpleng caption ni Rambo sa isa pang litrato nila ni Maja.

Kahit matindi ang sikat ng araw ay halatang enjoy sina Maja at Rambo na maglakad habang magkahawak ang kamay.

Continue reading below ↓

Umani ito ng kilig reactions hindi lang sa netizens kundi pati mismo kapwa celebrities ni Maja.

Karamihan sa mga iyon ay kilala rin si Rambo, isang businessman na may background sa marketing at events.

Kaya panay tukso ang inabot ng magkasintahan mula sa ilang celebrities—sa pangunguna nina Kim Chiu, Kakai Bautista, Rufa Mae Quinto, Marco Alcaraz, Adrian Alandy, at Sef Cadayona.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Kinilig din para kina Maja at Rambo sina Iza Calzado, Lovi Poe, Kaye Abad, Rodjun Cruz, KZ Tandingan, at Michelle Madrigal.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

RECONCILIATION WITH RAMBO

Ito ang unang relasyon ni Maja na ginusto niyang maging “1,000 percent” all-out sa pagbahagi ng sweet moments nila ni Rambo.

Kaya itinodo na rin ng Kapamilya actress ang pagpapakita ng kaligayahang nararamdaman sa piling nito.

Una nang naikuwento ni Maja sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na sa kabila ng hiwalayan nila ni Rambo nine years ago, walang nag-iba sa qualities na nagustuhan niya sa binata.

"Walang pagbabago sa very family-oriented and super love niya yung mommy niya.

"E, isa yun sa mga hinahanap ko. Kasi ang sabi nga nila, dapat mahanap mo yung lalaking sobrang mahal yung nanay, para alam mo kung paano ka rin niya mamahalin.

"And yung family nila, sobrang bait!"

MAJA'S VALENTINE REVEAL

Noong February 14 unang nagpahiwatig si Maja na ang Valentine date niya ngayong 2019 ay ka-date rin niya noong Valentine's Day nine years ago.

Nang mga sumunod na araw, unti-unting kumalat ang litrato nina Maja at Rambo na lumalabas kasama ng kanilang common friends.

Continue reading below ↓

Hanggang sa noong February 24 ay tuluyang ipinakita ni Maja sa kanyang Instagram ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Noong March 1, kinumpirma niya sa PEP.ph at ilan pang reporters na sinuway niya ang sariling rule na hinding-hindi siya makikipagbalikan sa isang ex-boyfriend nang magkrus ang landas nila ni Rambo.

"It's worth it," kilig na pag-amin ni Maja.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"YAN TAYO, E, TODO NA TO!" Maja Salvador and Rambo Nuñez's sexy photos in Amanpulo, Palawan draw kilig reactions from their celebrity friends including Kim Chiu, Kakai Bautista, and Rufa Mae Quinto.
PHOTO/S: @iammajasalvador / @rambonunez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results