Nadine Samonte asks for prayers to surmount pregnancy complications

by Ruel J. Mendoza
Mar 16, 2019
Nadine Samonte asks for prayers to help her surmount her contractions and other complications on her second pregnancy. She is currently on her 29th week and may be predisposed to premature birth.

Humihingi ng dasal ang aktres na si Nadine Samonte dahil sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang pagdadalantao.

Naka-confine ngayon si Nadine sa ospital dahil sa nararamdamang contractions sa kanyang tiyan.

Hindi pa due date ni Nadine pero dahil sa kanyang nararamdamang contractions, natatakot siya na baka mailuwal niya na premature ang second baby nila ng mister niyang si Richard Chua.

Nasa ika-29 week pa lang kasi ang tiyan ni Nadine at kailangan umabot siya ng 40 weeks para sa full-term ng pagbubuntis niya.

Ang hiling na dasal ni Nadine ay ang tumigil na ang nararamdaman niyang contractions para maging safe ang second baby niya, at para makauwi na siya at makasama ang kanyang panganay na si Heather Sloane na nakakausap lang niya via Facetime.

Naikuwento noon ni Nadine na noong mabuntis siya sa ikalawang pagkakataon ay na-diagnose siya with Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

Isa itong autoimmune disorder na nagbibigay ng komplikasyon sa pagbubuntis.

Continue reading below ↓

Ang ilang epekto nito ay preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction, and fetal loss.

Heto ang post ni Nadine sa Instagram noong nakaraang March 15:

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte asks for prayers to help her surmount her contractions and other complications on her second pregnancy. She is currently on her 29th week and may be predisposed to premature birth.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results