Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh provide laughter at Chokoleit's "big night"

by Jerry Olea
Mar 15, 2019
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez

Present sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh, at John “Sweet” Lapus sa unang gabi pa lang ng lamay ni Chokoleit noong Marso 11, Lunes, sa Paket Santiago Funeral Homes, na ilang kandirit lang sa APT studio ng Eat Bulaga! sa Marcos Hi-way, Antipolo City.

Luhaan sila sa harap ng ataul ni Chokoleit, maging nang interbyuhin sila ng media people.

Continue reading below ↓

Si John “Sweet” Lapus ang nagmando para ayusin ang mga dapat ayusin.

Tiniyak ni Sweet na maganda ang make-up, ayos, at pagkakahiga ng Mahal Na Reyna (MNR), taguri nila sa namayapang kaibigan.

Isa pa lang ang handang ulam noong gabing iyon. Nagkaubusan agad ng kanin. Andaming uzi! Andami kasing celebrities na dumagsa.

Continue reading below ↓

Napaka-accommodating ni Vice sa mga gustong makipag-selfie o groufie sa kanya.

SECOND NIGHT

Noong Marso 12, Martes ng gabi, comparatively ay konti na lang ang nadatnan kong nag-uusyoso.

Andoon pa rin sina Vice, Pokwang, K, at Pooh.

Wala si Sweet dahil may taping.

Maaga sa venue si Pooh para siguraduhing nasa ayos pa ang mga bagay-bagay.

Continue reading below ↓

Bumaha ng pagkain. Toka iyon ni Pokwang.

Naubos ang juice pero maraming beer.

Noong Marso 13, Miyerkules, ay hindi na ako nakadalaw.

Nabalitaan ko na maski si Vice ay absent.

THE BIG NIGHT

Marso 14, Huwebes, ang big night.

Maraming marshall at hinihigpitan ang mga uzi.

Bago ang 8 P.M. mass ay nagpa-cater ng dinner si Vice sa Mandarin Sky.

Pawang karne ang tatlong klase ng ulam. Sandamukal ang softdrinks.

Maagang dumating si Jolina Magdangal pero umalis na ito bago ang misa.

Papunta siya sa screening ng restored and remastered version ng pelikulang Gimik: The Reunion (1999).

Tabi-tabi sa misa sina Pokwang, K Brosas, at Pooh.

Present din ang mag-amang Pen at Ping Medina.

Continue reading below ↓

Nang dumating si Vice ay tapos na ang misa na pinangunahan ni Very Rev. Fr. Roderick Maglonzo Yneco, DD.

Ang misa at tribute afterwards ay organized ng ABS-CBN Star Magic.

Continue reading below ↓

May ipapalabas silang online special entitled Paalam, Chokie bukas Sabado, Marso 16 ng 6 P.M. sa YouTube channel at Facebook page ng Star Magic.

Idinirek ito ni Kapitan Luz. Nangasiwa si Thess Gubi.

Si Anton Diva ang host ng tribute, kung saan naunang isalang si Pokwang.

Nag-request si Vice na pagsabay-sabayin na lang sila nina K at Pooh para makapagbatuhan at saluhan sila ng punchlines.

Continue reading below ↓

Idinagdag na rin later sa kanila si Pokwang.

May song number si K Brosas.

Nagbiro siya na ang kakantahin para kay Chokoleit ay either “Zombie” o “Staying Alive.”

Marubdob ang pag-awit ni K ng “The Warrior Is A Child.”

Nagbiro siya later na gagawin niya sana iyong “The Warrior Is A Gay.”

Continue reading below ↓

Parami-rami ang nakikipaglamay, lalo pa’t dating nang dating ang mga artista.

Maliban sa mga nabanggit na, namataan ng PEP.ph noong gabing iyon sina Johnny Manahan, Beverly Salviejo, Nikki Valdez, Ryan Bang, Candy Pangilinan, Jhong Hilario, Jed Madela, Mosang, John “Sweet” Lapus, Ogie Diaz, Direk Ruel S. Bayani, Roxy Liquigan, Mico del Rosario, Vivoree Esclito, Kisses Delavin, Gladys Guevarra, Teri Onor, Divine Tetay, Clarisse de Guzman, Bernard Cloma, at Angelica Panganiban.

Andaming nagpapa-picture kay Ryan Bang!

“Mahiyain kasi ako, e,” sambit ni Ryan.

Continue reading below ↓

May pa-midnight snack si Vice Ganda—siopao at tatlong klase ng pansit (bihon, canton at palabok).

3 A.M. nagsimula ang “primetime” show organized by stand-up comedians.

Dalawang poster ang pina-flash sa TV screen kaya hindi ako sure kung ang title ng pagtatanghal ay Salamat, MNR o The Final Rumor: Ang Huling Saludo Sa Reyna.

Biyernes ng 2:45 P.M. ang PAL flight para sa homecoming ni Chokoleit sa Davao City.

Biyernes at Sabado ang burol ni Chokoleit sa nasabing lungsod. Doon ang cremation niya sa Linggo, Marso17.

Iuuwi ang cremains ni Chokoleit sa bahay niya sa Town and Country Homes sa Cainta, Rizal, kung saan nandoon din ang ashes ng kanyang ina.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Ogie Narvaez Rodriguez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results