Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Mylene Dizon says she never asks for VIP treatment at work

by Rachelle Siazon
Mar 19, 2019
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Natatawang sinabi ni Mylene Dizon na hindi siya kailanman umastang “diva” o “pa-star” sa loob ng 13 years niya sa showbiz.

Kumpiyansa raw siyang hindi siya ang tipong kailangan ng VIP treatment kapag siya ay nasa trabaho.

“No, no, no. Hindi ako dumaan sa diva stage.

"I never liked divas that’s why hindi ako nagpapa-diva. 'Tsaka hindi talaga bagay sa personalidad ko."

Pagtukoy pa niya sa kanyang simple at cowboy na pag-uugali, “Hindi bagay maging diva, e.

"Unang-una yung mga daliri ko, anliliit. Hindi ako bagay sa mga pang mga maaarteng ano!"

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mylene pagkatapos ng presscon ng Sahaya, ang bagong Kapuso prime-time series na kinabibilangan niya.

Ginanap ang presscon sa Matrix Creations Events Place, noong March 11.

Siniguro naman ng isa sa mga TV production people ng Sahaya na kahit sa dating pinagsamahan show nila ni Mylene ay never naging “pa-star” ang aktres.

Continue reading below ↓

Kaya hindi raw nakapagtataka kung bakit madalas kinukuhang bahagi ng cast si Mylene sa mga teleserye.

Komento naman ng 44-year-old actress, “One thing that I’ve collected about myself is that I have respect for my work.

“And of course, everything follows—respect for people that I work with, respect for the people who created the job for me, and respect for myself.”

Hindi natanong ng entertainment press si Mylene tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ni John Estrada nang magkatrabaho sila sa defunct ABS-CBN prime-time series na The Good Son noong 2018.

Pero sa ulat ng PEP Troika noong March 12, diretsahang sinabi ni Mylene na hindi niya gustong makatrabaho ulit si John nang tanungin ang aktres kung may posibilidad na magsama sila sa isang proyekto.

Sinubukan ding tanungin si Mylene kung napatawad na niya ang aktor, pero nakiusap ang aktres na huwag nang pag-usapan pa ang nagdaang isyu.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results