PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emilio Garcia esctatic over winning his first Gawad Tanglaw acting award

Emilio talks about his forthcoming indie movie where he plays a character based on a YouTube scandal.
by Rose Garcia
Published May 13, 2008
"Honest to goodness, ang sarap! Parang fulfillment yun ng pagiging artista mo. Maipagmamalaki mo talaga sa kaibigan, sa sarili mo, sa mga anak mo, na kahit papaano, ako ang napansin, di ba?" exclaims Emilio Garcia after winning his first acting award.

Masayang-masaya ang aktor na si Emilio Garcia nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Bukod kasi sa kasama siya sa bagong Sine Novela ng GMA-7 na Magdusa Ka—na nagsimula na kahapon, May 12— masaya rin si Emilio dahil for the first time, after being in the business for more than a decade, ay nakatanggap na rin siya isang acting award. Ito ay sa Gawad Tanglaw para sa pagganap niya sa indie film na Selda.

"First time ko sa Gawad Tanglaw na manalo," sambit ni Emilio. "Usually kasi, palagi lang nominated, e. Nauudlot lang palagi. Honest to goodness, ang sarap! Parang fulfillment yun ng pagiging artista mo. Maipagmamalaki mo talaga sa kaibigan, sa sarili mo, sa mga anak mo, na kahit papaano, ako ang napansin, di ba?

"Ang sarap! Ang sarap pala ng pakiramdam. Para kang nabigyan ng bonus sa trabahong ginawa mo," masayang pahayag ng aktor.

After ng award niya sa Gawad Tanglaw, nominated din si Emilio sa Star Awards for Movies bilang Best Supporting Actor para sa Selda pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana makalusot," asam niya. "Actually, ang maganda talaga riyan, magaganda naman ang mga review. So sana, sana talaga makalusot at manalo ulit."

FROM SEXY ACTOR TO SERIOUS ACTOR. Hindi naman maitatanggi na nagsimula rin si Emilio sa sexy and bold films. Pero nagawa niyang makaahon mula rito hanggang sa makilala siya bilang isang mahusay na aktor.

Karamihan ng kasabayan ni Emilio noong usung-uso pa ang sex films ay wala na halos sa sirkulasyon. Pero siya ay never na nawala o nabakante man lang sa pelikula at telebisyon.

Ayon kay Emilio, ang pagmamahal daw siguro niya sa kanyang craft ang dahilan kung bakit siya nananatiling aktibo sa showbiz.

"Siguro, magseryoso lang talaga sa trabaho. Hindi naman basta yung hindi namimili. Mamimili ka rin, pero hindi masyadong maselan dapat. Mahirap din naman yung tanggap ka na lang nang tanggap. Mahirap din naman yung tanggi ka na lang nang tanggi," pahayag ng aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"SCANDAL" Sa kasalukuyan ay isang independent film na naman ang ginagawa ni Emilio under the direction of Joven Tan, ang Scandal. Ito raw ay hango sa isang true-to-life story na kailan lang nangyari sa isang malayong lalawigan sa bansa.

Naging controversial ang kuwentong ito tungkol sa isang gay na naaoperahan sa isang hospital at pinagpiyestahan sa YouTube. Hindi lang sigurado si Emilio nang kausap namin kung ang buong kuwento ay hango nga sa naturang pangyayari. Hindi pa rin niya maikuwento nang buong-buo ang tungkol dito dahil ang pagkakaalam daw niya, ongoing pa rin ang isinampang kaso ng gay laban sa hospital kung saan ginawa ang kanyang operasyon.

"Ginawa namin yung mga character, seryoso. Lalo na noong nagpapaalam ako na magsu-suicide ako. Ang haba, seryoso, although hindi ko alam kung ganoon talaga yung totoong kuwento," lahad ni Emilio, na siyang gaganap sa gay role.

Sa Magdusa Ka naman ay gumaganap siya bilang ama nina Dennis Trillo at Gabby Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
"Sa movie yata, hindi masyadong gano'n kalaki yung role ng tatay nung dalawa," banggit ng aktor. "Neutral lang naman ang character ko rito, although frustrated lang ako kay Gabby dahil mas gusto ko ang personalidad ni Dennis. Mas gusto kong anak si Dennis. Gusto ko man si Gabby, pero gusto ko maging katulad siya ni Dennis."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Honest to goodness, ang sarap! Parang fulfillment yun ng pagiging artista mo. Maipagmamalaki mo talaga sa kaibigan, sa sarili mo, sa mga anak mo, na kahit papaano, ako ang napansin, di ba?" exclaims Emilio Garcia after winning his first acting award.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results