Dinalaw ni Jak Roberto ang girlfriend na si Barbie Forteza dahil may sakit ito. Pero hindi lang pagdalaw ang ginawa ni Jak kay Barbie. May kasama pang libreng "macho dancing" moves na natutunan pa ni Jak sa social media sensation na si Dante Gulapa.
Gagampanan ni Jak ang buhay ni Dante sa mapapanood na Magpakailanman episode ngayong Sabado, March 23.
Heto si Jak habang tinuturuan ng "viral macho dancer" na si Dante ng kanyang "Gulapa Moves."
View this post on Instagram1 on 1 turorial with Big Papa ????#DanteGulapa #Gulapanatic #Daigonatics #Magpakailanman
Naging socila media sensation si Dante nang i-upload nito ang kanyang macho dancing videos sa Facebook na kinatuwaan ng users ng social media platform.
Heto naman ang patikim na teaser ng Magpakilanman episode na magpapalabas ng buhay ni Dante Gulapa na gagampanan ni Jak Roberto.
PEP Live
