Singer JK Labajo receives death threat from netizen

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2019
JK Labajo posts on his IG Stories screenshot of a netizen's message threatening his life.
PHOTO/S: Courtesy: @jkfamonline on Instagram

Ikinagalit ng singer na si JK Labajo ang pagmumura at pagbabanta sa kanyang buhay ng isang netizen.

Kagabi, March 18, ibinahagi ni JK sa Instagram Stories (IG Stories) ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kanya ng isang netizen.

Nakalagay sa mensahe ng isang nagngangalang Conde Vergonze:

“P*%$ INA MO.

“PAPATAYIN KITA HUMANDA KA SA HUMANDA KA SA GIG MO PAPASABUGIN KO YUN WALA AKONG PAKE SA DAMI NANG MAMAMTAY MAPATAY LANG KITA”

Sinulatan din niya ang screenshot ng: “Beshie huli ka na.

“Palagi kaming may pasabog sa mga gigs namin di ka namin need. Luv u 2 thnx bye.”

Continue reading below ↓

Sa kasunod na IG Stories niya, sinabi ng "Buwan" singer, “basta kung ganyan ugali alam niyo na kung kaninong fan yun.

“pag may mangyari man sakin kilala niyo na kung sino paghihinalaan niyo.

“#WalangMakakataloSaWapakRangers

“#BatoBatoSaImpyernoAngMatamaanGago.”

Sa ikatlong IG Stories niya, nagsabi lang si JK ng “*uto-utong fan.”

Continue reading below ↓

Sa huli, may mensahe si JK sa kanyang mga tagahanga:

“yung sa mga nagmamahal sakin, kilala ko kayo.

“binabasa ko mga messages niyo kaso lang di ko mareplyan lahat.

“basta. maraming salamat. mahal ko rin kayo.

“andito lang ako sa dilim…

“nagmamatayag.

“nakatingin.”

Continue reading below ↓

Hindi man direktang tinukoy ni JK, maaaring tagahanga ng nakaalitan niyang si Darren Espanto ang sinabi niyang “uto-utong fan” na nagbanta sa kanyang buhay.

Nagsimula ang hidwaan ng dalawang dating finalists ng The Voice Kids Philippines noong October 2018 dahil sa diumano’y pagtawag ni JK na “bakla” kay Darren.

Simula noon, hindi na natigil ang patutsadahan ng dalawa sa social media.

Nitong nakaraang Sabado, March 16, inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang sinampahan daw ng cyber libel complaint ng ina ni Darren na si Marinel Espanto si JK.

Hinihintay lang daw ng kampo ni Darren na mag-18 si JK upang puwede na itong ihabla sa korte.

Gayunpaman, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
JK Labajo posts on his IG Stories screenshot of a netizen's message threatening his life.
PHOTO/S: Courtesy: @jkfamonline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results