Aiko Melendez stands by boyfriend Jay Khonghun amid narco tag

by Arniel C. Serato
Mar 16, 2019
Aiko Melendez on boyfriend Jay Khonghun's inclusion on the narco list: "Kayo na po Zambales ang humusga po sa tamang panahon kung sino po ang nararapat na paniwalaan o hindi dapat paniwalaan."
PHOTO/S: Arniel C. Serato

Umalma sina Aiko Melendez at ang boyfriend nitong si Jay Khonghun sa pagkabilang ng huli sa panibagong narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang Huwebes, March 14.

Kabilang kasi si Jay, na alkalde ng Subic, at ang ama nitong si Zambales First District Congressman Jeffrey Khonghun sa 46 na local executives na nakatala sa narco list ng pangulo, ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa pamamagitan ng Facebook Live, naglabas ng pahayag si Mayor Jay kasama ang girlfriend noong nakaraang Huwebes ng gabi.

Dito nanindigan si Aiko na malinis ang reputasyon ng mga Khonghun.

Panimula ni Aiko, "Kami po ay nakikiusap, sana po sa lahat ng nanonood lalo na sa taga-Zambales, Madam, ang pakiusap lamang po namin, wala naman pong below the belt na tira po, kasi kami po ay nirerespeto po namin kayo bilang kayo po ang nakaupo ngayon."

Continue reading below ↓

Ang "madam" na tinutukoy ni Aiko ay si Vice Governor Angel Magsaysay-Cheng, na kasalukuyang bise-gobernador ng probinsiya at makakalaban ni Mayor Jay sa 2019 mid-term elections.

Pagpapatuloy pa niya, "Kung tutuusin po, mga maliliit na tao lamang po kami as compared to your power.

"Pero kami po ay tumatakbo at gusto namin ng isang fair na laban.

"Kaya nga po may eleksiyon para po makapag-desisyon ang tao kung sino ang nararapat at hindi nararapat maupo sa iisang posisyon."

Maging si Aiko raw ay nakarinig ng paninira para hindi siya lapitan ng mga tao.

Sa pagpapatuloy ng aktres, "Nakakalungkot lang po at pati po ako nasasali na po, na may skin disease po ako which is yung freckles ko po.

"Wala po akong skin disease.

"Madam, huwag niyo po pigilan ang mga tao na akapin nila ako sa tuwing gusto nila ako makita.

"Dahil yun po ay kaligayahan nila na minsan sa buhay nila makakita ng artista at yung iba po, umiidolo po sa akin.

Continue reading below ↓

"Sana po huwag niyong ipagkait yun dahil konting kaligayahan na nga lang po, ipagkakait niyo pa po.

"Isa pa po, naninindigan po ako sa maliit kong pangalan na inaalagan ko po, 30 years na po ako sa showbizness."

Muli, ipinagtanggol niya ang nobyo.

"Naninidigan po ako na wala pong kinalaman si Jay at si Congressman [Jeffrey] Khonghun, ang pamilya nila sa anumang droga, sa anumang isyu ng droga, naninindigan po ako diyan.

"Maraming puwedeng maniwala o hindi maniwala, pero sa amin, at ang importante sa puso namin, at alam ng Diyos, kung ano ang gusto namin at alam namin kung ano ang totoo.

"Kayo na po Zambales ang humusga po sa tamang panahon kung sino po ang nararapat na paniwalaan o hindi dapat paniwalaan.

"Maraming salamat po and naawa lang po ako kay Mayor Jay kasi sobrang bugbog na bugbog na po siya.

"Sana po, Madam, tigilan niyo na po.

"Malinis na eleksiyon lang po ang hinihingi namin sa inyo.

Continue reading below ↓

"Kayo po ang may makinarya po di ba? Ang pakiusap lang po namin, huwag naman sobra-sobra po."

MAYOR JAY DENIES NARCO POLITICIAN TAG

Ayon naman sa alkalde ng Subic, ni minsan ay hindi sila nasangkot sa anumang usapin tungkol sa droga kahit pa ilang dekada na ang kanilang pamilya sa pulitika.

Pulitika raw ang dahilan ng pagkakasali ng kanilang pangalan sa narco list ng gobyerno.

Kuwento pa ni Mayor Jay sa Facebook Live nila ni Aiko, "Hindi na po namin kailangan gawin na magprotekta ng droga or maging drug lord dahil hindi naman po kami ganun kahirap.

"At isa pa po, matagal na rin pong nangongontrata ang aking ama bilang contractor bago siya pumasok sa pulitika.

"Congressman na po siya, mayor na po ako, board member na po ang kapatid ko, bakit naman namin kailangan gawin yun, e, meron din naman po kaming pamilya na kailangan alagaan?"

Continue reading below ↓

Gagawa raw sila ng hakbang sa mga susunod na araw upang malinis ang kanilang pangalan.

Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na manggagaling sa kampo ni Vice Governor Angel Magsaysay-Cheng.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on boyfriend Jay Khonghun's inclusion on the narco list: "Kayo na po Zambales ang humusga po sa tamang panahon kung sino po ang nararapat na paniwalaan o hindi dapat paniwalaan."
PHOTO/S: Arniel C. Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results