Nang lumipat si Maxene Magalona sa ABS-CBN ay nabanggit niya sa managament ng Kapamilya network na gusto niyang makatrabaho si Angelica Panganiban.
Natupad ito sa Playhouse, ang daytime series na magtatapos na ngayong Biyernes, March 22.
Ayon kay Maxene, "Sobra naman, any type of work, any blessing is a blessing.
"I'm very, very grateful na nakasama ko si Angge [nickname ni Angelica].
"Kasi nung una akong lumipat sa ABS, ang unang tinanong sa akin ay kung sino ang gusto kong makatrabaho.
"Si Angelica ang sinabi ko.
"Kasama ko kasi si Angelica sa Ang TV noong mga bata pa kami.
"Hindi kami naghihiwalay nung mga bagets kami, 7 years old, at ngayon lang kami nagkasama.
"Mayroon kaming common friends, like Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio...
"Kumbaga, marami kaming naging common friends, pero kami, hindi pa kami ever nagkaroon ng time na mag-bond, hang out.
"Siyempre, iniidolo ko talaga si Angelica bilang peer ko, kaedad.
"Isa siya sa pinakanirerespeto ko na aktor, kasi iba ang respeto ko sa mga comedian na kayang magdrama.
"Sina Zanjoe [Marudo] at Angelica, ibang klase ang pagiging natural nila as comedic actors.
"Akala po ng lahat ng tao, drama is the most difficult, but really comedy is so hard to do.
"You have to be precise, kailangan marunong kang magtimpla.
"Working with Angelica and Zanjoe, sobra akong daming natutunan.
"Basta, para akong sponge pag nakakasama ko sila.
"Sobrang napi-pick up mo, ang laking tulong talaga."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxene sa thanksgiving presscon ng Playhouse last week.
WHAT ABOUT ELMO?
Ngayong nasa iisang bakuran na sila ng kapatid na si Elmo Magalona sa Kapamilya network, excited si Maxene na magkasama sila sa isang proyekto.
"Kaya nga when you asked me kanina kung happy ako, of course lahat ng trabaho na ibinibigay sa akim dito, I'm just so grateful.
"Ito na nga, nakatrabaho ko si Angge, si Zanjoe, at marami akong natutunan sa kanila.
"I know, hopefully soon, si Elmo rin makakasama ko.
"Kasi, isa ‘yan sa dreams ko.
"Yung dad ko, never ko ring nakasama sa isang soap, mga ano lang, Lenten special, ganoon lang ang mga ginagawa namin ni Papa dati.
"Pero yung mismong soap na makasama nang matagalan, hindi pa.
"Curious ako kung paano kami ni Elmo sa set," sabi ng anak ng yumaong si Francis Magalona.
MIXED FEELINGS
Masayang-malungkot si Maxene sa pagtatapos ng Playhouse sa Biyernes.
"Siyempre nakakalungkot pero, at the same time, thankful ako na nakatrabaho ko ang mga magagaling na mga actors. Sobra akong grateful, that's all I feel, sobra akong grateful.
"Sobrang laki talaga, very challenging yung role niya.
"Very corky, very crazy, pero at the same time, very complex, very deep yung character niya na kailangang alalayan.
"Sinasabi nila na yung character ni Nathalia, puwedeng maging OA ang ginagawa ko.
"Good to know, ang feedback ng mga tao, parang natural naman daw.
"Ang di nila alam, I had six years of practice as Donna sa Daddy Di Do Du," pagbanggit niya sa dating sitcom ng GMA-7 na pinagbidahan nila ni Vic Sotto.
Patuloy ni Maxene, "Ganun siya magsalita, pero mas pinaarte ko lang si Nathalia, kasi matanda na siya.
"Sobrang laki ng naitulong niya sa akin at isa siya sa pinaka-favorite character na nai-portray ko ever.
"Tuwang-tuwa ako sa kanya at nabigyan niya ako ng room to grow as an artist. Yung creativity ko, na-challenge."
Maraming mami-miss si Maxene sa pagtatapos ng Playhouse.
"Siyempre lahat, yung lahat ng tao na nakasama ko rito.
"Yung Playhouse, nag-start na bahay-bahayan lang and then, towards the end, naging totoong pamilya na.
"Playhouse for me is the house where I can play and be myself, because everyone in the set accepts you and welcomes you.
"Dito sa Playhouse, isang buong family kami. Totoo yun na pag umaapak kami sa set, walang pressure, everyone is just helping each other out.
"Di mo aakalain na makakabuo ka ng ganitong klaseng pamilya.
"Even though totoong pamilya nga ang characters namin dito, hindi naman yun mapipilit na maging totoo.
"Natural yung bonding namin, so isang malaking blessing yun sa aming lahat."