Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ruru Madrid neither confirms nor denies relationship status with Bianca Umali

by Arniel C. Serato
Mar 19, 2019
Ruru Madrid refuses to directly answer relationship status with rumored girlfriend Bianca Umali.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi pa rin maamin o maitanggi ni Ruru Madrid, 21, ang usap-usapang magkarelasyon na sila ng kapwa Kapuso star na si Bianca Umali, 19.

Bakit ayaw pa nilang umaming sila na nga ng Sahaya star?

Paiwas na sagot ni Ruru, “A... ayos naman, masaya.”

Dagdag pa niya, “Pinagpapawisan ako nang buo-buo dito!”

Nang inulit namin ang tanong yungkol sa relasyon nila ni Bianca, paiwas pa ring sagot ng binata.

“Masaya ako para sa show nila yung Sahaya, ang ganda.

“Ang ganda ng Sahaya. Nanood ako kagabi.”

Ang tinutukoy ni Ruru ay ang bagong prime-time series ng GMA-7 na pinagbibidahan ng rumored girlfriend niya.

Kailan pa naging sila?

“Anong kailan pa?” patanong din niyang sagot.

Maiksing nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru bago magsimula ang story conference ng pagbibidahan nitong pelikula, ang G! LU (Go! La Union).

Makakasama niya rito ang kapwa niya hunks na sina Kiko Estrada, David Licauco, Teejay Marquez, Enzo Pineda, Marco Poli, Dominic Roque, at Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓

Makakatambal nila sa summer movie na ito mula sa ALV Films, Benchingko Films, at Rein Entertainment sina Chanel Morales, Michelle Dee, Cynthia Thomalla, Sophia Senoren, Kimi Mugford, at Miss World Philippines 2018 Katarina Rodriguez.

FRIENDS WITH MAUREEN WROBLEWITZ

Pinagdudahan noon na niligawan ni Ruru ang Asia’s Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz.

Continue reading below ↓

Naging maugong din kasi ang balitang may espesyal na relasyon ang modelo sa kontobersiyal na singer na si JK Labajo.

Diin ni Ruru, “Hindi kami ni Mau, magkaibigan lang naman po talaga kami.”

Sina JK at Maureen na ba?

Sagot ng Kapuso actor, “Well, ako kasi, hindi naman ako nagtatanong ng mga bagay na kung sino ba yung boyfriend niya, kung sinong idini-date niya, kasi okay naman kami.

“I mean, pinag-uusapan namin kung paano siya ngayon... I mean, nasa Eat Bulaga! siya, di ba?”

Hirit naman ng PEP.ph, mayroon na rin naman siyang Bianca.

Natatawang sagot ni Ruru, “Ang ganda ng G! LU.”

Sa first week of April pa sila magsu-shooting sa San Juan, La Union.

Sa June 2019 naman ang target playdate nito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid refuses to directly answer relationship status with rumored girlfriend Bianca Umali.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results