Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

TAPE executive clarifies speculations about Maine Mendoza's absence from Eat Bulaga

by Arniel C. Serato
Mar 20, 2019
TAPE executive Malou Choa-Fagar explains that Maine Mendoza's schedule affected her presence on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Noel Orsal

Nasa pilgrimage ngayon sa Jordan ang Eat Bulaga! Dabarkads at executives.

Kabilang sa mga ginawa nila roon ay ang magpabinyag gamit ang tubig sa Jordan river at mamasyal sa ilang historical at Biblical sites.

Continue reading below ↓

Kahapon, March 19, nag-post ang TAPE executive na si Malou Choa-Fagar ng isang group shot nila.

Caption niya rito: “Dabarkads at Petra. Missing Maine.”

Nagtaka ang ilang netizens kung bakit wala sa group photo si Maine Mendoza, gayong kasama nila itong nagpunta sa Jordan.

Kaagad na tinanong ng showbiz columnist na si Allan Diones si Malou kung nasaan na si Maine.

Continue reading below ↓

Sagot ng TAPE executive, “Back to Manila yesterday. May shoot.”

Sinagot din ni Malou ang katanungan ng ilang netizens tungkol sa ilang araw nang pagkawala ni Maine sa Eat Bulaga!

Nataon kasing nawala si Maine sa programa ilang araw pagkatapos nitong aminin na "exclusively dating" na sila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Continue reading below ↓

Ang ka-love team ni Maine na si Alden Richards ay patuloy pa ring napapanood sa Eat Bulaga!.

Isang netizen ang tila nakiusap kay Malout na "ibalik" na si Maine sa noontime show.

Mensahe ni @raquel.manto.1, “Mam malou, pls ibalik nyo na si meng sa eat bulaga mahal na mahal namin sya ,for she's being real,miss her so much.”

Paglilinaw naman ng lady boss ng TAPE, “@raquel.manto.1- we did not take her out. It’s her sked that does not permit her to attend the show.”

Continue reading below ↓

Tanong naman ni @edith59c, “Ano po b ang sked ni maine?db po daddy gurl lang un taping ny? cyempre po kyo ang nkakaalam ng sked ni maine kc under cy ng management ninyo.tnx

Tugon ni Malou, “@edith59c- hindi ako part ng management ni Maine.”

MALOU CHOA-FAGAR REACTS

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag kay Malou tungkol sa madaliang pag-uwi ni Maine sa Pilipinas galing Jordan.

Continue reading below ↓

Sagot niya sa amin, sa pamamagitan ng text messaging, ngayong hapon ng Miyerkules, March 20, “She told me she had a TVC shoot so she left earlier.”

Ano ang dahilan kung bakit ilang araw nang wala ang Phenomenal Star sa Eat Bulaga?

Ayon kay Malou, “Hindi ko alam ang reasons, I am not part of her management team.

“Ask Triple A na lang.”

Ang Triple A ang namamahala sa career ni Maine.

Kaagad naman naming hiningan ng pahayag si Rams David ng Triple A sa pamamagitan ng Facebook at text messaging.

Pero hindi pa siya tumutugon sa aming mensahe.

Ngunit noong March 7, pinabulaanan na ni Rams ang mga espekulasyon tungkol sa pagkawala ni Maine sa Eat Bulaga.

Sabi niya sa kanyang Facebook post: “Kesyo Suspended, Tinangal at Lumipat. Wala pong totoo kahit ano po dyan. #lovelivelove mga Beshie.”

">

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TAPE executive Malou Choa-Fagar explains that Maine Mendoza's schedule affected her presence on Eat Bulaga!
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results