Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Benjamin Alves keeps up conversation with his late dad

by Rose Garcia
Mar 19, 2019
Benjamin Alves picks up the pieces after painful episodes in his life and will be seen in GMA-7 new teleserye, Sahaya.
PHOTO/S: Rose Garcia

Ramdam na ramdam pa rin daw ni Benjamin Alves ang biglaang pagpanaw ng kanyang ama na si Ebet Sapida, at hanggang ngayon ay kinakausap pa rin niya ito.

Aniya, “When I’m home, every time after taping, I’m all by myself, nararamdaman ko yun, e.

“But I talk to my dad. I talk to my dad when I wake up, I talk to my dad when I want it, nasa wallpaper ko ‘yan.”

Makikita pa rin nga kay Benjamin na naging mahirap para sa kanya ang mga nagdaang buwan.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang biglaang yumao ang kanyang ama noong October 8, 2018, matapos atakahin sa puso.

Nasundan agad ito ng paghihiwalay nila ni Julie Anne San Jose noong December 2018.

Pero ayon sa Kapuso actor, “I’d like to think na separate po ang dalawa.

“That would be disrespect to Julie kung sabihin ko na mas nahirapan ako para kay Daddy.

Continue reading below ↓

“Those two things were very separate for me… I lost my dad, I wasn’t able to say goodbye to him.

“It takes a lot for me just to break down. Pero yun nga po, they’re both painful experiences.

“Parang my year end that way, but I only look forward with what the year offer now.”

Sinubukan tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano talaga ang namagitan sa kanila ng dating girlfriend at nauwi sila sa hiwalayan.

Mabilis at magalang naman na iniwasan ng Kapuso actor na sagutin ito.

“I can’t answer your question,” ang bukod-tanging nasambit na lang niya.

Nakausap ng PEP.ph si Benjamin sa Empire Studio office kamakailan kunsaan nagkaroon ng pocket presscon para sa ginawa niyang visual poetry.

POETRY AND WORK AS THERAPY

Marami na ring visual poetry ang nagawa si Benjamin, at ang pinakauna ay may titulong Mga Nais Kong Sabihin Ngunit Di Ko Nasabi.

“Ginawa ko siya para sa nanay ko,” pakli niya. "She’s still going through difficult times, pero sana nga nakatulong sa kanya.

Continue reading below ↓

“Kung sino man ang nakapanood ng visual poetry, sana nakatulong din po sa kanila.”

Iniisip na lang daw ni Benjamin na sa pamamagitan ng kanyang visual poetry, naging boses siya ng namayapang ama para maghatid ng mensahe sa mommy niya.

Kuwento ng aktor, “Pinaalam ko muna po sa mommy ko bago ko gawin, mukha namang naiyak.

Continue reading below ↓

“Sabi nga niya, parang si Daddy ko ang nagsasalita—yun na lang po ang mahalaga sa akin.”

Noong December 2018 pa raw niya naisipang gumawa ng tula, pero inabot ng dalawang buwan bago siya nakapag-umpisa.

“Ang hirap, e, masakit pa rin,” pag-amin ni Benjamin.

"Pinagdadaanan mo pa rin siya, kailangan mo pa siyang ilagay sa papel, isulat.

“Matagal din po ang proseso… marami rin pong proseso na nangyari.

“Tiningnan ko kung paano magsalita si Daddy, paano siya magsulat sa Facebook.

“Yung mga chat namin nina Daddy at Mommy, kaya sabi nga po ni Mommy, parang si Daddy ang nagsalita.

“And when I listened to it, para nga pong si Daddy."

Gustuhin man daw ni Benjamin na samahan pa ang kanyang ina sa Guam, minabuti na niyang bumalik na sa Pilipinas.

Paliwanag ng aktor, "Kailangan ko pong bumalik sa trabaho, para makatulong na rin kay Mommy.

“I wasn’t helping her anymore when I was there… I’m trying to keep it together now, mahirap po.

Continue reading below ↓

“I think it would not help my mom to move on if hindi ko po sinubukan. I don’t think it can get worse.”

Trabaho rin daw ang nagiging therapy para kay Benjamin para mas mapagaan ang nararamdaman niya.

“Work, at this point,” sambit niya.

Sa ngayon ay mapapanood si Benjamin sa pilot week ng bagong prime-time series ng GMA-7, ang Sahaya.

At naniniwala si Benjamin na hindi pa panahon para ma-in love siyang muli.

“I don’t think there’s time for me except to be a good son and take care of my mom.

“Wala pa talaga sa isip ko talaga ‘yan and I don’t think I have the capacity to do anything but to find myself first.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Benjamin Alves picks up the pieces after painful episodes in his life and will be seen in GMA-7 new teleserye, Sahaya.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results